Chapter 21

3.7K 237 173
                                    

THE NIGHTMARE

Tiningnan nila ang bagong dating na lalaki at nagtaka sila kung bakit pumagitna ito sa kanilang away. Ang akala nila na nagiisa lamang ang lalaki ay hindi pala. Meron pa itong kasamang apat pang lalaki.

"Sino ka?! Anong karapatan mong pumagitna sa aming laban?!" sabi ng lalaking kasamahan ng mga mage.

"Ang laban na ito ay sa pagitan lamang namin bata kaya 'wag ka ng mangialam pa!" sigaw ng mage na may lakas ng 1st star Sky Realm.

"Ang tatlong bandidong may lakas na nasa Sky Realm ay mga mage. Nakakasigurado akong makikilala mo kami kung pagmamasdan mo ang aming hitsura" nakangiting sabi ng naka-itim na robang lalaki.

Tiningnan naman ng tatlong nasa Sky Realm ang mga bagong dating na lalaki. Unti-unti nanlaki ang mga mata ng tatlo at sabay-sabay na itinuro ng mga ito ang mga bagong dating na lalaki.

"I-ikaw ang sixth prince ng Magen Kingdom! At ang mga kasama mo ay nanggaling sa Noble Clan!" gulat na turo ng bandidong may lakas na 1st star Sky Realm sa lalaking nakasuot ng itim na roba.

Nagumiti naman ang mga lalaki ng makilala sila ng mga bandido.

"Huh! Matagal na kaming tumaliwag sa Magen Kingdom kaya hindi niyo kami mapipigilan sa pananakit sa mga batang iyan!" matapang na sabi ng bandidong may lakas na 2nd star Sky Realm.

"Kung ganoon hindi na pala kayo kaanib ng aming kaharian pero dahil mga Mage pa rin kayo ay hahayaan na lang namin kayong umalis at hindi sasaktan" nakangiti pa rin sabi ng sixth prince.

"Huh! At bakit naman kami makikinig sa iyo?" galit na sabi ng bandidong may lakas na 3rd star Sky Realm.

"Kung hindi kayo makikinig sa amin ay mapipilitan kaming saktan kayo. Ang Heavenly Beast Forest ay walang kinabibilangan na kaharian pero mayroong umiiral na batas dito. Ipinagbabawal sa kagubatang ito ang manakit ng kapwa tao at kahit na sino ay pwedeng magpataw ng kaparusahan sa nagkasala" mahabang litanya ng prinsipe.

Natahimik naman ang mga bandido nang maalala nila ang batas ng kagubatang ito. Matagal na silang namumuhay bilang bandido at matagal na rin silang hindi sumusunod sa mga batas. Marami na rin ang tumutugis sa kanila para maparusahan sa mga nagawa nilang mali. Ngunit hindi sila napaparusahan dahil nagtatago sila sa kagubatang ito kung hindi sila makikitang nanakit ng kapwa ay hindi sila pwedeng maparusahan pero iba ngayon dahil may nakakita sa kanila.

"Huh! Tama ka! Maaari mo kaming patawan ng kaparusahan pero sa tingin mo ba magagawa niyo kaming matalo sa kakaunting bilang ninyo?" nakangising sabi ng bandidong may lakas na 3rd star Sky Realm.

"At bakit naman hindi? Kung ako sayo pakiramdaman mo muna ang aming pangkalahatang lakas bago ka maging kompyinsado sa iyong sarili na matatalo mo kami" nakangiting sabi ng sixth prince.

Pinakiramdama ng bawat isang taong nasa lugar na iyon ang lakas ng bagong dating na grupo. Agad nagulat ang mga bandido at ang sampung miyembro ng Solaria Family. Ang grupong ito ay may lakas na 3rd-4th star Magic Expert!

'Siguro ay nasa edad labing-anim o labing-pito ang mga kabataan na ito pero nagawa na agad nilang makatapak sa Magic Expert!' gulat na sabi ng bandidong may lakas na 1st star Sky Realm sa kanyang isip.

'Nanggaling ang mga kabataan sa isa sa tatlong pinakamalakas na kaharian sa kontinenteng ito. Galing din ang mga kabataan sa makapangyarihan na pamilya at ang isa pa nga ay isang prinsipe kaya nakakasigurado ako na naabot nila ang lakas na iyan dahil sa tulong mula sa kanilang pamilya. Tanging sa tatlong malalakas na kaharian lamang matatagpuan ang ganitong klaseng mga kabataan. Ang normal na mamamayan na katulad ko ay namamatay na nakatapak lamang sa Sky Realm pero ang mga kabataang ito ay may malalakas na pamilya sa kanilang likuran kaya't hindi na nakakapagtaka na naabot nila ang Magic Expert. Kahit noong nasa Magen Kingdom pa lamang kami ay normal na makatapak ka sa Sky Realm pero hindi ganun kadaling tumungtong sa Magic Expert at sa mas mataas pa dito. Sa pagtaas ng ranggo ng pangkalahatang lakas ay ang paghirap na makatapak sa susunod na ranggo' sabi ng bandidong may lakas na 2nd star Sky Realm.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon