Chapter 1

3.9K 152 4
                                    

ANG PAGSILANG

Ang Solaria Family ay isang Aristocrat Clan mula sa Valeria Kingdom. Ang kahariang ito ay hindi masasabing mahirap at hindi din masasabing mayaman kumpara sa ibang kaharian, ang antas ng kingdom na ito ay nasa gitna o average kumbaga.

Nakatayo ang mga kabahayan ng Solaria Family sa isang crater ng bulkan na hindi na muling sasabog pa. Ang paligid ng crater ay nagsisilbing pader ng teritoryo ng Solaria Family, sa loob ng crater makikita ang iba't ibang klase ng mga herbs mula sa pambihira hanggang sa pangkaraniwan.

Ang mga herbs ay kanilang ibinibenta sa mga iba't ibang clan sa buong kaharian. Ito ang kanilang pinagkukunan ng panggastos sa pangaraw-araw.  Hindi man ganon karangya ang kanilang pamumuhay kumpara sa ibang mga Aristocrat Clan ay puno naman ng saya ang buhay ng bawat miyembro ng Solaria Family. At isa na nga dito ang Patriarch ng Solaria Family dahil manganganak na ang kanyang asawa.

Ang Patriarch ay nakasuot ng isang kulay asul na roba na may desenyong araw, buwan at bituin na sumisimbolo sa pagiging Patriarch nito. Sa edad na 40 ay maganda pa rin ang pangangatawan nito. Mayroon itong isang pares ng itim na singkit na singkit na mga mata, may maitim na buhok, matangos na ilong na binagayan ng manipis na mapupulang labi, maputing kutis, makakapal na kilay at mahahabang pilik mata. May kataasan din ito at bilugan na mukha.

Makikita sa mukha ng Patriarch ang lubos na kasiyahan at puno ng kagalakan ang kanyang damdamin dahil magiging ama na rin siya. Hindi na sya makapaghintay na makita ang kanyang anak at malaman kung ito ba ay isang babae o lalake at nasasabik na siyang mabuhat ang kanilang panganay na anak. Ilang taon na rin nilang sinusubukan na magkaroon ng anak ngunit hindi sila nabibiyayaan.

Ginawa na nila ang lahat pumunta sa iba't ibang doktor na maaaring makatulong sa kanila, uminom ng gamot na gawa sa mga pambihirang herbs na matatagpuan sa kanilang teritoryo pero wala pa ring nangyari. Sinubukan na rin nila ang iba't ibang posisyon sa pagtatalik, ilang beses nila itong ginagawa sa isang araw at baka makatulong ito upang magkaroon ng supling ang sinapupunan ng kanyang asawa, ngunit wala pa rin nangyari kaya naisipan nilang humiling sa isang diyos.

Matapos nilang humiling at magdasal sa diyos ng araw, buwan at bituin ay sa wakas nabiyayaan na rin sila. Naging maselan ang pagbubuntis ng kanyang asawa kaya naman ito ay inalagaan ng lubos ng angkan dahil isisilang na ang maaaring pumalit sa pwesto bilang Pinuno ng angkan.

Naghihintay sa labas ng silid nilang mag-asawa ang Patriarch. Naririnig niya ang malakas nitong pag-ire, hindi niya maiwasang mag-alala para sa buhay ng kanyang mag-ina. Gustong-gusto na nyang pumasok pero pinagbawalan siya ng doktor na pumasok sa silid at ang magagawa na lamang niya ay maghintay sa labas. Tumahimik na sa loob ng silid at isa lang ang ibig sabihin nito na nganak na ang kanyang asawa.

Unti-unti ng nagbubukas ang pinto ng silid at iniluwa nga nito ang doktor.

"Binabati kita Patriarch Magnus, isang babae ang inyong anak" wika ng doktor. Ang doktor ay may katandaan na at nakasuot ito ng isang kulay berdeng roba na may desenyong mga halaman na sumisimbolo sa pagiging doktor nito.

"Kamusta ang aking asawa?" Makikita sa mukha ng Patriarch ang lubos na kagalakan. Hindi man niya inaasahan na isang babae ang kanilang anak pero lubos pa rin siyang nagpapasalamat na mayroon na silang supling ng kanyang asawa.

"Mabuti ang lagay ng inyong asawa at buhat buhat niya ngayon ang inyong anak"

Agad pumasok ang Patriarch sa loob ng silid upang makita ang kanyang asawa. Si Lady Astria ay nakahiga ngayon sa kanilang kama na balot ng kumot na kulay asul at buhat sa kanyang bisig ang anak nilang babae. Nilapitan ng Patriarch ang kanyang mag-ina upang makita, lubos ang saya na kanyang nadarama ng makita na ang kanilang anak. Napakaputi ng kutis nito, mayroon itong maliit na matangos na ilong, mahabang pilik mata na binagayan ng medyo manipis na kilay at kahit bata pa ay makikita na ang mapula-pulang labi nito. Talaga nga namang napakaganda ng kanilang anak at makikita sa pigura ng bata ang pinaghalong hitsura nilang mag-asawa pero mas kamukha nito ang kaniyang asawa at natutuwa siya dito.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon