Chapter 10

1.8K 84 5
                                    

ANG MGA BANDIDO (1)

Matapos ang pagpapakilala kay Celestine bilang bagong Mistress ay nagkaroon ng kasiyahan sa tirahan ni Patriarch Magnus.

Mabilis kumalat ang balitang may bago ng Pinuno ang Solaria Family dahil sa pagiging isa sa tatlong matataas na Noble Clan ay bigdeal ito para sa mga mamamayan ng Valeria Kingdom. Maraming angkan ang nagpadala ng regalo para kay Celestine dahil sa pagiging bagong Mistress.

Samantala, si Celestine ay hindi na nagtagal sa kasiyahan dahil gusto niyang bumisita sa kanyang ina. Kadadating niya lang pero aalis na naman siya kaya gusto niya ng lubusin ang natitirang oras niya sa pamamalagi sa kanilang lugar.

Ginamit ni Celestine ang kanyang panangga upang maging transportasyon papuntang libingan ng kanyang ina. Nagdala na rin siya ng isang bungkos ng bulaklak sa kanyang namayapang ina.

Mabalis nakadating si Celestine sa puntod ni Lady Astria. Ipinatong niya ang bungkos ng bulaklak sa ibabaw ng puntod ng kanyang ina. Nagpaalam siya dito na kinakailangan niya na naman umalis upang tulungang magensayo ang kanyang mga pinsan. Ang anak ng mga Elders ay first cousins ni Celestine samantala, ang hindi naman anak ng mga Elders ay second cousins niya o third cousins.

Umuwi na si Celestine sa kanilang tirahan upang makapagpaalam na rin si Celestine sa kanyang ama na kailangan niya muling umalis at sinabihan niya uli ito na wag masyadong magpapagod at palaging bisitahin ang kanyang ina.

Kumain muna sila ng sabay sa hapagkainan sa huling pagkakataon dahil hindi na siya makakasabay sa pagkain sa umaga. Kinakailangan na kasi nilang maglakbay ng maaga para makarating agad sa Heavenly Beast Forest.

Matapos kumain ng panghapunan ay dumiretso na si Celestine sa kaniyang silid upang makapagpahinga dahil mahaba-habang lakarin ang gagawin nila bukas.

Nagising si Celestine nang hindi pa sumisikat ang araw. Nagayos na siya at tiningnan kung dala niya ba ang lahat ng pangangailangan niya sa loob ng isang taon. Lumabas na siya ng kanyang silid at dumiretso sa kanilang sala. Natagpuan niya sa kanilang sala ang mga Elders at ang anak ng mga ito.

Gaya ng napagusapan ganitong oras sila dapat umalis para maaga silang makadating sa kanilang destinasyon.

"Magandang umaga ama, mga Elders at mga pinsan" bati ni Celestine.

"Magandang umaga din anak" nakangiting bati ni Patriarch Magnus.

Lumapit si Patriarch Magnus sa kanyang anak upang yakapin dahil sa susunod na taon na lang muli sila magkikitang mag-ama. Gumanti ng yakap si Celestine sa kanyang ama.

"Alagaan mo ang iyong sarili anak at tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng iyong ina" naluluhang sabi ni Patriarch Magnus.

"Ama wag ka nga pong umiyak. Isang taon lang naman tayong di magkikita. Mahal na mahal ko din kayo ni ina"

"Kahit na. Basta alagaan mo ang iyong sarili"

Kumalas na ang magama sa kanilang yakap, hinalikan naman ni Patriarch Magnus ang noo ni Celestine. Muli ulit silang dalawang nagpaalam sa isa't isa. Humarap naman si Celestine para tingnan ang kanyang mga pinsan, nagpapaalam din ang mga ito sa kanilang mga magulang. Kasama ng mga Elders ang kanilang mga asawa para magpaalam sa kanilang anak.

Lumapit na si Celestine sa mga ito ng makitang tapos na silang makapagpaalam sa isa't isa.

"Mga pinsan handa na ba kayo?"

Makikita sa mga mata ng mga ito ang butil ng mga luha dahil hindi sila sanay na mahiwalay sa kanilang mga magulang. Tanging pagtango lang ang iginanti ng kanyang mga pinsan.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon