KABANATA 32

15 1 0
                                    


Hindi ako kailanman naniwala sa Love dati. I was alone. I was empty. Hindi ko alam kung san patutunguhan ng buhay ko. Hindi ako nag aaral dati at hininto ko ang course ko, natuto ako manigarilyo at uminom ng alak.

Para akong buhay, pero ang pagkatao ko patay na. Napaka dilim ng buhay ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko, nawalan pa ako ng kakampi sa buhay.

Hindi ko na alam pa ang depinisyon ng bagay bagay para sakin. Naging matigas ako, wala na akong pakialam sa nangyayari sa buhay ko. Hindi na din ako interesado sa kung sinong makikilala ko. Wala akong interes sa lahat ng nasa paligid ko, maski bagay o tao.

Pero dumating si Bjorn. He light up my world like nobody else can do. Sa bawat araw na kasama ko siya hindi ko namamalayan sa sarili ko na nagbabago na ako. Nakukuha ko ngumiti, magpatawad at maging kalmado.

I've finally found the best version of me.

Isang napaka lawak na ngiti ang nilahad ko sa maraming tao sa harap ko habang hawak ang diploma ko. Nakita ko din si Tito Alfred na kumukuha ng litrato namin ni Mama.

"Dev, Bjorn picture naman kayo!" Agad naman akong inakbayan ni Bjorn at nag wacky face kami at isang naka ngiti.

"Proud ako sayo Anak." Nagulat naman ako dahil ngayon ko lang narinig ang salitang 'yon galing kay Tito Alfred. Agad naman niya akong niyakap.

Naka tanggap pa ako ng text kay Josie na hindi siya makakapunta at babawi na lang siya. Abala kasi siya sa bagong patayo niya ng restaurant. Pagkatapos ng sakit, ayun, nakabangon din ulit.

"Insan! Congrats!" Kinamayan pa ako ni Dexter. Nakita ko naman ang Papa niya na nasa wheel chair. Pinantayan ko ang Papa ni Dexter. "Magpagaling ho 'kayo." Nginitian ko lang siya pero wala akong natanggap na sagot. Binulungan ako ni Dexter na hindi na din pala nakakapag salita ang Papa niya, pero hinawaka nito ang kamay ko. Tumango na lang ako at ngumiti. Nakausap na din ni Mama si Dexter para sa check up at gamot. Sinagot na din ni Tito Alfred ang grocery at bagong gamit nila.

Natapos na ang pagdiriwang kaya namang kanya kanya ng uwi ang iba. Nagbibihis ako sa locker room nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

"I always wanted to kill you pero hindi ko magawa dahil baka bago ko pa magawa yun ay nauna na ako." Napatawa siya sa sinabi niya. "Mabuti nang alam mo yan." Sagot ko. Nakipag kamay naman ako sa kanya sa nakalahad niyang kamay.

"Congrats Devie."

"Salamat, at sayo din Jill."

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong sumunod sa kakainan namin nila Ma. Kasama ang pamilya ni Bjorn. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon.

"Ayos ka lang?" Tango lang ang natanggap kong sagot kay Bjorn. Pinigilan ko na ang luha ko bago pa nila mapansin to.

Nagulat ako dahil hinila na naman ako ni Bjorn. Bakas ang pagtatanong sa mukha nila Mama at ng pamilya niya pero nag text na lang ako na may pupuntahan kami.

"Bjorn san mo na naman ako dadalhin? Ang hilig hilig mo ko hilahin."

Hingal na hingal kaming dalawa. Napatingin ako sa lugar. Isang napakalawak na space tapoa puro damuhan lang ang maaapakan. Puro din puno at may iilan na bench at mga palaruan.

"Halika dun sa gitna!" Nagpunta kami sa mismong gitna ng oval. Gabi na at wala ng katao tao dito.

"Devie Star Montenegro.... will you be my girlfriend?" Nanlaki ang mata ko dahil nakaluhod siya ngayon sa harap ko at may singsing pa na nasa maliit na box.

"H-ha? B-bakit-"

"Now, again. Devie my Star. Will you be my girlfriend and my life time partner?"

Set You FreeWhere stories live. Discover now