Chapter 12

1.7K 89 5
                                    

ANG PAGEENSAYO (1)

Matapos kumain sina Celestine ay nagumpisa na silang likumin ang kanilang tent at pumasok na sa loob ng Heavenly Beast Forest. Nang nakadating na sila sa loob, pinuntahan nina Celestine ang maliit na talon na nakita niya dati.

Uminom sila ng tubig at kumuha na rin sila ng tubig. Sinabihan na rin sila ni Celestine na maliligo muna silang mga babae sa lawa na nakita niya din dati. Nang nakadating sila doon ay pinatigil niya ang mga pinsan niyang lalaki na malayo sa lawa. Nakadating na ang mga babae malapit sa lawa ay pinalabas niya ang kanyang mga thorns para palibutan silang tatlo.

Sa sobrang daming thorns na nalikha ni Celestine ay nagawa nitong magmukhang harang at wala kang masisilip na kahit ano sa loob mula sa labas. Tama lang ang laki ng harang na ginawa ni Celestine para sa kanilang tatlo. Nagumpisa na silang maligo, si Mytire at Mei ay nagkwekwentuhan ng kung ano-ano samantala si Celestine ay tahimik lamang, sinasali naman siya ng dalawa niyang pinsan pero hindi siya nagsasalita kaya wala ng nagawa ang dalawa. Hindi din naman kasi ganun kahilig makipagusap si Celestine at alam iyon ng mga pinsan niya tanging matatanda lang ang kanyang kinakausap.

Nang natapos sina Celestine sa paliligo ay sunod naman ay ang mga lalaki. Hindi na tinanggal ni Celestine ang mga thorns para maharangan sila. Natapos na rin ang mga lalaki sa paliligo kaya sinabihan sila ni Celestine na magunat ng katawan dahil para hindi mabigla ang kanilang katawan sa pageensayo.

Umalis si Celestine at sinabihan niya ang kanyang mga pinsan na doon muna sila sa may lawa dahil may kukunin lang siya. Umabot ng sampung minuto bago bumalik si Celestine, nakita naman siya ng kanyang mga pinsan at nakita rin nila ang isang maliit na magical beast.

"Celestine saan ka nanggaling? At bakit may dala kang maliit na magical beast?" sabi ni Griff.

"Kinuha ko lamang ang munting nilalang na ito dahil gagamitin natin ito para sa inyong pageensayo"

'Ang brutal naman ni Celestine. Napakaliit na nilalang pero gagamitin sa pageensayo. Hayy, kaawa-awang nilalang' sabi sa isp ni Mei.

"Ang magical beast na ito ay isang Lightning Bunny. Ang mga Lightning Bunny ay sobrang bilis tumakbo at napakailap din nito. Sa una niyong pageensayo ay palalakasin natin ang inyong mga katawan at ihahanda ang inyong sarili sa pagabsorb ng magic circle na may edad 1,000 pataas. Sa oras na makakakuha na kayo ng nasa 1,000 years old magic circle ay tsaka kayo mageensayo kung paano niyo palalakasin ang inyong kapangyarihan. Tutuklasin niyo rin ang iba't ibang skills ng inyong kapangyarihan. Sa oras na magawa niyo iyan ay tsaka naman kayo magaasbsorb ng 10,000 years old magic circle. Matapos noon ay tutuklasin niyo naman ang inyong ikalawang kapangyarihan" mahabang litanya ni Celestine.

Napanganga naman ang mga pinsan ni Celestine dahil sa sinabi nito. Ngayon pa lang alam na nilang hindi magiging madali ito para sa kanila.

"Pero bago ang lahat ng iyan ay tuturuan ko muna kayo kung paano niyo itatago ang inyong presensya. Sobrang delikado sa loob ng kagubatang ito lalo na kung magpapagala-gala kayo na nakalabas ang inyong presensya" seryosong sabi ni Celestine.

Napalunok naman ang mga pinsan ni Celestine dahil sa sinabi niya. Nakaramdam sila ng takot dahil maaari talaga silang mamatay sa loob ng kagubatang ito.

Nagumpisa na sila, sinabihan ni Celestine ang kanyang mga pinsan na ikalma ang kanilang isip. Pagkatapos maikalama ang kanilang isip ay kailangan naman nilang isipin na may bumabalot sa kanilang katawan na isang makapal na pader. Kahit katiting ng presensya nila ay hindi dapat makawala.

Nahirapan ang mga pinsan ni Celestine na ikalma ang kanilang mga isipan dahil sa sobrang daming pumapasok na mga ideya. Umabot ng tatlopung minuto bago nila naikalma ang kanilang isipan. Nagumpisa na rin sila magisip ng pader na babalot sa kanilang katawan para mawala na ang kanilang presensya. Sa patuloy nilang pagbuo ng pader sa kanilang katawan ay unti-unti na ring naglalaho ang kanilang presensya.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon