"Hey Buddy you ok? You're spacing out"-napakurap-kurap siya ng marinig ang boses ni Callix.
Tiningnan niya ang buong paligid. Ganun pa din, pero wala na si Isabella. Wala na silang hawak hawak na cellphone para hanapin ang nawawalang singsing na gagamitin para sa proposal niya mamaya.
" Where's the ring? Where's my wife?"- maang tanong niya sa kaibigan. Tila wala na siya sa sariling wisyo. Ang nasa isip niya na lang niya ngayon ay ang proposal niya para sa esposa.
Nakakunot noo naman siyang tinignan ni Callix, tila napapantistikuhan ito dahil sa mga kinikilos niya.
" Here's the ring, Volszki"-nakahinga naman siya ng maluwag ng biglang lumapit si Troy at binigay sa kaniya ang singsing.
Nagulat na lang siya ng may biglang bumatok sa kaniya.
"What the hell, Buenaventura!?"
Basta- basta na lang kasing nambabatok si Rafael. Hindi na tuloy maipinta ang reaksiyon sa mukha niya.
"Stop daydreaming Volszki. Baka mabulilyaso ang proposal na gagawin mo. Umayos ka"
Tila nahimasmasan naman siya dahil sa sinabi nito. Ewan, pinangunahan ata siya ng kaba, na baka ireject ng Misis niya ang proposal. Pero malabong mangyari ang bagay na yun. Alam niya sa sarili niya, mahal siya ng asawa. Pero, kahit ganun, hindi niya parin mapigilan ang sariling wag kabahan.
"All set na ba?"-dumagundong ang boses ni Callix. Sabay sabay namang naghiyawan ang mga kaibigan niya at pumunta sa kaniya-kaniyang pwesto.
Nagmamadali siyang pumunta sa isang tent na hinanda nila. Doon muna siya. Kailangang hindi siya makita ni Isabella.
Matagal niyang pinaghandaan ang araw na ito. Alam niyang kahit hindi magreklamo ang asawa. Alam niyang gusto nitong maranasan ang makasal sa simbahan. Every woman dream to have their church wedding with the man of their lives. So same as his wife.
Gusto niyang ibigay ang pinapangarap nitong kasal. Gusto niyang tuparin ang isa sa mga pangarap ng asawa.
Nagulat na lang siya ng makita si Sebastian sa tabi ng piano. Mukhang ito ang tutugtog para sa proposal niya mamaya. Habang si Liam naman ay nakapwesto na para sa isa pang surprisa para sa esposa.
**
Naalimpungatan si Isabella. Papungas-pungas na tiningnan niya ang buong paligid. Nasa loob pa din siya ng kotse ng Mister pero wala na doon si Adam. Napakunot ang noo niya ng biglang bumukas yung car door sa tabi niya. Nakangiting si Xander ang bumungad sa kaniya. Katabi nito si Shaun na nakangiti din at bihis na bihis tulad ng kuya Xander niya.
Agad naman niyang inabot ang isang kamay nito na nakalahad sa harapan niya. Napangiti siya ng alalayaan siya ng kambal na bumaba ng kotse ng Ama nila.
"I'm sorry Mom but you need to wear this"-saad ni Shaun na agad tumalima at pumunta sa likuran niya. Nagulat na lamang siya ng walang kung anu-ano'y ay may piring ng nakatakip sa mga mata niya.
" Hawak lang po kayo sa'min Mom"-napatango naman siya sa sinabi ng panganay niya at ginagap ang kamay ng dalawa.
Nagtitiwala naman siya sa mga anak. At kung ano mang klaseng paandar at gimik ito. Alam niya, alam niyang pakana ito ni Adam, ng Mister niya.
"Saan niyo ba talga ako dadalhin? -ngiti-ngiting tanong niya sa mga ito. Hindi niya mapigilang maexcite at the same time kabahan. Hindi niya alam kung anong mangyayari pero, alam niyang may kung anong importanteng mangyayari sa araw na ito. Hindi niya lang alam kung ano. Pero, isa lang ang alam niya. Ang mangyayari ngayong araw ay hindi niya makakalimutan at habang buhay niyang alalahanin. 'Yun ang kutob niya, yun ang sa tingin niya.
BINABASA MO ANG
Billionaire Series 1: Adam Volszki
RomanceFormer Title: Billionaire's Series 1: Billionaire's Babies WARNING: this story may contains matured contents. At ang kailangan natin ay maging open minded. Isabella Mondragon just by her name screams power. Nasa kaniya na ang lahat, ang kasikatan, y...