Chapter 12

7K 155 4
                                    

Nagising na lang siya na nasa isang madilim na kwarto na siya. Inilibot niya ng paningin. Nagbabakasakali siyang makita ang kambal pero wala. Nag-iisa lang siya sa kwartong yon. Sinubukan niyang magsalita pero doon niya lamang napagtanto na may nakatakip na tape sa bibig niya. Nakatali na din ang magkabilang kamay niya.

Doon lamang sumagi sa isipan niya ang asawa. Adam was shot and they left him there lying on the cold floor of that Mall's parking lot. At natatakot na siya sa mga posibilidad na pwedeng mangyari dito. Madaming mga senaryo ang naglalaro sa isipan niya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso niya.

What if it was too late? What if, Adam is dead due to a severe blood loss?

Hindi niya mapigilang mag-isip ng mga ganoong kanegatibong bagay. Nanginginig ang buong kalamnan niya. She was scared but not for herself and it is ironic. She should be worrying for her own safety but here she is. Worrying about her husband's safety but of course! She should. Adam is her husband.

Kaya kailangan niyang makatakas dito. Kailangan nilang makatakas dito. Pero bago ang bagay na yon, kailangan niya munang makawala mula sa  pagkakatali niya sa upuan na 'to. Hindi niya alam kung saang lupalop ng Pilipinas siya dinala ng ex-fiance niya.

Ilang ulit niyang sinubok  na makawala o maalis man lang ang lubid na nakatali sa dalawang kamay niya pero sobrang higpit nun na, sa bawat hila niya para makawala mula sa pagkakatali ay nag-iiwan lang yon ng pulang marka sa balat niya.

Nasa ganun siyang kalagayan ng biglang pumasok ang isang lalaking may dala ng isang tray na may lamang pagkain. Kinalma niya ang sarili at nag-iwas ng tingin. Bahagya itong yumuko para alisin ang tape na nakatakip sa bibig niya.

"Kumain ka, malilintikan ako kay Bossing kapag hindi ka kumain"


Agad siyang napatingala ng makilala kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yon. Kinindatan siya ni Callix at pasimpleng pumunta sa likuran niya. Naramdaman niya na lamang ang pagkaputol ng lubid na nakatali sa palapulsuhan niya. Bahagya itong yumuko at mahinang bumulong.


"Adam and others will be here after an hour. All I needed right now is your cooperation, Bela"

Napakunot ang noo niya sa pinagsasabi nito. Isininyas nito ang dalawang lalaking nakatayo at nakabantay sa may pintuan. Nakuha niya naman ang gusto nitong ipahiwatig.

Napahawak siya sa kaniyang tyan at nagkunyaring nasasaktan. Muntik na siyang matawa ng makitang pati si Callix ay nabigla sa kaniyang ikinilos.

"You told me that you needed my cooperation, right?"-  pabulong na sabi niya. Agad naman itong ngumisi dahil sa narinig mula sa kaniya.


"Anong nangyayari dyan?"


Nagmamadaling lumapit sa kanilang posisyon ang isang nakabantay doon sa pintuan. Nakakunot ang noo nito habang may paghihinalang pinagkatitigan silang dalawa.

"Pre, mukhang manganganak na 'to. Anong gagawin natin? Tang*na!"


Lihim siyang napangiti. Hindi naman pala masama ang acting skills na taglay ng binata. Kahit papaano ay kapani-paniwala naman ang pag-arteng ginawa nito na tila natataranta at hindi alam ang gagawin.

Nakita niyang biglang namutla ang lalaking nasa harapan nilang dalawa. Panay din ang pagmumura nito.


"Bantayan mong maigi yan. Tatawagan ko lang si Bossing"


Nagkatitigan silang dalawa. Isang makahulugang tinginan. Ang dali lang naman palang utuin ng mga ito. Agad na tumalima ang lalaki at pinuntahan nito ang kasamahan niyang nakatayo talaga doon sa may pintuan. May pinag-uusapan nilang kung ano. At base na rin sa buka ng mga bibig nito, mukhang ang kalagayan niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Billionaire Series 1: Adam VolszkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon