Chapter 16

1.7K 98 13
                                    

ENTRANCE EXAM

Ang Valiant Institute ay makikita sa gitnang bahagi ng Baltimoire City sa kaharian ng Valeria Kingdom. Ngayon iyon ang destinasyon ni Celestine, papasok siya sa Valiant Institute para mapili na sumali sa Inter-Kingdom Duel.

Nakarating na si Celestine sa harap ng Baltimoire City. Napakaraming tindihan ang makikita na nagtitinda ng iba't ibang sandata, pills, herbs at marami pang iba. Napakarami din ng mga tao dahil ang Baltimoire City ay ang gitna ng komersiyo sa Valeria Kingdom. May nakikita din siyang nagtatakbuhan na mga bata, siguro ay anak ng may-ari ng tindihan.

Nagpatuloy siya sa paglalakad dahil kailangan niya agad makadating sa V.I. dahil ngayon ang opisyal ng pagbubukas ng institusyon. Nakakasiguro si Celestine na marami din ang mga katulad niyang bata ang magbabalak na pumasok sa loob ng institusyon. Sa patuloy niyang paglalakad ay ngayon niya pa lang natatanaw ang gusali ng V.I., hindi inaasahan ni Celestine na malaki pala ang bayang ito.

Nakadating na siya sa harap ng V.I. at ang buong lugar ng institusyon ay nababalot ng nagtataasang pader. Mayroon din itong napakataas na tarangkahan na gawa sa pilak at sa taas naman nakasulat ang pangalan ng institusyon na gawa sa ginto. Inaasahan na nga ni Celestine na maraming tao ang magbabalak na pumasok pero hindi niya inaasahan na ganito karami ang gustong pumasok sa loob ng institusyon. Siguro ay nasa labinglimang metro ang layo ni Celestine sa tarangkahan at ang labinglimang metro na layo mula kay Celestine ay punong-puno ng tao na hangad makapasok sa loob ng institusyon.

May nakita siyang mga tao na mukang galing sa isang ordinaryong angkan, mayroon din na man mukang nanggaling sa isang Aristocrat o kaya ay Noble Clan at ang pinakahuli ay isang lalaki na nakasakay pa sa karwahe na nababantayan pa ng mga Palace Guards.

'Kahit pala ay nanggaling ka sa isang malaking pamilya ay hindi ka pa rin basta-basta mapapasok. Mukang kung wala kang talento ay wala ka ding kwenta sa institusyon na ito' sabi sa isip ni Celestine.

Narinig naman ni Celestine ang paglangitngit ng tarangkahan at nagumpisa na sa paglalakad ang mga tao pauna. Nakapasok na silang lahat sa loob ng institusyon ay tsaka nagsara ang tarangkahan. Napatingin naman siya sa unahan ng makita ang isang lalaki na umakyat sa taas ng entablado. Hindi ito mukang sobrang tanda, siguro ay nasa apatnapu ang edad nito. Kulay brown ang buhok nito at hindi naman payat hindi din mataba. May umakyat din na nasa dalawampung mga tao. May suot ang mga taong ito ng kulay berdeng roba. Samantala, ang nauna na lalaking umakyat ay nakasuot naman ng kulay asul na roba.

"Ehem. Ako ang Headmaster ng institusyon na ito, ang pangalan ko ay Shen kaya tatawagin niyo akong Headmaster Shen kung makakapasok man kayo sa institusyon. Magkakaroon ng eksaminasyon na magpapatunay na karapat-dapat kayong pumasok sa loob ng institusyon na ito. Ang institusyong ito ay talento ang pinapahalagahan hindi ang yaman kaya kung wala kang talento, wala ka din kwenta sa institusyon na ito...... Kailangan niyo lahat mapasa ang mga pagsubok ng examiner bago kayo makapasok...... Nandito din ang mga Inner Elders para makapili sila ng personal na estudyante pero ang hindi naman mapipili na nakapasa ay makakapasok pa rin sa loob ng institusyon at ang magtuturo sa inyo ay ang mga Outer Elders...... Huwag na natin patagalin pa, umpisahan na natin ang inyong eksaminasyon!!" mahabang litanya ni Headmaster Shen.

Sa unang eksaminasyon ay titingnan ang magic circle na mayroon ka. Nabuo ang limang pila dahil kung isang pila lang ito ay baka siyam-siyam na ay hindi pa rin ito natatapos. Ang kaninang lalaki na nakasakay sa karwahe ay bumaba na pero kasama pa rin nito ang kanyang mga bantay. Nasa pangapat na pila si Celestine habang ang lalaki naman na may kasamang bantay ay nasa pangatlong pila.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon