Chapter 13

1.6K 81 3
                                    

ANG PAGEENSAYO (2)

Ang mga babae ay hirap na hirap sa paglalakad at ang mga lalaki naman ay pinipilit na makahabol sa Lightning Bunny. Dalawang oras na nilang hinahabol ang kuneho at ngayon ang kaninang panandaliang pagkawala ng sakit nila sa unang pageensayo ay muli na naman nilang nararamdaman dahil sa bigat ng dala-dala nila.

Ngunit di katulad nung una ay madali silang napagod sa pagtakbo, ngayon hindi sila ganon kadaling napagod pero ang nagpapahirap sa kanila ay ang mabigat na panangga ni Celestine. Naisip nilang gawin ulit ang kanilang planong kanina pero mukang alam na ng kuneho ang gagawin ng mga pinsan ni Celestine kaya patuloy pa rin ito sa pagtakbo. Hindi na sila makatakbo ng ayos dahil sa bigat.

Noong una ay hindi pa nila ramdam masyado ang bigat pero sa patuloy na pagtakbo ng oras, ay patuloy din ang pagkaubos ng lakas nila. Habang hinahabol nila ang kuneho ay nagiisip sila ng panibagong plano.

Nang matapos ang pagiisip nila ay inumpisahan na nila itong isagawa. Ang mga babae ay tumigil sa kanilang kinatatayuan at nagtago sa mataas na damo sa kanilang likod. Samantala, ang tatlong lalaki naman ay naghiwa-hiwalay.
Sa kanan si Daichi, sa kaliwa si Xian at sa gitna si Griff.

Patuloy lang sila sa paghabol sa kuneho hanggang nagiba na ang direksyon kung saan papunta ang kuneho. Pabalik na ito kung nasaan nagtatago sina Mytire at Mei. Habol lang ng habol sina Griff sa kuneho, ang kuneho naman ay dirediretso sa pagtakbo. Hinarangan na nina Daichi at Xian ang gilid para hindi ito doon tumakbo. Si Griff naman ay nasa likod ng kuneho kaya patuloy ito sa pagtakbo pauna.

Walang ng dadaanan ang kuneho kaya nagdire-diretso ito papunta sa mataas na damo kung saan naman nagaabang ang dalawang babae. Nagulat ang kuneho ng makitang may nagaabang pala sa kanya. Agad naman dinakma ng dalawa ang kuneho para hindi na ito makatakbo. Malaki ang naging tulong ng tinuro ni Celestine kung paano mawawala ang kanilang presensya.

Ang kanina pang nakamasid na si Celestine ay bumaba na sa puno at kinuha niya na ang kuneho bago pakawalan. Dumiretso na sina Celestine papunta sa tabi ng lawa pero pabalik doon ay hindi pa rin niya pinatatanggal ang kanyang panangga. Hindi naman sila makapagreklamo dahil tuwing magrereklamo ay titingnan sila ni Celestine ng masama. Bumalik sila ng tahimik dahil natatakot sila kay Celestine.

Habang nakaupo ang mga pinsan ni Celestine ay buhat buhat pa rin nila ang panangga ni Celestine. Natapos na si Celestine sa pagluluto ng kakainin niya ay tsaka niya kinumpas ang kanyang kamay para mawala ang panangga. Nakahinga naman sila ng maluwag ng mawala na ang panangaang buhat buhat nila.

Nagumpisa na sila sa pagkain at hindi na sila naguusap dahil nakatutok sila sa pagkain. Nang natapos na sila sa pagkain ay inutusan ni Celestine ang kanyang mga lalaking pinsan na itayo na ang tent na kanilang pagtutulugan. Sina Celestine at ang mga babae niyang pinsan ang nagayos sa loob ng tent nung ito ay matapos na. Malapit ng maggabi kaya kailangan nilang maayos agad ang pagtutulugan nila.

Sinabihan naman sila ni Celestine na matulog na dahil kailangan nilang bumawi ng lakas para sa pageensayo bukas. Sinabi din ni Celestine na hindi sila pwedeng kumain ng healing pill para masanay ang kanilang katawan na hindi aasa sa pill.

Nagtabi-tabi naman ang mga babae at ganun na rin ang mga lalaki. Mabilis naman sila dinapuan ng antok dahil sa labis na pagod.

Sa gitna ng kanilang pagtulog ay may narinig si Celestine na kaluskos kaya bumangon siya at tiningnan ang kaniyang mga pinsan kung nakahiga ba ang mga ito. Nakita naman niya ang dalawang babae na magkayapos. Sina Xian at Daichi naman ay nakadantay ang isang paa kay Griff na parang ginawang unan.

Nakarinig ulit siya ng kaluskos sa labas ng tent kaya naalerto agad siya. Dahan-dahan siyang tumayo para hindi magising ang mga pinsan niya. Lumabas na siya sa tent at pinakiramdaman ang paligid. May narinig siyang parang may lumubog sa tubig kaya tuminigin siya sa may lawa. Nagulat siya sa nakita dahil isa ito sa mga pambihirang magical beast. Isa itong Nine Tail Ice Fox, nakalublob ang dalawa nitong paa sa tubig habang nakatingin sa lawa.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon