KABANATA 28

16 1 0
                                    


Gabi na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok, naka bukas lang ang binata ng kwarto ko habang kitang kita ko naman langit na sobrang daming stars.

Naalala ko yung kwento ni Ma na noong pinagbubuntis niya ako, kapag nakakakita siya ng star sa labas ay sumisipa ako sa loob ng sinapupunan niya, at kagaya ni Ma. Talaga namang nakakakalma ang mga bituin sa kalangitan na siyang nagbibigay ng ligaya sa isang katulad ko.

Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Bjorn dahil nangako kami sa mga bata na tuturuan namin silang magsulat at magbasa.

Sa isang malaking puno dito sa likod bahay namin tuturuan ang mga bata. Sa sobrang laki ng puno ay hindi kami naarawan at ang presko pa ng hangin.

Kanya kanya na silang labas ng notebook at lapis na kasama sa pinamigay noong unang punta namin dito.

Naturo na namin sa kanila ang alpabeto at kahit papano ay nakakayanan na din nila magsulat, hindi pa nga lang ganon kabilis at mabagal pa, pero ang saya tingnan lalo na na natututo ang mga bata.

"Meron pa ba ditong hindi may hindi nakakakuha? Huwag kayo mahiya na magpaturo kay Ate at Kuya ninyo ha?" Sabi ni Bjorn na halos umabot na sa tenga ang ngiti.

"Nakakatuwa ang mga batang 'to. Kapag nakalipas ang ilang taon babalik ako dito para batiin sila dahil nakamit na nila ang pangarap nila." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga bata na abala sa pagsusulat.

Naglatag lang kami ng tela para hindi madumihan ang pang upo namin, nakasalampak kami ngayon, buti na lang at kahit papano ay wala namang hindi kanais nais sa damuhan dito.

"Kuya may tanong po ako!" Nag taas naman ng kamay ang batang si Hermios. "Eh kailan 'ho ba kasi kayo magiging magkasintahan?" Tanong pa niya at napakamot sa ulo.

"Hindi pa sa ngayon, Hermios. Dahil importante ang desisyon ng Ate ninyo, kahit gano ko siya kamahal, siya ang magdedesisyon kung kailan pwede maging kami, ang dapat ko lang gawin ay maghintay at patunayan sa kanya segu-segundo ang pagmamahal ko." Sabi pa ni Bjorn sa bata. Hindi ko maiwasang mapangiti ng patago.

"Ateeeee sagutin mo na kasiiii!!" Sabi pa ni Hemera. Hay, ang mga batang 'to.

"Tandaan niyo na ang pag-ibig ay hindi minamadali, hindi pinipilit, at hindi pinipili." Nakangiting sabi ko sa mga bata at naka focus lang sila sakin na para bang interesado sila sa bawat sasabihin ko. "Okaaayyy poooo!" Sagot na lang nila.

Lumipas na ang hapon at sinabi nina Nay Ising na may maliit na salo salo daw mamaya kaya naman abala na kami ngayon sa pagluluto.

"Dev alam mo ba kung anong pinagkaiba mo sa tubig?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Andito kami ngayon sa likod, naghu hugas ako ng plato samantalang siya naman ay ang nagtitimba para mabanlawan ko ang mga pinggan.

"Ano?" Sagot ko na hindi siya nililingon, nagpatuloy lang ako sa pagsasabon ng mga malalaking kawali at kaserola.

"Ang tubig iniigib, ikaw iniibig." Napatawa ako sa sinabi niyang yon, hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil ang corny.

"Tsk, hindi ka man lang ba kikiligin?" Asar na tanong niya at napakamot pa sa ulo. "Hindi ako sanay sa ganong bagay." Hindi ko na lang pa pinansin ang iba niyang pinagsasabi, banat na siya ng banat baka mamaya siya na ang banatan ko, sa mukha.

"May pupuntahan tayo mamayang gabi Devie, medjo malayo at nakakapagod pero worth it kapag narating na natin."

"Saan yang sinasabi mo?" Tanong ko. Hindi na lang niya ako sinagot at nagtaas baba na lang ng kilay. Malapit na akong matapos kaya binilisan ko na para may magamit na sa iba pang putahe.

Natapos din kaming magsalo salo at ngayon ay nasa labas na kami para makapag baba ng kinain.

May apoy sa gitna na nagpapainit sa malamig na gabi habang naka paikot naman kaming pabilog dun at ang mga matatanda ay nag sasayawan na gamit ang sarili nilang tugtog.

Set You FreeWhere stories live. Discover now