Chapter 18

1.6K 95 14
                                    

SPEAR GOD

"Mga dating magaaral maaari na kayong umalis!" sigaw ni Headmaster Shen.

Nagsi-alisan naman ang dating mga mag-aaral sa loob ng battle arena. Ang mga bago naman ay pina-iwan dahil pipili ang mga Inner Elders ng kanilang magiging estudyante. Ang mga Inner Elders ay lalapit sa estudyante na kanyang napili.

"Inner Elders, maaari na kayong lumapit sa mga mag-aaral na gusto ninyong maging estudyante" sabi ni Headmaster Shen.

Naglapitan naman ang mga Inner Elders patungo sa isang babae. Gaya ng inaasahan ng mga estudyante, lahat ng mga Inner Elders ay kay Celestine nagsilapitan.

'Sana maging malakas din ako katulad ni Celestine' puno ng inggit na sabi sa isip ng lahat ng estudyante maliban kay Aristelle. Si Aristelle ay natutuwa para sa kanyang kaibigan, nakakaramdam man ng kaunting inggit pero nahihigitan naman ito ng kasiyahan para sa kanyang kaibigan.

Habang ang mga Inner Elders naman ay nagpapakitang gilas kay Celestine para mapili sila nito. Imbis na ang mga Inner Elders ang pumili, ngayon si Celestine na ang pipili ng kanyang magiging guro. Napangiwi naman si Celestine sa ikinikilos ng mga Inner Elders. Tumingin naman siya kay Headmaster Shen para makahingi ng tulong mula dito.

Lumapit naman si Headmaster Shen kay Celestine para tulungan ito sa mga hayok na Inner Elders.

"Tumigil nga kayo!!" sigaw ni Headmaster Shen. Tumigil naman ang mga Inner Elders pero saglit lang at nagumpisa na naman silang magpakitang gilas kay Celestine. Napakamot naman sa ulo si Headmaster Shen at tumingin kay Celestine na parang sinasabi ng kanyang mata na, 'wala na akong magagawa pa'. Si Aristelle naman ay natatawa sa dinanas ni Celestine na hanggang ngayon ay pinapalibutan pa rin.

"Mas nababagay akong maging guro ni Celestine!"

"Ako ang mas nababagay sa kanya! Mas malakas ako kesa sa iyo!"

"Mas matuturuan ko ng mas mabuti si Celestine dahil magaling akong kumontrol ng kapangyarihan kagaya niya!"

"Huh! Wag ka ngang magpatawa! Kayang-kaya din namin kontrolin ang kapangyarihan at mas magaling pa sayo!"

"Celestine, wag kang sumama sa kanila. Masyado silang isip bata para maging guro mo at kung sa kanila ka sasama, wala kang matutunan" mahinahon na sabi ng isang Inner Elder. Sinamaan naman siya ng tingin ng mga Inner Elders.

"Celestine, mas lalong wala kang matutunan sa lalaking iyan!"

"Anong sinabi mo?!"

Nagumpisa na naman ang kaguluhan sa pagitan ng mga Inner Elders. Si Headmaster Shen naman ay tumingin sa mga bagong mag-aaral at ngumiti ng nahihiya dahil sa inaasta ng mga Inner Elders. Ang mga bagong mag-aaral naman ay hindi pa rin makapaniwala sa kilos ng mga Inner Elders dahil narinig nila bago sila pumasok sa loob ng institusyon ang mga ito daw ay palaging seryoso at strikto pero ngayon sa nakikita nila hindi totoo ang sabi-sabi.

"Bakit hindi na lang natin daanin sa palabunutan kung sino ang magiging guro ni Celestine?" suwestyon ng isang Inner Elder.

"Magandang rekomendasyon iyan!" natutuwang sabi ni Headmaster Shen dahil meron ng isang Inner Elder ang nagsabi ng rekomendasyon. Sumang-ayon naman ang mga Inner Elders sa rekomendasyon.

"Pero paano pag-nagkaroon ng dayaan?" tanong ng isa pang Inner Elder. Napangiwi naman si Headmaster sa narinig.

"Oo nga"

"Huh! Kayo lang naman ang madadaya!"

Nagumpisa na naman ang sagutan sa pagitan ng mga Inner Elders. Medyo naiinis naman si Headmaster Shen dahil sa ugali ng mga Inner Elders.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon