KABANATA 9

21 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo pagkatapos nang wedding anniversary at bumalik na naman sa normal ang araw ko.

Ganun pa rin naman si Bjorn, lagi pa din nakasabit sakin at magugulat na lang ako na nasa tabi ko na siya kung san man ako mapunta.

Yung tungkol naman kay Jared at sa mga kasamahan niya ay hindi na rin naungkat, wala nang nagsalita patungkol pa don. Pero palagi na lang nila akong ginugulo katulad na lang ngayon.

"There you are." Napalingon naman ako sa gilid ko, nakaupo ako ngayon sa grand stand sa pinaka dulo para wala nang pumansin pa sakin pero nakita pa din ako ng isang 'to.

"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" Tanong pa ni Kriza, kasama niya yung boyfriend niyang si Jared at kasama pa ang mga barkada ni Jared.

"Bakit naman kita babatiin eh hindi naman tayo close." Sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Mayabang ka nga talaga, Devie." Sabi pa ni Jared. Hindi ko alam kung ano na naman ang pakay nila sa akin at nananahimik ako dito mag-isa bigla silang susulpot.

Sana lang hindi kami maabutan ni Bjorn dito, dahil baka mas lumala pa.

"Huli ka na sa balita, mamamatay tao na ako ngayon." Sinubukan kong seryosohin ang tono ng boses ko kahit nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko, hinding hindi ko magagawa ang bagay na 'yon.

"You're a heartless person.. at ito ang tatandaan mo, hindi pa tayo tapos! Hinding hindi ako titigil hangga't hindi kita nakikitang nagmamakaawa sa hirap, pinasok mo ang gulong 'to, kaya panindigan mo...."

Wala naman akong pakialam sa sinasabi niya, alam kong tinatakot lang niya ako sa bawat salitang binibitawan niya pero mas nagkaka interes pa ako sa kung ano bang ibubuga niya.

"You'll pay for this in hell bitch!" Sabat pa ni Kriza. Isa pa 'tong tukmol na 'to eh, wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Well, see you there satan." Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Jared, hindi ko naman alam at wala naman akong pakialam.

Ilang sandali pa ay sila na ang umalis nung napagtanto nila na hindi ako ang iiwas sa kanila, ako nauna sa lugar na 'to kaya hindi ako ang aalis.

Ilang sandali pa ay biglang sumulpot si Bjorn sa tabi ko, buti na lang talaga at nakaalis na sila.

Hindi ko siya papatulan hangga't hindi siya nagsisimula, pero kung saktan niya ang isang 'to hindi ako magdadalawang isip ilagay sa alanganin ang buhay ko.

"Dev!" Umupo ulit ako at tumabi naman siya sakin, tinanaw ko pa sila Jared at ang grupo niya at nang mawala na sila sa paningin ko ay tsaka ko lang tiningnan si Bjorn.

"Sino ba yung tinitingnan mo?" Tanong niya at tumingin pa sa direksyon kung san ako nakatingin kanina. "Wala, pinapakiramdaman ko lang kung uulan." Tumango naman siya at naglabas ng mga chichirya sa bag niya.

Inalok pa niya ako pero tumanggi lang ako. Hindi naman ako mahilig sa ganyan, ewan ko ba at puro mga unhealthy foods ang mga kinakain ni Bjorn, hindi naman masama kumain kung minsan lang naman.

"Kakakain mo ng ganyan namumutla ka na." Sabi ko pa at inagaw sa kanya yung mga chichirya na hawak niya. Sumimangot naman siya. "Minsan lang 'naman eh!" Reklamo pa niya at inabutan ko na lang siya ng sandwich at vegetable salad.

"Ganun ba kadalas sayo ang minsan? Kung gayon ay kakaiba ka." Sabi ko pa at napilitan naman siyang kainin yung binigay ko.

"Ilang taon na halos araw araw ay puro gulay at prutas ang kinakain ko, bawal ang kahit ano kaya nga sinusulit ko na nga lang ngayon habang hindi pa ako nakakabalik sa-" hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil biglang umulan nang sobrang lakas.

Andito naman kami sa grand stand kaya hindi kami nababasa. Pinagmamasda ko lang ang bawat patak ng ulan, sininghot ko ang alimuong at napangiti naman ako sa amoy na 'yon, gustong gusto ko ang amoy na 'to.

Nagulat ako nang biglang may tumakip sa ilong ko, "kakabagan ka pa sa ginagawa mo 'eh." Inalis ko yung kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Ang bango kaya." Sagot ko pa at hindi na lang niya ako pinansin.

"Kung hindi lang sayo 'yan hindi ko talaga yan kakainin." Sabi pa niya at nilapag yung tupperware, nabawasan pa niya kahit papano. "Ikaw naman ang kumain." Umiling na lang ako, wala rin naman akong gana at saka ilang oras na lang din naman labasan na.

Gusto ko na ngang puntahan sana kanina yung pinagdadaanan ko kapag nagca cutting class ako, kaya lang bigla namang sumulpot sila Kriza at napag abutan pa ko ni Bjorn, mas lalong hindi ko natuloy ang pina-plano ko.

"Ano!! Kainin mo 'yan! Ako nga kahit napilitan kinain ko 'eh!" Reklamo pa niya at pilit tinatabi sakin yung tupperware. "Ayoko nga sabi, at pag sinabi kong ayoko, ayoko!" Depensa ko pa.

"Ewan ko sayo, napaka tigas talaga ng ulo mo." Sabi pa niya sakin, hindi na bago sakin sabihang ganon dahil sanay naman na ako. Ilang sandali pa ay tumigil na ang ulan kaya nagsimula na namang dumami ang mga tao.

"Bjorn, si Franco 'yun diba?" Turo ko pa habang nakatanaw kay Franco sa di kalayuan. Tumango naman siya at inalis na rin ang atensyon don.

Napag alaman kong college na pala siya at naka hiwalay ang building nila samin kaya hindi ko rin siya ganun nakikita na kasama ni Bjorn.

Pagkalabas ko ng room, wala nang masyadong estudyante, kinausap pa kasi ako sa faculty room kanina.

Pagkababa ko sa hagdan ay nagulat ako nang may biglang humawak sa braso ko. Napatingin ako dun sa babae na hindi ko naman kilala.

Sino ba 'to?

"Ako si Jill, kaibigan ako ni Bjorn." Pakilala pa niya. Kumunot naman ang noo ko, ano namang pakialam ko kung magkaibigan sila?

"Hindi ako interesado sayo, at wala akong pakialam kung magkaibigan kayo." Sabi ko pa, kung ibang tao siguro ang kakausapin neto siguradong matatakot sa kanya.

"Layuan mo si Bjorn!" Sabi pa niya na mas kinagulat ko. Bakit ba ang creepy niya? "Bakit ko naman lalayuan si Bjorn 'eh hindi nga ako lumalapit sa kanya? Siya ang nauunang lumalapit sakin." Sabi ko pa pero nakatingin lang siya sakin at nilabanan ko naman ang mga tingin niyang 'yon.

"Binabalaan kita, Devie. Marami ka pang hindi alam sa kanya. Huwag mo hahayaang mapalapit ang loob mo sa kanya! Hindi mo pa siya kilala... sasaktan ka lang niya..." at saka niya ako nilayasan at iniwang mag isa dito.

Weird...

Tapos na akong makaligo at nasa terrace ako ngayon habang pinagmamasdan ang ulan. 2 am na pero nakaka tatlong kape na ako. Hindi ako lalo makatulog.

Punong puno na naman ng katanungan ang isip ko...

Sino ba talaga ang babaeng 'yon?

Sinarado ko na ang sliding door sa terrace. Humiga na lang ako pero nakatitig lang ako sa patak ng ulan na tumutulo sa binata na nasa tabi ko.

Nakakaramdam na naman ako ng lungkot.

The worst kind of sad is not being able to explain why...

Isa pa sa iniisip ko ay yung usapan namin kanina ni Sir. Chang, pinipilit niya akong mag audition sa isang araw, kahit anong instrumento ay pwede at hindi ko alam kung bakit ako pa ang pinipilit niya, mas naniniwala daw kasi siya sa kakayahan ko.

Next month kasi ay may gaganapin na 'Pasiklaban sa tugtugan' na kung saan kapag naka buo ng isang grupo ang representative ng school na 'to ay ilalaban sa iba pang iba't ibang paaralan at kung sino daw ang mananalo sa 20 na maglalaban laban na 'yon ay makakatanggap ng 100 thousand at trip to Palawan.

Kaya nagra-rush sila ngayon dahil isang buwan na lang ang magiging practice.

Bahala na....

Set You FreeWhere stories live. Discover now