KABANATA 23

12 0 0
                                    

BJORN

Lumipas ang ilang linggo matapos ang trip to Palawan namin ay balik na naman sa normal na kinagawian. Gusto ko nga na sana mas tumagal pa para mas nas nakakasama ko si Devie.

"Bjorn si Devie 'oh!" Turo pa ni Kd kay Dev na naglalakad at wala man lang emosyon ang mukha. Lalapitan ko pa sana nang bigla akong sinamaan ng tingin.

Ang layo namin sa gawi niya at nakita pa niya kami nun! "Mahal mo talaga si Dev ano?" Biglang tanong ni Oliver. Andito kaming tatlo sa grand stand. Break time naman kaya magkakasama kami. Sila Yohan, Puroy at Justine ay nasa kabilang block, nauna silang mag time kaya naman kami na lang ang natira dito.

Napagtanto ko na hindi ko naman kailangang palayuin sakin yung mga kaibigan ko at yung mga taong malapit sakin, dahil sa mundong 'to sila na lang yung nagpapakatotoo.

Ang dami kong napagtanto nang makilala ko si Dev. Akalain mo yung basag ulong babaeng 'yon ay makakapag bago din ng isang katulad ko.

"Oo naman pre. Hindi ko din alam kung paano nangyari yun basta kapag talaga tinamaan ka, hindi ka na makakailag pa." Kahit naman ako hindi ko rin expected 'to lalo na at hindi siya yung tipikal na babae.

"Basta suportado ka namin!" Sabi naman ni Oliver at tumango naman si Kd. Maya maya pa ay nagkatinginan kaming tatlo nang may nagkakagulo sa oval.

Ang daming tao at ang ingay kaya naman nilapitan namin kung ano ba ang meron dun.

"Ano yun pre?" Tanong ni Oliver. "Gago magkakasama tayo anong malay natin jan?" Natatawang sagot ni Kd.

Sumingit naman ako sa mga tao at agad silang nagbigay ng daan.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Dev. At mas nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaki na dumudugo ang bibig at puro pasa ang mukha. Napaisip naman ako kung ano na naman ang pinag gagawa ng babaeng 'to. At kung siya ba ang may gawa niyan.

"Umamin ka na at ipapangako ko sayo na hindi ka na masasaktan, pero kung magpupumilit ka hayaan mo kong dagdagan yan." Agad akong nakaramdam ng kaba sa boses niyang yon, nanginginig ang labi niya at nanlilisik ang mata niya.

Alam kong galit na galit si Devie ngayon dahil pati ako ay natatakot sa boses niya. Pero isa samin ay hindi alam kung ang dahilan ng mga galit na yon.

"Mapapagod ka lang Devie. Dahil kahit anong gawin mo hinding hindi ko sasabihin sayo." Nagmamatigas na sabi ng lalaki. Lalapitan ko pa sana si Dev pero pinigilan ako ni Oliver.

"Hindi din kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi. Patigasan tayo ngayon." Nagtititigan lang sila na para bang pinapatay nila ang isa't isa sa mga pagtitig na yon.

Sinusundan ko lang si Devie at humahanap ako ng tyempo na kausapin ko siya sa lugar na wala ng tao.

Sinabi din nila Oliver at Kd na sila na ang bahalang gumawa ng palusot sa susunod na subject namin kung bakit wala ako.

Napansin ko na gumawi siya sa likod ng school. Napapagod na ako pero wala pa din siyang tigil sa paglakad hanggang sa napunta siya sa pinaka likod ng school. Nasa loob pa din kami pero walang pumupunta na estudyante dito kaya nga hindi ko alam kung bakit mas alam pa niya 'to eh ang tagal ko ng nag aaral dito.

Nagsindi pa siya ng sigarilyo at napailing na lang ako. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o mananatili na lang akong nakatago dito sa pader. Alam ko kasing gusto niyang mag-isa

"Lumabas ka na dyan Bjorn." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya. Dahan dahan akong pumunta sa gawi nya.

"P-pano mo nalaman na andito ako?" Takang tanong ko at naupo sa tabo niya.

"Kanina ko pa alam na sinusundan mo ko." Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Y-yung t-tungkol kanina a-ano bang-"

"Wag ka ng magtanong, tinatamad ako ipaliwanag hindi naman kailangan." Walang ganang sagot niya. Sabi ko na nga ba eh, nagbabakasakali lang naman ako na baka sipagin siya magsalita.

Napatingin lang ako sa kanya at ang layo ng tingin niya. Sunod sunod pa ang buntong hininga niya tsaka hihithitin yung yosi niya.

Tsk!

"Bakit ka ba natuto nyan?" Tanong ko pa at nakatitig lang ako sa kanya.

"Hindi ko alam."

Ano bang aasahan ko syempre hindi magku kwento yan!

"Aalis na ako. Pupunta pa ako sa Portel." Biglang sabi niya tsaka pinitik yung yosi niya tsaka inapakan yon.

"Sabay na ako Dev." 3 subject na lang naman kaya ayos lang. Gusto ko lang makasama si Devie.

"May sasakyan ka naman eh." Sabi pa niya. Deretcho lang siyang naglalakad. Ang bilis niya maglakad! "E-eh wala kasing gas eh." Palusot ko pa. Hindi ako nawawalan ng gas gusto ko lang talaga siyang makasama.

"Sige, kunwari naniniwala ako. Halika na sumabay ka na!" Nang makarating na kami sa parking lot ay binigyan niya sakin ang helmet.

"Bakit mo sakin binibigay yan?!"

"Suotin mo na lang." Pero hindi ko sinuot yung helmet na inabot niya. Nakatayo lang ako habang naka andar na si Ruru. Hinihintay na lang niya akong sumakay pero nagmatigas pa din ako.

"Isuot mo na mas kailangan mo yan." Sabi pa niya habang nakasakay na at hinihintay na lang ako.

"Ayoko."

"Isa."

"Ayoko Dev! Ikaw ang magsuot dahil ikaw ang magda drive."

"Dalawa."

"Ha! Ang kulit mo din talaga ano Dev!"

"Tatlo!"

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang umalis. Iniwan niya ako dito kaya naman dali dali kong sinuot ang helmet at tumakbo papunta sa kanya.

Nakita ko pang natatawa siya kaya naman pinitik ko ang noo niya. HA! Akala niya ha!

Habang papunta ay hindi ko maiwasang magpigil ng hininga sa sobrang bilis ng takbo ng motor.

"Dev hindi ka ba takot mamatay?!" Sabi ko pero nilakasan ko ang boses ko dahil na din sa hangin na humahampas sa mukha ko. Dapat talaga siya na lang ang nag suot ng helmet eh.

"Hindi." Sagot niya.

"Sino nga pala ang doktora mo Bjorn tsaka bakit lagi ka sa Portel?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan sa biglaang tanong niyang 'yun pero nanatili akong kalmado.

Nakarating na kami sa Portel Hospital na hindi ako kinakausap ni Dev.

Agad akong nakaramdam ng hilo pero pinilit ko pa din na maging normal pero dumagdag pa ang sakit ng dibdib ko.

Normal na 'to sakin pero twing kasama ko si Dev ay hinihiling ko na sana hindi umatake to.

Set You FreeWhere stories live. Discover now