"Kung mabubuhay ka na lang ng sampung minuto ano yung gagawin mo?"
"Siguro puputulin ko na lang yung bibig mo para hindi ka na makadaldal at sabay tayo mamatay." Humagalpak naman siya sa tawa at napahawak pa sa tiyan.
Andito kami ngayon sa computer lab at may at gumagawa ako ng mga research paper dahil malapit na ang defense.
Akala ko magiging tahimik ang mundo ko dito sa lab dahil mag isa lang ako at tanging aircon lang yung maingay. Hindi ko alam kung san ako mapunta nahahanap ako ng lalaking 'to.
"So gusto mo ako makasama mamatay? Ayieeeee Devie naman sana nung unang araw pa lang sinabi mo na may gusto ka pala sakin nato-torpe-"
"Manahimik ka nga! Hindi ako makapag concentrate! Kapag may mali akong na type dito humanda ka sakin at ipapakain ko sayo lahat ng bond paper dito!" Ano klaseng nilalang ba to? Siya lang yung bukod tanging nakakapang asar sakin.
Akala ko tahimik ang magiging mundo ko dito dahil si Tito ang nagpasok sakin dito. Bakit may asungot na laging kumakausap sakin dito!
"Halatang inis na inis ka na sakin ah? Well may 2nd sem pa tayo at ilang buwan mo pa ako makakasama sa iisang room." Sabi niya at nag taas baba pa ng kilay sabay ngisi.
Natapos ko na lahat ng paper works ko at nasa canteen na ako para mag lunch. May dalawang subject pa, nagdadalawang isip pa ako kung magcu-cutting na lang ako.
Binilisan ko na lang ang pag gawa kanina sa lab dahil naririndi na talaga ako sa boses at kakadaldal ng lalaking yon. Hindi ako interesado sa lahat ng bagay at kabaliktaran naman siya. Lahat na lang ata ng makita niya may explanation siya. Kababata niya ata yung philosopher.
Nang maka order na ako, mahina kong sinasabi na sana wag siya sumulpot bigla, sana wag niya ako makita, sana sa iba na lang siya kuma-
"DEVIL!" Napapikit ako at dahan dahan tumingin sa kanya at napaka saya pa niyang naka kaway sa akin. Mabilis kong inalis ang tingin ko at kunwari hindi ko na lang siya nakita.
"Pa share ng table 'ah?" Hindi na lang ako sumagot dahil kahit naman sabihin kong hindi uupo pa din siya.
"Bjorn wala ka bang kaibigan? I mean wala kang kasama dito?" Tanong ko.
"Hmm meron naman." Napailing na lang ako, bakit pa kasi nakilala pa ako neto eh. Sana hindi na lang umulan nung time na yun edi sana hindi ako nag hintay sa waiting shed ng sasakyan edi sana hindi kami nag abot don!
"May kaibigan ako pero ayokong nilalapitan nila ako, kaya lang ako may magandang dahilan kung bat ayokong mapalapit sila sakin." Ang gulo ng utak ng lalaking 'to.
"Ayoko ng kaibigan, ayoko ng kasama, kaya kung ine-expect mo na magiging kaibigan mo ko hindi mangyayari yon." Matigas kong sagot. Nakangiti lang siya pero hindi yon yung ngiting laging nakikita ko, may kung anong sinasabi yung mga ngiti niya.
"Sana pantay pantay na lang lahat ng tao 'no? Sana walang may nahihirapan at nasasaktan, sana lagi na lang masaya, sana mahaba na lang ang buhay ng lahat ng tao 'no? Pero hindi eh, ang permanente lang sa mundo ay ang pagbabago." Hindi pa niya nauubos yung pagkain niya at pinaglalaruan na lang niya yun gamit ang kutsara niya.
"I don't care about your thoughts, just leave me alone." Mabilis ko sinukbit ang bag ko at iniwan siya don. Nawalan na ako ng gana tapusin ang pagkain ko at nawalan na din ako ng gana pumasok. Bakit ba nako- konsensya ako na iniwan ko siya don mag-isa. Pakiramdam ko nakasakit ako ng damdamin ng ibang tao.
Hindi pa uwian kaya naman hindi pa nagpapalabas ang mga guard, may alam naman akong daan palabas sa parking lot. Mabilis akong umakyat sa pader at binalanse ko ang katawan ko para hindi ako mahulog, kanal ang babagsakan ko kung sakali.
Mamamasahe na sana ako nang bigla kong maalala na may motor pala akong dala. Hindi ako sanay na may dalang kahit ano sa school mas sanay ako mag commute. Kahapon binilan ako ni Ma ng honda cbr fighter na kulay black, napanganga na lang ako dahil ang ganda ng pinili niya, hindi ko alam na may taste pala si Ma pagdating sa mga motor.
Sinuot ko na ang helmet ko at pina andar ang motorsiklo at nagtungo kina Josie.
"Bakla bakit hindi pa kotse ang pinabili mo?" Tanong ni Josie. "Hindi ko naman pinabili yan." Sagot ko at nagsindi ng sigarilyo. Tinaas ko ang paa ko sa lamesa dito sa salas at nanood sa tv, kapag andito ako kila Josie mas nakakagalaw akong maayos.
"Pag nalaman ni Tita Des na alam kong nagyo-yosi ka lagot ako don kaya tigilan mo yan Devie lagot ka sa Mama mo!" Saway pa niya pero hindi lang ako nakinig
"Nag cutting ka na naman hano?" Tumango ako at nilagay sa ash tray ang basyo ng sigarilyo. "Siguradong bagsak ka na naman!" Tinawanan ko lang siya at pumamewang naman siya.
"Wala eh, Rank 1 lang naman ako eh." Nag kibit balikat lang ako at umaliwalas naman ang mukha ng bakla.
"Hindi ka na pumapasok naging rank 1 ka pa sa room niyo? Dinadaya mo yung score mo hano?"
"Papunta pa lang sila, pabalik na ako. Napag aralan ko na ang mga yon bakla! Baka nakakalimutan mong college na sana ako ngayon." Tumango tango naman siya at hindi na lang nakipag usap sakin.
"Dapat ipa-alam mo yan kila Tita." Sambit niya habang ako naman naghahanap ng magandang palabas sa tv.
"Hayaan mong sila ang maka alam, alam mong hindi kami close nun." Hindi ko alam kung alam ba nila o hindi, pero kung sakaling malaman man nila wala lang din naman sa kanila.
Nagta trabaho si Josie bilang make up artist, dyan naman ako bilib sa baklang 'yan, wala na siyang pamilya dito pero nabubuhay niya ang sarili niya.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang madilim na bahay tanging ilaw lang sa kusina ang nakabukas. 2 am na kasi at ngayon lang ako nakauwi, sinabi kasi ni Josie na mag celebrate kami kaya naparami ang inom namin kasama din namin ang mga kaibigan niyang bakla.
Dahan dahan akong umakyat sa kwarto at napatigil ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. "Where have you been?" Ma awtoridad na tanong ni Mama. Parang bigla na naman siyang bumalik sa pagiging masungit.
"Uhm, kila Josie lang Ma." Papasok na sana ako nang magsalita pa ulit siya. "Uwi ba ng matinong babae 'yan?" Hindi na lang ako sumagot, sana matapos na ang sasabihin niya!
"Sige na, magpahinga ka na." Agad kong binuksan ang kwarto at sumampa agad sa kama, hindi na ako nakaligo sa sobrang hilo ko.
Ugh sana maka pasok pa ako mamaya!
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......