KABANATA 21

10 2 0
                                    

Nag aalala ako kung ano bang nangyari kina Oliver.

Papasok na sana ako ng kwarto nang biglang may humila sakin. Tinakpan pa niya ang mata ko.

Agad ko siyang sinipa patalikod at agad naman niya akong binitawan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Justine.

"Ang sakit nun ah!"

"Ano ba kasing nangyayari sayo!" Magkaharap kami ngayon at nakakunot na ang noo ko.

"Turn around." Agad akong napalingon nang marinig ko si Bjorn at pagharap ko ay agad nanlaki ang mata ko!

What the-!

May lamesa at punong puno ng petals ang dadaanan papunta don. Nakita ko pa sila Kd, Yohan, Puroy, Oliver at pati si Justine. Nakatayo sila sa gilid at nakapila habang nakapang waiter na damit.

Nagsabwatan na naman sila!

Habang si Mr. G naman ay nakaupo sa gilid at may piano pa habang si Sir. Chang naman ay violin ang hawak.

Napatingin ako sa kanila at nag thumbs up pa si Sir. Chang tsaka agad nilang tinugtog ang Canon in D by Johann Pachelbel..

Tipid akong napangiti nang marinig ang pinagsamang piano at violin. Parang mas gumanda pa lalo ang version.

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam na naman ako ng lungkot at saya nang marinig ko iyon.

Habang papalakad ako papunta sa lamesa na may pagkain pang nakahanda.

"Anong trip 'to Bjorn?" Pinilit kong ipakita ang walang reaksyon kong mukha.

Imbis na sumagot ay ngumiti lang siya sakin tapos ay pinaupo ako.

Habang kumakain ay hindi pa din ako mapalagay kung ano ba yung ginagawa nila na to.

Nag serve pa ng wine si Oliver samin at dessert naman si Yohan.

At mas nagulat ako dahil agad siyang lumuhod sa harap ko! Tapos ay binuksan niya ang maliit na box at tumambad don ang singsing.

WENGYA!?!?!?! PROPOSE AGAD!?

"P-pwede b-bang---" hindi pa siya makapag salita at umiiling iling pa siya tapos ay huminga ng malalim.

Manligaw? Pwede bang manligaw? Wengya!

"Dev! P-pwede ba tayong maging close?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis!

"Makikipag close ka lang pala bakit kailangan pa ng paandar na ganito at may singsing ka pa jusko po Bjorn!" Nasapo ko pa ang noo ko.

"Basta kahit anong mangyari huwag mo huhubarin yan!" Sabi niya at ngumuso pa.

"Gumastos ka pa para sa singsing na to?!" Tanong ko pa at inirapan pa niya ako.

HA!

"Hindi ko binili 'yan. Binigyan sakin ni Lola 'yan at ibigay ko daw sa babaeng sigurado na ako at gusto ko makasama habang buhay.." napatingin ako sa singsing na nakakabit na sa daliri ko.

"Pano ka naman nakakasigurado na ako 'yon aber?"

"Basta alam ko.. basta nararamdaman ko at sigurado ako," seryoso pa niyang sagot. "Just stay with me.. please." Para pa siyang bata na nanlalambing sa nanay at sinandal ang baba niya sa balikat ko.

Binitawan din niya ako agad at saka umalis agad naman akong sinayaw ni Oliver. "Ang lakas na ng tama ng kaibigan namin sayo Dev!" Natatawa pa niyang sabi. "Madaming nagkakagusto dyan noon pa man pero hindi siya interesado.. lagi niyang pinapalayo ang mga tao sa kanya sa hindi namin malaman na dahilan.. kaya ganun na lang kami kasaya nung nagbago siya.. binago mo siya ikaw ang dahilan kung bakit naging masigla ulit siya.." nahinto pa siya sa pagsasalita na para bang pinipigilan ang luha.

Set You FreeWhere stories live. Discover now