KABANATA 16

9 1 0
                                    

"Haaaa!! Sayang naman!"

"Bakiiiiitt!"

"Tsk! Boring ito panigurado!"

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag uusap usap.

Nasa library kami nila Yohan kasama ang iba pang member pati na din si Mr. G at Sir. Chang.

"Basta ang dadalhin niyo lang ay damit! Ha! Oh diba solid! May pocket money na din tayo!" Sabi ni Sir. Chang.

Mamayang madaling araw na ang alis namin sabi pa ni Sir ay van daw ang sasakyan namin papunta sa airport.

Hindi ko alam pero parang hindi ako nae-excite...

"Osya magsi uwi na kayo para makapag pahinga kayong maaga." Saad ni Mr. G.

Habang pababa ay dinig ko ang usapan nila Kd. "Ayos ka lang ba Dev? Wag ka mag-alala baka makahabol pa yon." Nginitian ko lang siya at nagpaalam na sila.

Sinabi kasi ni Bjorn na hindi daw talaga niya kaya na sumama pa sa Palawan lalo't hindi biro ang byahe papunta don.

Nagpunta muna ako sa malapit na tindahan at bumili ng isang stick na yosi. Nakasandal ako sa pader nang medjo makalayo na ako don.

"Pst ano yan?" Tanong ko sa lalaki na may hawak na sobre. Agad niyang tinago 'yon at naiilang pang umiwas sakin.

"Vote buying huh?" Tatango tango ko pang sabi at bahagya naman siyang nagulat.

"Wala kang karapatan mangialam bata ka pa lang at wala kang alam dito! Manahimik ka na lang." Sabi pa niya. Nagtaka naman ako, muka pa bang bata ang itchura ko sa tangkad kong to.

Langya ah?!

"Anong tinitingin tingin mo jan? Daddy ko ang tumatakbong mayor kaya umayos ka!" Nakatitig lang naman ako sa kanya wala naman akong ibang ginawa nag react na agad? Ganun ba ako kasama tumingin para maasar siya sa ganon lang?

"Kung alam mong karapat dapat ang ama mo sa posisyon bilang mayor hindi mo na kailangang gawin 'yan. Yung mga tarpauline na yan nakakarating sa bundok pero kaunting tulong hindi niyo kayang maibigay sa mga taong andon." Humithit pa ako ng yosi bago paikutin sa pader at itapon sa basurahan.

"A-ano bang sinasabi mo?" Tanong niyang hindi makatingin ng deretcho sakin. "Kailangan manalo ng Daddy ko dahil alam kong magkaka posisyon din ako." Proud pa niyang sabi.

Toxic!

"Eh yan lang naman ang gusto niyo 'eh matawag lang na makapangyarihan kahit hindi naman karapat dapat. Ang daming mas nangangailangan ng tulong pero mas nakatuon ang atensyon niyo sa kung saan mahahagip ng camera para matungyahan ng sangkatauhan ang kaplastikan na ginawa ninyo." Napailing ako.

Nakita ko ang pag lunok niya. Hindi nakaligtas pati ang pag lunok niya. Nagpapatingin tingin pa siya sa daan at parang may hinihintay.

"Tumigil ka na bata! Masyado kang maraming sinasabi! H-hindi nangungurakot ang Daddy ko!" Nanatili pa din akong nakasandal habang naka cross arm at sinisipa sipa ang bato sa sahig.

Wala naman akong sinabing ganun.. Nahuhuli ka sa sarili mong bibig.

"Sumobra nga kayo sa pera, nagkulang naman kayo sa utak. Sinasamantala niyo ang taong nangangailangan para bulagin niyo sa salapi niyo at pwersahin na iboto kayo... lahat kayang bilhin ng pera, pwera lang yung pagiging mabuti at tapat na paglilingkod sa bayan... dahil lahat tayo may utak at may puso.. pero may mga taong katulad mo na hindi ginagamit ito.." Pakiramdam ko ang dami kong sinabi, hindi naman kami close. Masyado lang talaga akong naiinis.

Hindi naman siya nakapagsalita. Pinuntahan ko na si Ruru at nag kabit ng helmet.

"Ingatan mo 'yang Daddy mo, baka isang araw makita mo na lang yan naka handusay jan sa tabi.." naiwan siyang tulala don. Hindi ko naman balak na ma offend siya unless natatamaan siya sa bawat katagang sinasabi ko.

Hindi ko kayang hindi magawang magsalita.

Dahil sobrang laking concerned sakin ang ganong usapan.

Pagkauwi nag gayak na agad ako ng pang apat na araw na damit sinobrahan ko na din para sure.

Ayos lang naman saking kasama ang grupo, hindi naman ako ilang o kahit ano pa sa kanila.

Parang may kulang lang talaga. At hindi ko na alam kung ano na bang nangyayare sa kanya.

Bahala na!

Pabalik balik siguro ang lagnat dahil nung huli niya akong ihatid dito ay parang ayos na siya.

Napatingin naman ako sa picture frame na nakapatong sa lamesa sa kwarto ko.

Napangiti ako. Hindi ko akalain na hindi pala talaga si Papa ang laman ng puso ni Mama noon pa lang.

Pero pilit kong pinapaintindi sa sarili ko na 'Devie siguro naman kahit isang araw lang minahal niya ang Papa mo' kaya na lang din siguro napipilitan si Mama na tumira noon sa bahay ay para sakin na lang.

Bakit ba kailangan pang manatili kung hindi ka naman na masaya?

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Nakatulala lang ako sa bintana.

"Papa baka pwede mo naman akong isama jan? Pa sayo na lang ako. Jan na lang ako sa tabi mo. Ayoko na dito. Ayoko na sa mundong 'to." Pagkausap ko sa sarili ko.

Nagmumuka na akong tanga dahil nagsasalita ako mag isa habang umiiyak.

Napatingin ako sa teddy bear na nasa higaan ko. Biglang pumasok sa isip ko si Bjorn.

Pero agad ko ding binawi yon at pinunasan ang luha ko.

Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko.

Set You FreeWhere stories live. Discover now