Chapter 4

2.1K 97 2
                                    

DARK POISON ROSE SNAKE

Malapit ng dumilim kaya nakapagdesisyon na si Celestine na doon na lamang magpalipas ng gabi. Kung mag-gagala pa siya sa Forest ay maaaring manganib pa ang buhay niya.

Naglabas ng tinapay si Celestine mula sa kanyang interspatial ring, pansamantala niya muna itong pagtitiisan at kung makahanap siya ng karne bukas ay talagang matutuwa siya. Ang mga dala-dalang pagkain ni Celestine ay mga pagkain na hindi madaling masira dahil nasisigurado niya naman na may mahahanap siyang karne sa kanyang paglalakbay.

Nakaubos si Celestine ng dalawang tinapay at tama na ito sa kanya dahil habang naglalakad naman siya kanina papunta dito ay kumakain siya ng mga prutas na nakikita niya.

Madilim sa loob ng kweba at tanging sinag ng buwan mula sa labas ang nagsisilbing ilaw niya. Lubhang mapanganib kung gagawa siya ng apoy dahil maaaring makaakit ito ng mga magical beast. Mas gusto niya ang mag-ingat dahil hindi pa naman siya ganon kalakasan. Oo nga't may nakuha siyang isang 1500 years old magic circle pero hindi pa rin ito sapat kung maraming magical beast ang aatake sa kanya.

Naghanap ng lugar si Celestine kung saan pwedeng mahiga. Nang makahanap siya ay naglatag na si Celestine sa sahig ng isang kumot, pumikit siya at nagpahinga na pero pinakikiramdaman niya pa rin ang paligid dahil baka may umatake sa kanya.

Hindi pa man masyadong sumsikat ang araw ay gising na si Celestine, pinakiramdaman ni Celestine ang labas ng kweba dahil baka mayroong magical beast sa labas at atakihin na lang siya bigla. Mabuti naman ay mga magical beast na may 10 hanggang 100 lamang ang kanyang nararamdaman.

Lumabas na si Celestine at naghanap na pwedeng mainuman. Talaga nga namang sinsuwerte siya dahil malapit sa kanyang kinatatayuan ay may nakita siyang isang maliit na talon. Lumapit siya dito at iniaangat ang kamay at inalapit niya ang kanyang mukha upang makainom.

Inilabas niya mula sa kanyang interspatial ring ang isang lagayan ng tubig para lagyan ng tubig habang naglalakad kasi siya kahapon papunta sa kagubatang ito ay naubos niya ang dala niyang tubig. At ngayon ang problema na lang niya ay maghanap ng karne para makain at maluto ito.

Tamang-tama may nakita siyang mga magical beast na may edad 10 sa kanyang paglalakad, mukhang masarap ang karne ng isang Long Legged Rabbit. Inihanda niya ang kanyang sarili, nagpalabas siya ng mga thorns sa paligid ng kuneho kung sakali mang tumakas ito. Walang pagdadalawang isip na inake niya ito, natamaan naman ang kaawa-awang kuneho.

Nagpalabas siya ng isang kaserola para paglutaan, kumuha na rin siya ng punyal upang gayatin na ang kuneho at kumuha rin siya ng mga pangpalasa.

Ilang minuto niyang niluto ang soup na may karne ng kuneho, nang matapos siya ay agad niya itong nilantakan at sa may kaserola na siya kumain. Kumaha na lamang siya ng kutsara upang maumpisan niya na ang pagkain nito.

Matapos kumain ni Celestine ay nagumpisa na ulit siya sa paglalakbay, masyadong malaki ang kagubatang ito at kailangan niya pang makahanap ng isang magic circle na angkop sa mga thorns niya.

Sa kanyang paglalakad ay nakatagpo siya ng isang maliit na lawa. Natuwa si Celestine sa nakita kaya dali-dali siyang pumunta doon. Napakalinis ng tubig, tanaw niya ang ilalim ng lawa dahil sa linaw nito. May nakikita siyang maliliit na mga magical beast at mga isda.

Pinakiramdaman niya ang paligid kung may malakas ba na magical pero wala, kaya napagpasyahan niyang maligo dito dahil kahapon pa siya walang ligo.

Tinggal na ni Celestine ang kanyang mga damit at ng matapos siya sa pagtagal ay agad siyang lumoblob sa lawa. 'Napakalamig ng tubig at nakakapresko ito sa katawan' saad ni Celestine sa kanyang isip.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon