Nakatanggap ako ng text galing kay Ma at dumiretcho daw ako sa Hospital at sabay na daw kami umuwi.
Binigyan na ako ng sasakyan noon ni Tito Alfred pero tinanggihan ko dahil ayoko naman na maisumbat pa niya yon sakin.
Pagkapasok ko sa Hospital dumiretcho agad ako sa office at sabi ni Tita Hanna ay may pasyente daw na kinakausap kaya naghintay na lang ako don.
Napatingin ako sa table niya at andon ang solo picture ko tapos may picture frame din na silang dalawa lang ni Tito.
Simula nung namatay si Papa nawalan na ako ng gana mabuhay. Siya lang yung kakampi ko sa mundong 'to. Nung 15 years old ako dun ko nalaman na may iba pa lang lalaki si Mama at si Tito Alfred yon.
Sinabi ko yon kay Papa nung nahuli ko na hinatid ni Tito si Ma sa bahay. Hindi lang kumibo si Pa at sa murang edad ramdam ko na una pa lang alam na ni Papa yon.
"Pa alam mo na pa lang may iba si Ma bakit wala kang ginagawa?"
"Bata ka pa anak at marami ka pang hindi naiintindihan sa mundong 'to." Sagot niya habang nililinis ang piano.
Hindi man lang niya naipaliwanag sakin ang lahat bago siya nawala. Hindi ko din alam sino ba ang nasa likod ng pagpatay sa kanya.
Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod ng lahat.
Mabilis kong pinahid ang luha ko. Pagdating talaga kay Papa nanghihina ako. Hanggang ngayon masakit pa din. Mag isa na lang ako, wala na akong kakampi ngayon kundi sarili ko.
Kinabukasan, maaga akong pumasok dahil ngayon ia-announce kung nakapasa ba sa 1st semester.
Hindi ako pwedeng magpabaya ngayon dahil graduating na ako. Sinayang ko na ang opportunity noon hindi ko na hahayaan na masayang ulit ngayon.
Nabanggit na ni Ma'am ang mga nakapasa at nagtatalon na sa tuwa yung mga nabanggit.
Hindi ako nakapasa.. I failed it again, oh fuck!
"Listen! I'm going to announce now those students who are on rank 5." Sabi pa ni Ma'am at hindi na ako umasa dahil hindi ko naman sineryoso ang pag aaral ko this semester.
Hindi na lang ako nakinig at dumukdok na lang. Kailangan ko ng humanda mamaya pag uwi sa bahay dahil hindi ko pa man nasasabi paniguradong alam na nila agad lalo na si Tito Alfred. Hindi ko nga kilala kung sino ba yung koneksyon nila dito sa school na 'to at naka report lahat ng ginagawa ko.
"Rank 2, Bjorn Saavedra." Nagpalakpakan ang mga kaibigan niya at tumingin siya sakin at nag taas baba pa ng kilay tsaka ngumisi. Bat ba ang hilig niya gawin yung bagay na yon.
"And our Rank 1, no other than Ms. Devie Montenegro." Napatingin ako kay Ma'am at tumango lang siya.
"Bakit naging Rank 1 yan eh hindi naman yan lagi pumapasok ah?"
"Oo nga lagi pa late at saka nagcu-cutting!"
"Duh! She doesn't deserve to be in Rank 1!"
Napatingin ako sa kanila habang nag uusap. Sinabit ko sa isang balikat ko yung back pack ko at lumapit sa kanila at saka ko nilapag sa harap nila yung mga test paper at score sa lahat ng performances.
"What is that? Ano gagawin namin jan?" Maarteng sabi ni Kriza. Ang sabi nila model daw ang isang 'to at madaming nanliligaw na lalaki dito sa school.
"Binibigyan lang kita ng patunay para hindi ka naman bitter dyan."
Inirapan lang niya ako at saka na sila umalis. Nagulat ako nang may biglang pumalakpak sa likod ko. Kanina pa pala siya andito hindi ko man lang napansin ang presensiya niya.
"Nice! 1 point!" Sabi niya at naka pamulsa pa. "Bakit ba andito ka?!" Inis kong tanong at nag kibit balikat pa siya. "Bakit nga ba andito ako eh dito ako naka room." Kinuha na niya yung bag niya at bago may sinabi pa siya bago lumabas ng room.
"See you Dev- what's your name again?" Napairap na lang ako at tiningnan siyang masama. "Devie." Maigsing sagot ko at inaasahan kong aalis na siya pero may sinabi na naman. Bakit ba hindi nauubusan ng sasabihin tong isang 'to.
"Ah akala ko kasi Devil." Tumawa pa siya bago lumabas at hanggang sa corridor rinig na rinig ko yung echo ng tawa niya.
Kapag siya inasar ko baka mawalan siya ng gana mabuhay!
Bumaba na ako at dumiretcho sa canteen. Dala dala ko ang tray at pumwesto sa pinaka dulo dahil ayoko ng madaming tao kapag kumakain ako.
Napatigil ako sa pagsubo nang may biglang umupo sa harap ko at hindi kayo nagkakamali.
"What?" Masungit kong sabi pero nakangiti lang siyang nakakaloko at nag taas baba pa ng kilay.
"You always do that thing." Sambit ko.
"Gusto mo?" Alok niya sakin ng chips. Umiling naman ako at hindi na lang siya pinansin.
"Tsk! May mga bagay na dapat sinusulit mo na kasi hindi mo naman alam kung kailan ka mawawala eh." Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan ko na lang ang pagkain ko, ayokong may kasamang madaldal.
"Naniniwala ka ba sa reincarnation?" Tanong niya habang deretchong nakatingin sakin. Naalala ko nun tinanong din sakin ni Papa yan bago siya mawala.
"Naniniwala ka bang kapag namatay ang isang tao, may pinanganak na katulad na katulad niya mula ulo hanggang paa."
"7 tayong magkakamuka sa mundo at posibleng makasalamuha mo yung isa sa mga yon." Sagot ko at tumango tango naman siya.
"Congrats nga pala." Makikipag kamay pa sana siya pero iniwanan ko na lang siyang mag isa at dumiretcho na sa room.
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......