Dumaan ang ilang araw at patuloy kong iniiwasan si Bjorn, hindi ko hahayaan na may mapalapit saking 'tao, miserable ang buhay ko at magulo magulo akong tao kaya hangga't maaari ay ayoko nang may maging obligasyon pa ako sa kanila.
Hinding hindi ako mahuhulog sa kahit na kanino. Kung mangyari man yon, gagawin ko agad ang lahat para hindi na magtagal.
Pagka park ko ng motor ko, may narinig akong sigawan sa may gilid, sa gawing bakanteng lote, may makipot na daan para makapasok don.
Hindi ko na lang sana papansinin nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Hindi ko siya inagaw sayo! Wala akong pakialam sainyo!" Kung ibang tao lang yon ay wala akong pakialam kung magpatayan sila don pero narinig ko ang boses ni Bjorn.
Dahan dahan akong sumilip at nanlaki ang mata ko nang may limang lalaki na nasa harap niya.
Mas nagulat ako nang makita ko si Bjorn na nakahiga sa sahig at dumudugo ang ilong, may mya sugat at pasa na din ang mukha niya.
Kalmado lang akong naglakad papunta sa gawi nila dahilan para maagaw ko agad ang atensyon ng lahat.
"Bakit?" Tanong ko habang nakatitig ng deretcho sa mga mata niya.
"Anong bakit?" Naguguluhan niyang tanong. Hindi niya magawang tumingin sakin. Nakapatong ang isang tuhod ko sa sahig habang siya naman ay nakasalampak na, ramdam ko yung bawat kirot sa mga sugat niya kaya hindi na niya pinansin yung dumi ng sahig.
"Bakit hinayaan mong ganituhin ka nila?" Pilit kong kinalma ang sarili ko. "Bakit hindi ka lumaban?!" Hindi ko rin inaasahan ang pagtaas ng boses ko sa pagkakataong 'to.
"Owww! Yan na pala yung bago mo Bjorn? Pagkatapos ng girlfriend ko may ipapalit ka na naman?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at agad akong napatayo at hinarap ang mga lalaking 'yon.
"Anong ginawa ni Bjorn sa inyo?" Normal lang ang pakikipag usap ko, ayokong ipakita ang pagka inis ko sa kanila.
"Yang lalaking 'yan ay inagawa ang girlfriend ko!" Turo niya pa kay Bjorn at napahawak naman ako sa tenga ko dahil sa lakas ng boses niya.
"How many times do I have to fucking tell you na hindi ko inagaw si Kriza sayo! Siya yung lumalapit sakin!" Sigaw pabalik ni Bjorn at nakahawak siya ngayon sa dibdib niya, nasugatan din kaya ang dibdib niya?
Tsaka teka si Kriza ang tinutukoy ng isang 'to.
"Boss sumasagot pa 'oh, matatakpan na ng mga sugat ang gwapo mong mukha! Kawawang bata!" Sagot pa ng nasa likod dahilan para magsitawanan sila.
"Dagdagan na 'yan!" Sabi pa nung isa.
"Subukan mo at iyang mukha mo ang babasagin ko." Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero agad dali daling nag iba ang emosyon niya.
"Hoy ikaw! Huwag kang makisali dito kung ayaw mong madamay ka at maging miserable ang buhay mo dito!" Sabi nung lalaking boyfriend ni Kriza.
"Kalma boss Jared babae lang 'yan kayang kaya natin ya-" Agad kong sinipa ang mukha niya dahilan para dumugo ang ilong niya.
Sinugod pa ako nung isa pero kinuha ko agad yung kamay niya at pinalipit 'yon at saka siya binalibag.
"Devie, tama na!" Sigaw pa ni Bjorn pero hindi ko na lang pinansin 'yon. Kada nakikita ko yung mga sugat sa mukha niya mas gustong doblehin yun sa mga gumawa nun sakanya.
Hahampasin pa sana ako nung Jared ng isang kahoy na puro pako pero agad kong naagaw yon at hinampas sa likod niya.
"Boss tara na!" Sabi pa nung isa na hawak ang leeg niya. "Tama kayo, babae lang ako." Sinamaan pa ako ng tingin ni Jared pero tanging ngisi lang ang ginanti ko sa napaka talim niyang tingin.
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......