Chapter 16

6K 138 3
                                    

Warning: Matured content ahead. Read at your own risk. Enjoy reading guys.

"Kamusta ang mga bata?"-yun lamang ang bungad ni Isabella sa isa sa mga tagapamahala ng ancestral house nila sa Tagaytay.

" Nasa play room po, Maam Isabella"

Napatango naman siya sa sinabi ni Nanang Dina. Nilingon niya ang asawa na nakasimangot at panay ang sita sa mga kaibigan niya. Panay kasi ang pag-akbay at yakap sa kaniya ni Rafael. Napailing iling na lamang siya at mas mabuting ipaghanda ang mga ito ng makakain dahil natitiyak niya na nagugutom na ang mga ito.

"Mama!"-nagtatakbo na nilapitan siya ni Callista. Niyakap nito ang mga binti niya. Mahina siyang natawa sa ikinilos nito.

" Hi Mom"-sabay halik ni Xander sa pisngi niya. Nakita niya naman ang nakasimangot na si Shaun habang papasok sa kusina na agad ding ngumiti noong makita siya.

"Welcome home Mom"-katulad ng ginawa ng panganay na anak ay hinalikan din siya sa pisngi ni Shaun.

" What happened? Bakit nakasimangot ka kanina anak, Shaun?"

Nag-aalala kasi siya. Dalawang linggo  din silang nawala ni Adam para asikasuhin ang kaso tungkol sa pinsan niyang si Sarah. Nag-aalala siya na baka may kung hindi ng magandang nangyayari sa mga anak niya dito.

"Wala po 'to Mom. Ako naman po kasi ang napagdiskitihan nina Kuya Xander at ni Callista"-nakasimangot na sagot ni Shaun sa kaniya habang binubuksan ang isang garapon ng cookies at pasimpleng kumain noon.

" Hayaan mo at bibisita dito ang anak ng Ninong Liam mo. Sina Zammarah at Zarah"

Pinigilan niyang matawa ng nabilaukan si Shaun at napaubo si Xander habang karga karga na ngayon si Callista na, kanina ay nayakap pa sa mga binti niya.

Napangisi siya sa mga kinikilos ng mga anak. Sino ba naman ang rason kung bakit ganito kung umasta ang magkakambal kundi ang Ama nila mismo.

"We're fine Mom. Hindi na namin pagdidiskitahan si Shaun. Right Baby Callista?"-nakangiting tanong ni Xander sa bunsong kapatid na humahagikhik ng tawa at tumango tango.

Napipilitang ngumiti naman si Shaun habang umiinom ng tubig. At ngayon niya lamang napansin ang ayos ni Shaun. Nakadamit pangbabae ito at may ipit sa buhok. Napailing-iling na lamang siya.

" Osige na, doon muna kayo sa playroom at papadalhan ko kayo ng meryenda kay Nanang Dina"

Agad namang tumalima ang tatlo. Tila ba ayaw na ayaw ng kambal na pag-usapan ang mga anak ng Ninong Liam nila.

Hindi niya mapigilang mapangiti ng makita ang kulitan ng asawa niya at mga kaibigan nito. Pinagitnaan kasi nina Rafael at Callix si Adam na halata ang pagkadisgusto sa sitwasyon at sa mga nangyayari. Parang mga bata kung umasta ang mga ito. Natampal  niya na lamang ang sariling noo noong masulyapan ang pinanonood ng magkakaibigan. Mr. Bean ang pinanonood nila.

Minabuti niya na lamang na magbake ng cupcakes para sa meryenda ng mga bata at inihanda niya na din ang griller sa dirty kitchen nila dahil halatang magkakaroon ng inuman mamaya.

Nasa kalagitnaan na siya ng paglalagay ng icing sa mga cupcake na bnake niya ng maramdaman niyang may bigla na lang yumakap sa kaniya mula sa kaniyang likuran. And she can clearly tell who was responsible for that act.  Sa pabango pa lamang na gamit nito, alam niyang si Adam ang nakayakap sa kaniya.

"Do you need some help here wife?"- napangiti siya lalo na ng pasimpleng ipinatong nito ang baba sa kanang balikat niya. Adam was beautiful catastrophe she have ever encountered. Alam niyang mali ang simula nila. Napag-isip isip niya din na hindi lamang si Sarah ang may mali. Maging siya at si Adam may maling ginawa para humantong itong lahat sa ganito.

Billionaire Series 1: Adam VolszkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon