KABANATA 31

10 1 0
                                    


Pumasok na ako sa loob ng cafeteria at agad ko namang nakita si Dexter sa gilid. "Hang over?" Gulat akong napatingin sa kanya. Tss chismoso.

Umorder lang ako ng kape saming dalawa. Nakakahiya naman kung andito lang kami para maupo. "Sorry hindi ko afford bumili sa mga ganitong klaseng lugar eh." Sagot niya at halata ko na tinatago lang niya na nahihiya siya.

"Sorry. Sorry dahil hindi pa maganda ang una nating pagkikita, pasensya na sa inasal ko Devie, maniwala ka hindi ko din ginusto ang nangyari, sa sobrang pag-aalala ko lang na baka ipakulong mo ang Tatay ko.." nakatingin lang akong deretcho sa mga mata niya.

"Devie parang awa mo na, hindi ko kaya na makitang mas lalong mahirapan si Papa. Hirap na siya Devie." Bumibigat ang bawat hinga ko sa sinasabi niya ngayon.

"Buti ka pa buhay pa ang Papa mo, maaari mo pa siyang makausap, makita, maalagaan at masabi araw-araw sa kaniya na mahal mo siya.  Pero ako kahit baligtarin ko ang mundo wala na, hindi na." Napalunok sa pagpipigil ng luha ko. Naging mahina na naman ako. Bumibigay talaga ako kapag mahal ko na sa buhay ang usapan.

"Devie maawa ka. Patawarin mo na ang Papa ko, patawarin mo na ako." Hinawakan pa niya ang kamay ko na nakapatong sa table. "Devie lahat gagawin ko h'wag mo lang ipakulong ang Tatay ko, kahit ako na ang magbayad ng kasalanan niya, kahit ako na ang mahirapan, parang awa mo na Devie." Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

Desperado siya na patawarin ko siya at huwag ipakulong ang Tatay niya at handa pa siyang siya ang sumalo sa kasalanan na ginawa ng papa niya.

Ganun niya na lang nga siguro kamahal ang papa niya para gawin niya ang bagay na 'to.

"Devie wala na din si Mama. Si Papa na lang ang kasama ko sa buhay, pangako gagawin ko lahat." Napakunot na lang ang noo ko sa pagmamakaawa niya ngayon.

"Hindi ko na ipapakulong ang Papa mo at hahayaan ko na kayo, pero sa isang kondisyon."

"Sabihin mo Devie gagawin ko lahat."

"Alagaan mo siya at siguraduhin mong mabubuhay pa siya ng matagal. Gusto ko na makita ka pa niyang makapag tapos ng pag-aaral." Sabi ko at agad namang nabuhayan si Dexter. Napansin kong pinahid pa niya ang luha niya.

"S-salamat Devie!" Tumango na lang ako at umalis na. Kahit papano ay pinsan ko pa din siya, siguro oras na nga para pakawalan ang nakaraan.

Wala na din naman ang pinaglalaban ko, nagpatawad na ako at siguradong natutuwa din si Papa sa langit ngayon dahil yun ang lagi niyang sinasabi sakin.

Na kahit anong gawing masama sakin hindi ko dapat kailangang gumanti dahil mas malala ang karma na mangyayari sa kanila.

Napa tingala ako at nakita siya sa rooftop, hindi ko masyadong naaaninag yung emosyon niya ngayon. Basta napansin ko lang na may tao sa taas at nakatingin sakin. Tama nga ang pakiramdam ko.

Hapon na at wala ng masyadong estudyante dahil ginamit ang school para sa isang event. Halos ilang linggo na lang din at graduation na. Naayos ko na din ang requirements ko at sinabi ko lang na isa ako sa nag volunteer na sumama sa Sitio Yangil kaya hindi na din nila ako pinahirapan pa sa pagpapasa.

"Wengya! Anong ginagawa mo diyan!?"

"Huwag ka ng sumunod!" Nakaupo siya sa sandalan at isang tulak lang sa kanya ay mahuhulog siya. Hindi ko na pinakinggan ang sigaw niya na huwag sumunod.

Minadali ko na lang ang pag akyat at hingal na hingal akong nang makapunta na sa rooftop. Hindi niya ako pinansin kahit na alam niyang andito na ako dahil sa tunog ng sapatos ko.

"Hindi mo ata talaga kayang makinig sa doktora mo Bjorn. Bawal kang magpagod diba? At ano yang mga chichirya at beer na yan?" Agad kong pinag kukuha ang mga yon at nilagay sa isang plastik.

Pinapanood lang niya ako habang inaalis sa harapan niya ang mga bawal sa kanya. Hinatak ko mula sa kamay niya ang hawak niyang beer pero hindi ko din nakuha sa higpit ng hawak niya.

"Ibigay mo sakin 'yan." Seryosong sabi ko at deretchong nakatingin sa mga mata niya pero isa din siyang nilalabanan ang mga titig ko.

Kitang kita ko ang halo halong emosyon sa kanya ngunit nangingibabaw ang lungkot.

"Naiintindihan kita Bjorn. Pero kailangan mong sundin dahil para sayo din yung ginagawa nila." Sabi ko at ganun pa din ang posisyon namin, nanatili pa din kaming nakahawak parehas sa isang bote dahil ayaw pa niyang bitawan iyon.

Ininom pa niya sa harap ko yung bote ng beer kaya naman dali dali kong inagaw iyon. "Bjorn ano ba! Sinabi nang-" nagulat ako nang bigla niyang binasag sa harap ko yung bote dahilan para mabasa ang sahig at kumalat ang pira-pirasong bubog.

"Ayan! Ano masaya ka na? Ha? Tangina!" Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya nanatili lang akong tahimik.

"Hirap na hirap na ako!" Nang walang sabi sabi ay agad na namang nag unahan ang mga luha ko sa pagtulo nito. Parang ako din yata ay nabasag hindi lang yung bote. Nakakawasak na makita na ganito yung sitwasyon ng taong mahal mo.

Napasandal lang siya sa habang nakahawakan sa ulo at nakayuko. Nagtataas baba ang balikat niya at batid kong umiiyak siya.

Lumapit ako sa kanya at hahawakan ko na sana ang balikat niya nang mapansin ko na naman ang napaka laking pasa. Ngayon ko na lang ulit siya natitigan ng malapitan. Itim na itim ang ilalim ng mata niya. Pumapayat na din siya at hindi na ganung kasigla kagaya ng dati.

"B-bjorn..." napalunok ako dahil nanginginig na boses ko. Para na namang tinatali ng mahigpit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luha.

"Stay away from me, Devie." Garalgal ang boses niya, hindi humihikbi ngunit patuloy ang agos ng luha sa pisngi niya. Namumula na din ang mukha niya.

"No. I'm not gonna leave you behind. I'll stay..." sagot ko, dahil hindi ko kaya na iwan siya mag-isa dito.

"Bumalik na tayo sa Portel, kailangan mo pang uminom ng gamot para sa oras na to diba?" Hindi siya sumagot. Nakakabinging katahimikan ang nangyayari ngayon.

"Sobrang sakit na Dev! Para kong pinaparusahan. Parang napaka laki ng kasalanan ang nagawa ko para mangyari sakin 'to. Hindi naman ako masamang tao ah? Bakit sakin nangyayari 'to? Ang sakit, ang hirap, ang bigat..."

Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi para pigilan ang hikbi na gusto ng lumabas.

"Lumalaban na lang ako, kinakaya ko lang kasi meron naman akong ikaw. Alam ko na hihintayin mo ako. At kapag naging ayos na lahat, kapag magaling na ako papakasalan kita agad. Magiging akin ka na, kapag nasa harap na tayo ng altar. Mangangako ako ngayon sa harap mo Devie.. dahil Mahal kita, at kapag mahal mo gagawin mo ang lahat. Walang mahirap, walang hindi kaya." Hindi ko na napigilan ang hikbi ko.

Nakahawak ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hirap ng pinagdadaanan niya. Wala akong nagawa nung nawala si Papa. Hindi ko na hahayaan na pati si Bjorn mawala pa. Hinding hindi.

"Hindi ko pinapangako na maaayos ko ang problema mo, pero pinapangako ko na hindi mo haharapin ang problema na mag-isa..."

Hindi ko inasahan ang naging sagot ni Bjorn. Hindi na ako umapila pa. Maginaw na pero mas ramdam ko ang init ng labi niya.

Sa pangalawang pagkakataon, mas naintindihan ko na ang pakiramdam. Napasinghap na lang ako dahil bumitaw na ako. Magkalapit pa din ang mukha namin sa isat-isa, magkadikit ang parehas naming noo habang basa ang pisngi sa mga luha na tumulo mula sa mga mata namin.

Set You FreeWhere stories live. Discover now