Naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko kaya naman agad akong naalimpungatan.
"We're here Dev.." mahina pang pagkasabi ni Bjorn at ang lahat ay pababa na.
Inabot pa kami ng ilang oras bago makapunta sa hotel.
"Wow ang ganda naman dito!!"
"Whoooaaa!"
Agad binigay sakin ni Mr. G ang susi ng room ko at umakyat naman ako agad.
Pagod ako kaya ayoko munang makisama sa kanila. Gusto muna mag pahinga.
Mag isa lang ako sa kwarto dahil obviously ako lang nag iisang babae.
Naligo ako agad at nagpunta sa balkonahe. Nagsindi ako ng yosi at pinagmasdan ang ganda ng hotel.
Iimagine mo na lang na may pool kang matatanaw at sa di kalayuan andun yung beach.
Gabi na kaya naman konti na lang ang mga nasa labas. Nawala na din ang mga lalake siguro ay nagpapahinga na rin.
Ako eto ang pahinga ko, manigarilyo pero may kulang. Kulang ng kape.
Agad akong bumaba at nag hanap ng coffee machine. Agad naman akong nakahanap at nag punta sa bench kung saan malapit na lang at tanaw na tanaw na ang bawat hampas ng alon.
Nakatingin lang ako sa sigarilyo na hawak ko, pinagmamasdan ko kung saan tatangayin ng hangin ang usok.
Weird..
"Akala mo ba kina-cool mo ang pagyo yosi?" Alam kong boses ni Bjorn yon kaya naman hindi na ako nag abala pang lingunin siya.
"Kung yun ang tingin mo.." sabi ko at tumabi naman siya sakin. "Alam mo kasi Dev masama yan sa baga 'eh. Gets mo ba? Kung hindi teka ipapaliwanag ko sayo. Ganito kasi yan Dev listen ah? Alam mo bang manghihina ang immune system mo jan! Mahihirapan ka pang huminga! Tsaka mas maapektuhan yung makaka langhap ng usok na katabi mo!" Napaka haba ng sinabi niya. Hindi talaga niya kayang mag salita ng walang hand gesture. Kulang na lang tumayo siya sa harap ko.
"Naiintindihan mo ba sinasabi ko ha?" Masungit pang tanong niya. "Hinde." Mabilis kong sagot tsaka siya binugahan sa mukha dahilan para mas mainis siya at matuwa naman ako.
Tinapon ko na yung yosi at konti na lang at filter na lang. Bumalik na ako sa bench at ang sama ng tingin sakin ng loko.
"Alam mo buti na lang mabait ako, kung iba yan baka sinapak ka pa mismo!" Pinitik pa niya ako sa noo. Hindi na lang ako nag reklamo ang sakit niya mamitik punyeta!
"At hindi lang mabait! Gwapo pa! Saan ka pa! HA! Kay Bjorn ka na!" Proud niyang sabi sabay pogi sign at nag taas baba ng kilay.
"Hoy magsalita ka naman! May bayad ba bawat salita mo!" Tumingin lang ako sa kanya saglit tapos ay tinuon na ang atensyon ko sa napaka linis at napaka gandang dagat.
"Paano ka nila magugustuhan nyan?" Biglang tanong niya. "Hindi ko naman kailangan na gustuhin nila ako 'eh wala naman akong pakialam sa expectation nila. Basta ako eto ako. Ayon sila." Tumango tango pa siya.
"Basta ako kahit ano at sino ka man tatanggapin kita." Sabi pa niya na para bang bata na naglalambing dahil gusto magpabili ng laruan.
"Devil pano kung galing ako sa nakaraan tapos pinanganak lang ulit ako para sayo? Pano kung kunware ay mamamatay din ako? Ano gagawin mo?" Kung ano-anong naiisip ng isang 'to. Napaka lawak ng imahinasyon.
"Edi wala.. kunware lang pala eh." Nakatingin lang siya sakin tapos ay bigla na namang pinitik ang noo ko. Nawiwili na to ah!
"Napaka ayos mong kausap!" Humalukipkip pa siya.
"Che dyan ka na!" Parang bata talaga. Ang sarap isama sa alon ng tubig.
"Ang gagawin ko.. Hihiling ako na mabuhay ulit tapos kung ipanganak man ako tadhana na ang bahalang pagkitain tayo." Tumango naman siya at humarap na sakin.
"Eh pano kung ako naman yung nawala tapos sa pagkakataon na 'yon kapag pinanganak ulit ako hindi na kita kilala?" Saan ba to humuhugot ng mga tanungan nyang ganyan.
"Edi sasabihin ko sa gagamit ng katawan mo na kakilala ko yung dating gumamit ng katawan niya.." pati ako napapa isip ng dapat kong isagot.
"Sana kapag na reincarnate tayong dalawa magkakilala pa din sila no?" Tumango na lang ako. Hindi ko alam sinasabi niya kaya suma-sang ayon na lang ako.
"Dev mag pahinga ka na. Gabi na din." Sabi pa niya at nauna ng tumayo.
"Mauna ka na. Hindi pa ako inaantok. Siya nga pala, ayos ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Ayos naman na ako medjo parang nahihilo lang pero kaya naman." Tumango na lang ako at nagulat ako dahil naka lahad ang kamay niya sa harap ko.
"Ano gagawin ko jan?" Tanong ko at nginuso ang kamay niya.
"Tara na! Hatid na kita sa kwarto mo. Gabi na baka mapano ka pa."
"Susunod na ako."
"Sabay na tayo."
"Susunod ako Bjorn!"
"Sabay na tayo."
"Ayos lang ako dito."
"Sabay na-"
"Oo na! Oo na! Tara na!" Walang papantay sa kakulitan niya!
"Ayun! Susunod din pala eh. Ayaw lang kitang mapahamak dito!" Sabi pa niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa parehas naming kwarto.
"Kaya ko naman." Sabi ko pa at pinatong pa niya yung kamay niya sa ulo ko.
Bigla akong nanliit sa height niya. Matangkad na ako pero di hamak na mas matangkad siya.
"Pumasok ka na." Sabi pa niya tsaka nag gesture na pumasok na ako sa loob.
Para namang hindi ako papasok. As if namang tatakasan ko pa siya.
Nang makapasok na ako ay tsaka ko lang naramdaman ang pagod kaya naman nag pahinga na ako.
Papikit na sana ko nang may mahinang kumatok sa pinto.
"Deviiieee." Binuksan ko ang pinto at bahagya pa siyang nagulat dahil naka subsob ang mukha niya at pilit sinusuksok ang bibig sa gilid ng pinto
"Ano ba?" Irita kong tanong.
"Goodnight hehe." Tumango lang ako at isasara ko na sana ang pinto nang biglang pigilan niya yon.
"Sabi ko Goodnight! Aishh!!" Kumunot pa ang noo niya at pumamewang pa.
Sinara ko na lang na mabilis ang pinto.
Bahala siya jan.
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......