Chapter 6

1.9K 98 3
                                    

ANG PALIGSAHAN (1)

Napatayo bigla ang ama ni Celestine nang makita niya ang kanyang nag-iisang anak. Dali-dali itong lumapit sa kanyang anak at niyakap, masayang-masaya siya na makita ang kanyang anak. Tatlong taon, tatlong taon niyang hindi nakita ang kanyang anak, walang araw na hindi niya ito naalala at nagaalala din siya sa lagay ng kanyang anak.

Ginawa naman nito ang binilin ng kaniyang anak. Araw-araw siyang bumibisita sa kanyang asawa na may dalang bulaklak na matagal na naman niyang ginagawa at ang hindi masyadong pagtratrabaho nito. Kaya nga naisipan niya ng magbitiw sa pagiging Patriarch para makapagpahinga at makasama ang kanyang anak.

Hindi na napigilan ng Patriarch na umiyak dahil sa tuwa at pagkasabik sa kanyang anak.

"Ama, umiiyak ka ba?" natatawang sabi ni Celestine.

Dali-dali namang pinahid ang kanyang mga luha. "Hindi ah! Hindi ako umiiyak"

Natawa naman ang mga Elders dahil sa kakulitan ng mag-ama samantala ang mga anak ng mga Elders ay seryosong nakatingin kay Celestine dahil nakaramdam sila na maaaring maging malaking balakid ito sa kanilang pagiging pinuno ng pamilya. Pero ng maramdaman nila ang lakas ni Celestine na 3rd star Silver Rank ay nawala ang pangamba nila.

'Hmmp, 3rd star Silver Rank lang? Bakit kailangan ko pang mangamba sa babaeng yan? Eh ang hina naman pala niya' may panguuyam na sabi sa isip ni Mei. Si Mei ay anak ni Fourth Elder Ming may lakas siyang 8th star Silver Rank.

Ang mga anak ng Elders ay may lakas na mula 8th at 9th star Silver Rank samantala si Celestine ay may 3rd Silver Rank. Sinadya naman ni Celestine na pagmukhain na hindi siya lumakas sa nakalipas na tatlong taon.

"Ama, bumalik ka na sa upuan mo at ipagpatuloy ang pinag-uusapan niyo. Oo nga pala, ano ba ang pinag-uusapan niyo?" kunwaring nagtataka si Celestine ng sinabi niya ito.

Bumalik naman ang Patriarch sa kanyang upuan bago ito nagsalita "Pinag-uusapan namin kung sino ang maaaring pumalit sa aking pwesto. Nandito ang mga anak ng mga Elders upang subukang maging bagong Pinuno ng ating pamilya"

"Kung ganoon ama, bakit hindi niyo ako isali sa pipiliin na maaaring maging bagong Mistress? Hmmm, mas maganda siguro ama na gawin nating paligsahan ito ng lakas? Lahat ng mga kabataan pwedeng sumali sa gaganapin na paligsahan ng lakas at ang magiging premyo ng mananalong kalahok ay ang pwesto bilang Pinuno ng Solaria Family? Diba mga Elders at ama?" suwestyon ni Celestine.

"Sang-ayon ako sa gaganaping paligsahan dahil hindi lamang natin makikita ang potensyal ng mga ating anak. Ganun na rin ang potensyal ng mga kabataan" sabi ni First Elder Mulan. Ang kanya namang anak ay si Daichi, may lakas itong 9th star Silver Rank.

Sumang-ayon din ang mga Elders at ang Patriarch sa sinabi ng kanyang anak. Tuwang-tuwa siya dahil nagmature na ito at marunong nang gumawa ng desisyon.

'Tama, ikaw Celestine ang una kong lalampusuhin' sabi ni Mytire. Si Mytire ay anak ni Second Elder Long. Si Mytire ay may lakas na 9th star Silver Rank.

"Kung ganoon, bibigyan ko ng isang araw ang mga kalahok upang mag-ensayo sa gagawing paligsahan" sabi ni Patriarch Magnus.

Nagsi-alisan na ang mga Elders at anak ng mga ito sa bulwagan maliban na lamang kay Third Elder Leo. Lumapit ito kay Celestine upang yakapin, si Third Elder Leo ay ang palaging kasangga ni Celestine sa kanyang ama tuwing pinagagalitan siya nito, pag siya ay umaalis ng kanilang bahay para maglibot sa kanilang teritoryo.

"Masaya ako na nagbalik ka na Celestine"

"Ako din po ay masayang nakabalik na ako dito" may ngiting sabi ni Celestine.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon