Hindi ko alam sa kung saang paraan ako huhugot ng lakas ng loob, mas pinanghihinaan ako kapag nakikita ko yung sitwasyon ni Bjorn ngayon.
Napaka laki ng pinagkaiba niya simula noon at hanggang ngayon..
May mas ilalala pa pala yung sakit na naranasan ko noon, hindi ko din alam kung bakit kailangan na paulit ulit sakin iparamdam yung ganitong klase ng sakit.
Matatag na ako, matibay na ako. Bakit kailangan pa din?
Inapakan ko ang upos ng yosi ko at saka tumingala sa langit, hinding hindi ko makakalimutan na sa bawat bituin na makikita ko, si Bjorn ang nagpapaalala sakin na ano man ang mangyare, anjan at anjan lang siya sa tabi ko.
Kaya malaki ang paniniwala ko na kakayanin niya yung pagsubok na pinagdadaanan niya ngayon. Matapang siyang tao, kinaya niya na noon at mas kakayanin pa niya ngayon.
Kayanin mo Bjorn, mahal ko..
Nagsimula na akong kumilos at gumayak, isang panibagong matamlay na araw na naman. Hindi ko maiwasan na matakot sa bawat araw na gigising ako, hindi ko alam kung paanong gagawin ko kung magbago ang ikot ng mundo at merong mawalang tao na mahal na mahal ko.
Ayoko na ulit mawalan, nawala na yung lalakeng mahal na mahal ko, binawi na sakin si Papa, ayoko na pati si Bjorn kunin pa niya.
Hindi ko ata kakayanin yun.. kahit pa malakas ang tingin sakin ng ibang tao.
Agad ko ng pinarada ang motor ko, ang motor ko na pinangalanan pa ni Bjorn.
Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko sa loob ang pamilya ni Bjorn, agad naman akong nag bless sa Mommy at Daddy niya, binati rin ako ng mga pinsan niya at tanging tango at tipid na ngiti lang ang naisagot ko.
Napatingin ako kay Bjorn at nanghina ang tuhod ko nang makita ko pa ang kalagayan niya, tuluyan na siyang nakalbo at pati sa leeg ay meron na din siyang pasa, bitak bitak na rin ang labi niya sa sobrang tuyo nito.
"Devie pwede ba tayo mag usap?" Mahinang bulong sakin ng Mommy ni Bjorn, hindi ko siya agad napansin at nanatili pa din ang mga paningin ko kay Bjorn, tipid naman siyang ngumiti at nagtaas baba lang siya ng kilay sakin, namiss ko yung gawain niyang yon.
"A-ano hong pag-uusapan natin?" Tanong ko, habang pababa kami ng hagdan. Ngayon ko lang natitigan ang Mama ni Bjorn ng ganito, talagang hindi mo itatanggi ang taglay na kagandahan nito.
"Hindi ko alam kung hanggang saan na lang aabot si Bjorn.." napatigil ako sa paglalakad dahilan para harapin ko siya, nagsisimula na din magtubig ang mga mata niya.
"Anong-"
"Nabanggit sakin ng isang doktor na hindi na daw talaga kaya ng katawan ni Bjorn na paulit ulit magpa chemo, nilalason na din siya ng sangkaterbang gamot na iniinom niya kada minuto, tanging mga machine na lang ang bumubuhay sa kanya, pero kahit ganon ay hindi ko pa din alam kung bakit nakukuha pa niyang maging malakas kahit pa hinang hina na ang katawan niya.." napaupo na lang ang Mommy ni Bjorn sa hakbang ng hagdanan samantalang napasandal na lang ako sa pader.
"Kahit pa pumunta kami sa amerika para magpa bone marrow transplant, napaka alanganin dahil sobrang hina na ng katawan ni Bjorn."
"Huwag mo sabihing pinanghihinaan ka ng loob?" Walang emosyong tanong ko sa kanya. "Magtiwala ka sa anak mo, magtiwala tayo kay Bjorn." Napahilamos na lang ako sa mukha at saka umayos ng tayo.
"Makinig ka, lalaban si Bjorn! Makakayanan niya lahat ng yon, maniwala tayo sa kanya, kayong pamilya na lang ni Bjorn ang kinakapitan niya kaya wag na wag kayo panghihinaan ng loob, malalagpasan din niya yun, naiintindihan niyo ho ba?!" Hindi ko na maiwasan gumaralgal ang boses ko at unti unti ko na lang nararamdaman ang luha sa pisngi ko.
"Buti na lang talaga ay ginagawa pa din ng Mama mo ang lahat, dahil tinuring na din nyang anak ni Bjorn, nagpapasalamat ako sa inyong dalawa.."
Iyon na ang huli niyang sinabi at umalis na din sila dahil kailangan pang asikasuhin ang bill sa ospital na inabot na ng milyon ang halaga, hindi na rin ako nagtaka dahil halos dito na namamalagi si Bjorn.
Pumasok na ako sa loob at tanging kaming dalawa na lang ni Bjorn ang naiwan.
Naupo lang ako sa upuan sa tabi niya at saka siya tiningnan. "Alam kong gwapo ako, hindi mo na ako kailangan titigan at baka malusaw ako dito ngayon." Pilyong sagot niya na ikinatawa ko.
"Ay- hindi na pala ako gwapo, panigurado ay nandidiri ka na sakin dahil sa itchura ko, tuluyan na din akong nakalbo." Malungkot na sabi niya, hinarap ko naman siya.
"Mahal kita, mula noon hanggang ngayon, wala akong pakialam sa kung ano man ang itchura mo, mas magiging proud pa ako dahil meron akong ikaw na pinipilit lumaban sa kabila ng problemang pinagdadaanan." Sabi ko sa kanya, gustong gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede.
"S-salamat Devie.."
Hindi ko maiwasan malungkot sa sitwasyon ni Bjorn ngayon, hindi ko pa din maintindihan kung bakit sa kanya pa napunta ang sakit na yan eh wala naman siyang ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin lang ang tao sa paligid niya.
"Huwag ka ng malungkot, sige ka, malulungkot din ang mga bituin nyan." Sabi niya, tipid na lang akong ngumiti. Napatingin ako sa bintana at ang konti na lang ng mga bituin, mukang masama rin ang panahon.
"Magpagaling ka na jan, at babawi ako sa ng suyo at lambing sayo." Sabi ko sa kanya na ikinagulat niya. "Devie ikaw ba talaga yan?" Pabirong tanong niya.
Sa totoo lang nagsisisi ako nung mga panahon na mas pinili ko mag isa kesa sa nakaaligid sakin si Bjorn, nagsisisi ako kung bakit hindi ko pa sinulit yung mga panahon na pwede ko pa siyang yakapin ng hindi nasasaktan ang katawan niya.
"Oo, kaya bilisan mo na magpagaling, at kapag nangyari yon, hindi ako aalis sa tabi mo." Kahit ako ay hindi ko din alam kung san ko nakukuha ang mga salitang 'to, hindi naman ako ganito noon pero wala na akong pakialam.
Lumipas ang ilang oras at nakatulog na si Bjorn, nasa tabi niya lang ako at nakatingin sa kanya.
"Mahal na mahal kita, Bjorn. Wag ka sana gumaya kay Papa na iniwan ako agad, gusto pa kitang makasama habang buhay." Pagkausap ko sa kanya kahit alam kong tulog na siya.
"Tandaan mo, pag gising mo bukas, Mahal pa rin kita.."
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......