Chapter 2

3K 125 4
                                    

ANG PAGALIS

Makalipas ang sampung taon. Marami na ang nagbago sa Solaria Family ang dating Aristocrat Clan ay ngayon ay kabilang na sa Noble Clan. Naging progresibo ang Solaria Family at dati ay nagbebenta lamang sila ng mga herbs ay ngayon gumagawa na rin sila ng iba't ibang pills. Hindi man kasing ganda ng kalidad tulad sa Alchemists Organization ay hindi rin naman maikukumpara ang kahusayan nito sa gawa ng ibang mga angkan.

Sa pangunguna ni Third Elder Leo, naging progresibo at naging katangi-tangi ang mga pills mula sa Solaria Family. Nagbunga ang ilang taon nitong pag-aaral at pagdiskubre na maaaring makatulong upang mapaganda ang kalidad ng kanilang produkto. Dahil sa kahusayan ni Third Elder Leo sa paggawa ng pills, pinaunlakan ng Alchemists Organization si Third Elder Leo na maging kanilang miyembro.

Ngunit tumanggi si Elder Leo sa paunlak ng organisasyon. Maganda man ang magiging benipisyo nito para sa kanya at sa Solaria Family ay mas gusto niya pa ritong magsilbi at mas paghusayin ang kanyang talento kasama ang mga Alchemists sa pamilya. Ginalang naman ng organisasyon ang desisyon ni Third Elder Leo at hindi na ito pinilit pa.

Samantala, si Patriarch Magnus ay bumalik na ang kanyang sigla matapos mamatay ang kanyang asawa at dahil sa kanyang makulit na anak na si Celistine bumalik ang saya sa kanyang puso. Nagkaroon na ng mga hibla ng puting buhok si Patriarch senyales na matanda na ito pero malakas pa rin ito at napaka-ganda pa rin ng tindig nito. Nahirapan man sa pagpapalaki ng kanyang anak dahil sa likas nitong kakulitan ay napalaki naman niya itong mabait at masunurin.

Ngunit may pagkapilya pa rin ang kanyang anak na ngayon ay nasa edad sampu at hinahanap man nito ang kanyang ina habang ito ay pinapalaki niya ay sinugurado niyang iparamdam ang lubos nitong pagmamahal para sa kanyang anak upang hindi na nito masyadong hanapin ang kanyang ina pero kung mayroon man itong mga katanungan tungkol kay Lady Astria ay sinasagot naman niya ito.

Madalas dumalaw si Celestine sa puntod ng kanyang ina na may dala-dalang isang bungkos ng bulaklak para sa kanyang minamahal na ina. Hindi man niya ito naabutan na buhay ay ramdam naman nito ang lubos nitong pagmamahal noong nasa sinapupunan pa siya, kinuwento ng kanyang ama kung paano siya kausapin nito at kantahan. At dahil doon alam niya na mahal na mahal siya nito.

Lumaki si Celestine na mayroong mga magandang mga mata na kulay brown, may maliit na matangos na ilong, mahabang pilik mata na binagayan ng medyo may kakapalang kilay ngayon, mapupulang manipis na labi, maputing kutis, mamulamulang pisngi, kulay brown na mga buhok at bilugang mukha. Napaka-ganda sa edad na sampu ay wala ng kapares ang ganda nito ngunit madalas itong magbihis ng panlalaking kasuotan at madalang lamang itong magsuot na pangbabae, tuwing may okasyon lamang siya nagsusuot non.

Makikita ang isang babae na nakasuot ng panlalaki, na nakaupo sa tabi ng isang puntod. "Ina, alam mo bang miss na miss ka na ni ama? Hindi man kita naabutan ay nami-miss pa din kita. Gusto ko maramdaman ang pag-aalaga mo sakin. Naranasan ko man ang pag-aalaga sa akin ng isang ina noong una kong buhay ay gusto ko pa rin maranasan ang pag-aaruga mo" malungkot na saad ni Celestine.

Matagal niya ng naalala ang una nyang buhay, nagsimula ito noong 6 na taon pa lamang siya. Noon ay naguguluhan siya kung bakit may mga naalala siyang mga bagay na hindi niya matandaan na ginawa niya. Hanggang sa makumpleto na ang mga alaala at naintindihan niya na ang mga ito. Kaya simula ng siya 8 taong gulang ay nagumpisa na siyang magensayo upang mapalakas ang kanyang sarili.

Tinuruan siya ni Patriarch Magnus ng mga tungkol sa mga magical beast at kung ano ang naitutulong nito sa kanilang cultivation. Sa oras na patayin nila ang isang magical beast ay lalabas mula dito ang isang magic circle, ang antas ng lakas ng isang magical beast ay nababase sa edad at nakabase din ang kulay ng magic circle sa edad nito:

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon