"What is love?" Tanong ng adviser namin. Tinatamad siguro siya mag turo since malakas ang buhos ng ulan at talaga namang nakakatamad ang hapon na 'to. Siya ang last subject namin.
"Love is when you have respect!" Sagot ng kaklase ko at napa iling na lang ako sa sagot niya. Respect? You can give it to anyone who deserves to be respected.
"Love is when he can make you laugh." Sagot ng babae kong kaklase. Well, everyone can make you laugh, but not everyone can make you happy.
Madami pang mga nagsalita lalo na yung mga uhaw sa pagmamahal, may mga sumagot na ang Love daw ay kapag tinanong ka kung kumain ka na ba. Meron naman na kapag daw binilan ka ng make up's at sapatos.
Napailing na lang ako sa kababawan ng ibig sabihin nila sa pagmamahal. Sa panahon ngayon ang salitang 'Mahal Kita' ay salita na lamang. Hindi na galing sa puso o dahil sa may nararamdaman ka kundi dahil trip lang. Napapailing na lang siguro ang mga taong nagmula pa sa sinaunang panahon.
"Ang pagmamahal ay kapag hindi siya umalis sa tabi ko mula sa hirap at ginhawa. Yung kasama ko siya sa bawat season ng buhay ko at makakasama ko hanggang sa huling hininga ko." Napukaw ang atensyon ko sa lalaking nagsalita non. Parang may kung anong lungkot ang naramdaman ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Malaki siguro ang pinaghuhugutan ng isang 'to.
"How about you Ms. Devie?" Bigla namang tumingin sakin ang lahat at nagtaas baba pa ng kilay yung lalaking huling sumagot.
"In this generation, I don't believe in Love. It does nothing but to hurt you." Napatango tango naman sila at yung iba naman ay parang na confuse pa sa sinabi ko.
You'll never know, unless it happens to you....
Nasa waiting shed ako dahil malakas pa ang ulan at wala pang taxi ang dumadaan. Kaya naman naghihintay ako ngayon nang pwedeng masakyan.
"Mukang kailangan mo na 'to." Napatingin ako sa payong na nasa harapan ko. Kaming dalawa lang ngayon ang tao dito dahil na din siguro sa may mga sari sariling sasakyan ang mga mag aaral dito.
"MUKANG KAILANGAN MO 'TO." Nilakasan na niya ang boses niya dahilan para mairita ako. Nananahimik ako mag isa dito eh!
"Ano ba hindi nga!" Simaan ko pa siya ng tingin at nagulat pa siya dahilan para itaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko na.
"Kaya siguro umuulan dahil may isang tao dito na hindi naniniwala sa pag-ibig." Hindi naman kami close, at hindi naman ako interesado sa kanya at isa pa wala akong mapapala kung makikipag usap ako sa katulad niya.
"Bakit nga ba may mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig? Marahil ay may masakit na nangyari sa nakaraan niya o hindi pa niya naranasan na magmahal." Hindi ko alam pero sa pagkakataong iyon parang nahulaan niya kaagad ang nararamdaman ko.
"Siguro-"
"WILL.YOU.PLEASE.STOP.TALKING?" Tumango naman siya at nag zip mouth pa. Buti na lang ay may paparating na na taxi.
"By the way, I'm Bjorn." Hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na. Pakiramdam ko nakakairita na maging kaklase siya for the whole year.
***
Nagsimula nang ipamigay ang test paper at ang iba ay dali daling sinagutan 'yon. Kinausap pa ako kanina ng adviser namin na baka daw mababa ang score na makuha ko gawa ng palagi akong wala sa klase niya. Madalang naman talaga ako hindi uma-attend ng klase tapos kila Josie ako nagpupunta at inaaral ko mag-isa.
Naka one seat apart ang mga upuan at nasa harap lang si Ma'am at inoobserbahan ang bawat estudyante.
Napatingin ako sa katabi ko nang bigla siyang umubo pero alam ko naman na sadja yon dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ko.
At yung lalaking ubod ng daldal at kulit yung umubo na yon. Si Bryan? Brando? Brix? Whatever his name is.
Nag taas baba pa siya ng kilay at ngumiti sakin ng nakakaloko. Binigyan ko naman siya ng manahimik-ka-jan look.
Ilang oras ang nakalipas at natapos din lahat ng exam at nagsi uwian na ang iba.
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......