Lumipas ang isang linggo at nagbalik eskwela na naman ako, si Bjorn ay isang linggo na ding nasa Portel, ngayon naiintindihan ko na si Mama. Na kailangan pala talaga siya ng mga taong pinapahirapan ng sakit.Araw araw ko siyang pinupuntahan bago ako umuwi, pwede na din na hindi na pumasok si Bjorn at sa graduation na lang, dahil nagawa naman namin yung mission task namin, pero ako kailangan ko pang mag pass ng requirements sa ibang subject.
Agad kong sinuot ang helmet at sinundan si Dexter pauwi. Gabi na at sinisigurado kong hindi niya ako makikita.
Agad na huminto ang tricycle sa isang magulong lugar. Maingay at ang daming nakatambay sa labas.
Pumasok siya sa eskenita at sinundan ko naman siyang palihim. Nakasuot ako ng black na jacket at naka balanggot ng sa ganon ay hindi ako kahit papano makilala ni Dexter.
Ngayon alam ko na ang lungga mo..
Pumasok siya sa isang maliit na bahay. Nakasilip lang ako sa bintana dahil masikip talaga ang eskenita kung minsan ay mga dumadaan pa kaya kailangan kong magbigay daan.
Papasok na sana ako pero bigla kong nakita ang lalaking nakahiga. Agad nagmano si Dexter don, at naghanda ng pagkain.
Iyon ang tatay niya? na pumatay sa Papa ko?
Mahina na ito at mapayat, hindi pa ganong katanda pero dahil sa kalagayaan nito ay parang matamlay na.
"Tay, oh! Nakabili na akong gamot mo, tinulungan ako ng kaibigan ko para makabili na din ng pagkain mo." Sabi ni Dexter tapos ay sinubuan niya ang Tatay niya habang nilalabas ang gamot na binili nito.
Bakit nagkaganyan ang isang 'yan? Anong nangyari sa Tatay niya at sobrang hina na nito?
Inalis ko saglit ang tingin ko mula sa kanila at napatingin na lang sa kung saan.
Hindi lalambot ang puso ko at mas lalong hindi ko mapapatawad ang taong kumitil sa buhay ng Ama ko.
Umalis na lang ako sapat na yung nalaman ko kung saan ko sila dapat hanapin.
Sasakay na sana ako sa motor nang mapansin ko na kakaiba ito.
Napamura na lang ako dahil flat na yung dalawang gulong nito. Halatang sinadja at binutas ng mga tambay dito.
Gabi na din kaya naman lalakad pa ako ng ilang kanto bago ako makasakay ng tricycle.
"Sa susunod 'huwag ka mag-iiwan basta basta ng motor dito. Dahil lahat ng makita nilang hindi tiga dito pagdidiskitahan nila." Napalingon ako sa likod ko, nakita ko si Dexter habang may dala-dalang mga tools na sa iisang box.
"Akala ko napadaan ka lang sa bahay, pero ang tanga ko na lang kung iisipin kong sino ang pupuntahan mo sa ganitong klaseng lugar kundi kami lang." Dagdag pa niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa ang gulong ko.
Nang matapos niyang ayusin ay hindi ko alam kung sa paanong paraan ako makakapag pasalamat. Tumango na lang ako at sinigurado kong maayos ang gawa niya.
"Magkita tayo sa cafeteria bukas sa school. Hindi ito ang tamang oras para sa pag uusapan natin." Agad ko ng pinaharurot ang motor ko dahil baka sa ibang parte na naman ng motor ko galawin ng mga tao dito.
Parang may kung anong humaplos sa puso ko. Hindi ko ugaling maawa kahit kanino. Napapansin ko din sa sarili ko na ang laki na ng pinagbago ko simula ng magkakilala kami ni Bjorn.
Inaamin kong hindi ko gusto ang unang pagkikita namin dahil sa sinabi niyang may taong hindi naniniwala sa pag-ibig. At ako yung tinutukoy niya, noon ay hindi pa talaga. Ngayon ko lang nabuksan ang puso't isip ko sa mga bagay na dapat na malaman ko.
YOU ARE READING
Set You Free
RomanceA cold hearted girl and stubborn. She doesn't care about the world, she doesn't care about those people around her, until this importunate boy came......