KABANATA 17

9 1 0
                                    


Napabangon nang marinig ko agad ang alarm clock, kailangan ko na gumayak at nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sila.

Napatingin ako sa relo ko at 30 mins na lang ay aalis na.

Maya maya pa ay nakatanggap ako ng text kay Sir. Chang na malapit na sila dito.

Binilisan ko na lang ang pag ligo kahit napaka lamig, umaambon kasi sa labas tapos aircon pa ang kwarto.

Nag suot na lang ako ng komportable kong laging suot.

Bumaba na ako at sana hindi magising si Ma-

"Aalis ka ng hindi man lang nagpapaalam Devie!" Naka pang tulog pa siya. "Ah Ma 'eh-"

"Dalhin mo 'to para hindi ka ma short don, tawagan mo ako kung may problema ka, mag iingat ka anak." Nakahinga naman ako ng maluwang at napatingin sa atm card na inabot niya.

"S-salamat Ma." Tumango lang siya at hinalikan pa ako sa pisngi.

Bahagya pa akong na konsensya dahil kailangan talaga ng parent approval na ibibigay kila Mr. G pero sinabi ko na pinayagan naman na ako. Pineke ko rin ang pirma ni Mama.

"Huwag matigas ang ulo mo Devie parang awa mo na hindi ka na bata." Ngumiti lang ako at nung dumating na ang van ay yumakap na ako kay Ma at nag usap pa si Mr. G tsaka si Ma.

Habang papasok ako sa sasakyan ay umaasa ako na sana makita ko si Bjorn na nakaupo pero pinaasa ko lang ang sarili ko.

Walang Bjorn na andito ngayon..

"Hi Devieee!" Bati pa nila Justine, Kd, Puroy, Yohan at Oliver.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Sayang 'no wala si Bjorn haaaayysss!" Sabi pa ni Justine. "Kaya nga 'eh mas masaya siguro kung andito si Bjorn." Dagdag pa ni Oliver.

Edi si Bjorn na lang sana ang pinapapunta nila mag isa sa Palawan at sila ang naiwan... pfft!

"May mas nalulungkot naman na isa jan hindi lang tayo." Napatingin ako kay Yohan at talaga nakatingin pa siya saking mapang asar.

"Ayiiiieeee!" Sambit nilang lahat, mga nang-aasar.

"Magsitigil kayong lahat!" Sabi ko pa at nagtawanan lang sila. "Tigilan niyo nga  si Devie natin. Hayaan niyo mag emote dahil hindi kasama si Bjorn." Nag tawanan silang lahat sa van habang ako naka busangot. Bwisit na Sir. Chang 'to!

Ilang oras din ang inabot ng byahe at huminto pa muna kami sa madaanan na kainan para mag umagahan.

"Excited na talaga ako sa Palawan! Halos masyado kasi tayong na stress dahil pinagsasabay natin ang pag aaral tsaka practice!" Sabi ni Puroy habang nilalaro ang straw sa inumin niya.

Isang mahabang table 'to at katabi ko si Yohan at Oliver nasa magkabilang dulo naman sk Mr. G at Sir. Chang.

"Kaya nga tapos napaka kapal pa ng binigay sating exam." Reklamo naman ni Kd at sabay sabay pa silang napatingin kay Sir. Chang na nakatawa na ngayon.

"Hayaan niyo na guys atleast ngayon worth it lahat ng puyat at pagod natin dahil bukod sa nag champion tayo magba bakasyon pa tayo ngayon!" Dagdag pa ni Justine at napatango tango naman kami.

"Kaya lang sayang talaga si Bjorn 'eh! Hindi man lang siya nakasama!" Sabi ni Oliver.

"Kung wala lang sakit 'yon baka kayo naman ang ma boring at siya lang mag isa ang mag enjoy sa sobrang kakulitan niya." Sambit ko at nagtawanan naman sila.

"Mr. G, Sir. Chang! Bakit ba kasi hindi na lang natin pinuntahan kahapon si Bjorn para nasabihan man lang natin sya."

"Oo nga naman Sir! Para nainggit ko man lang siya para sumama pa din kahit may sakit!" Binatukan pa siya ni Oliver matapos sabihin ni Kd.

Set You FreeWhere stories live. Discover now