Chapter 9

1.9K 89 8
                                    

ANG BAGONG MISTRESS

Matapos ng paligsahan ay umuwi na sina Patriarch Magnus at Celestine sa kanilang tirahan. Pagkadating nila doon ay kumain agad si Celestine at nang matapos ay pumunta na siya sa kaniyang kwarto.

Pinabayaan na lamang ni Patriarch Magnus ang kanyang anak na matulog dahil napagod ito sa paligsahan kanina at ipagpapabukas na lamang ang pagtatanong tungkol sa pinamalas nitong lakas.

Sa totoo lamang ni walang naramdamang pagod si Celestine, gusto niya lamang matulog dahil sa sobrang kabagutan na kanyang nadarama.

Kinaumagahan, nagdatingan ang mga Elders at ang anak ng mga ito, sa bahay ni Patriarch Magnus upang doon na mag-agahan at kausapin na rin si Celestine tungkol sa lakas niya.

Nasa hapagkainan na sina Patriarch Magnus, ang mga Elders at ang anak ng mga Elders. Nakaupo sa tabi ng mga Elders ang kanilang anak. Nasa dulo ng lamesa si Patriarch Magnus at ang natitirang bakanteng upuan na lamang ay sa kabilang dulo ng lamesa na katapat ni Patriarch Magnus. Tig limang upuan sa bawat gilid ng lamesa.

Pinatawag na ni Patriarch Magnus si Celestine na nasa kanyang kwarto pa rin sa mga oras na ito. Sumunod naman ang inutusang katulong at pumunta na kung nasaan ang silid ni Celestine.

Nang nakadating na doon ang katulong ay kumatok siya ng tatlong beses. Hindi na naman siya naghintay ng matagal dahil pinagbuksan na siya ni Celestine.

"Young Lady tawag po kayo ni Patriarch Magnus. Nasa hapagkainan po sila kasama ang mga Elders at ang anak ng mga ito"

"Sige. Susunod na lamang ako"

Umalis na ang katulong sa harap ng pinto ni Celestine. Pumasok naman ulit si Celestine sa loob ng kwarto at tiningnan ang isang bestida na aabot hanggang tuhod ang haba, kulay asul ito at dinesenyuhan ng araw na sumisimbolo sa pagiging Pinuno ng Solaria Family. Tinitigan niya lamang ito dahil pinagiisipan niya kung susuotin niya pa ba ito o wag na lang.

Kanina pa syang gising pero hindi pa rin siya na labas ng kanyang kwarto dahil pinagiisipan niya kung susuotin pa ba ito o susuotin niya na lang ang kanyang madalas suotin na damit.

Hanggang napagdesisyonan niya na lamang na suotin ang madalas niyang sinusuot at ito ay damit panglalaki. Simple lang ang disenyo nito na mapagkakamalan na hindi ka nanggaling sa main branch ng angkan.

Lumabas na si Celestine at papunta na siya ngayon sa hapagkainan kung nasaan sina Patriarch Magnus, ang mga Elders at ang anak ng mga ito. Nang nakadating na siya sa loob ng hapagkainan ay nabaling sa kanya ang mga atensyon ng mga ito. Ang mga kababaihan sa loob ay nakasuot ng bestida na may iba't ibang kulay at ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng tulad sa kanya ngunit mas magarbo ang mga ito. Ang kanyang ama naman ay may suot ng roba na kulay pula at dinesenyuhan ng araw.

Yumuko naman si Celestine sa mga ito bago maupo sa bakanteng upuan sa dulo ng lamesa. Binati niya naman ang mga tao sa silid at tsaka kumuha ng pagkain at nagumpisa na rin kumain ang iba pa. Sa kalagitnaan naman ng kanyang pagkain ay tinanong siya ni First Elder Mulan.

"Celestine paano mo naitago ang iyong lakas nung dumating ka dito matapos ng tatlong taon?"

"Natutunan kong itago ang aking presensya at aking lakas dahil lubos na mapanganib sa loob ng Heavenly Beast Forest kung mararamdaman nila ang aking presensya ay malaki ang tyansa na atakihin nila ako"

"Totoo ba ang mga magic circle mo?" tanong ni Daichi.

"Sa palagay mo hindi totoo ang mga iyon?" nakataas ang kilay na sabi ni Celestine.

"Hindi lamang ako makapaniwala na nagawa mong makapatay ng isang 1,500 at 10,200 years old na magical beast ng magisa at imposible na makagamit ka agad ng 1,000 years old na magic circle kung nasa Silver Rank ka pa lang"

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon