Chapter 7

1.8K 91 3
                                    

ANG PALIGSAHAN (2)

Nagpatuloy ang paligsahan para makuha ang posisyon bilang Pinuno ng Solaria Family. Ang natitirang kalahok na lamang ay ang mga anak ng mga Elders, malalakas ang anak ng mga Elders kahit ang nakalaban ng mga ito ay parehas nasa 8th o 9th star Silver Rank.

Sa pagpapatuloy ng paligsahan, nagumpisa na nga ang labanan sa anak ng mga Elders.

Unang naglaban sa anak ng mga Elders ay sina Daichi at Griff. Parehas may lakas na 9th star Silver Rank, si Daichi ay may kapangyarihan na galing sa bituin kaya nitong lumikha ng isang nakakabinging sigaw ng isang dragon. Sa paglikha ng ganung klase ng ingay ay hindi ginagamitan ng bibig, kinukumpas niya lamang ang kanyang mga kamay at kaya niya ng gumawa ng ganung klaseng ingay.

Samantala, si Griff naman ay kayang lasunin o pagalingin ang isang tao sa pamamagitan ng paghawak niya sa isang tao at kaya niya rin pagalingin ang kanyang sarili. Pwede rin naman na ipasa niya ang kanyang kapangyarihan sa isang weapon. Ang kapangyarihan ni Griff ay isa sa mga pambihirang kapangyarihan dahil magkasama na sa isang bituin ang magkaibang kapangyarihan.

Parehas silang isang bituin lang ang kayang magamit pero maaaring matuklasan nila kung paano magagamit ang isa pa nilang bituin. Pangkaraniwan na sa myembro ng Solaria Family na nanggaling ang kapangyarihan sa bituin, na makagamit ng dalawang kapangyarihan ngunit nakadepende sa isang tao kung paano nila matutuklasan ang paggamit ng ikalawang kapangyarihan nila.

Nababatay sa lakas ng isang tao ang magiging epekto sa pinagamitan nito. Halimbawa kung malakas ka ay kaya mong lumikha ng malakas na ingay na aabot ng isang kilometro, ganun din sa pagpapagaling at paglason. Mas malakas ang isang tao, mas malakas ang magiging epekto.

Inilabas na rin ng dalawa ang kanilang magic circle, na magpapadagdag ng lakas nila. Parehas silang mayroong magic circle na may edad 900. Ang magic circle ni Daichi ay kulay light violet samantala si Griff naman ay may magic circle na kulay light green. Ang kanilang dalawang magic circle ang pinaka-malakas na mayroon sila, tinulungan pa sila ng kanilang mga magulang na makahuli ng magical beast. Ang isa pa nilang magic circle ay may edad na 80, wala din naman itong masyadong maitutulong sa laban nila kaya hindi na nila ito ginamit.

Ikinumpas na ni Daichi ang kanyang kamay sa hangin at sunod nito ay isang nakakarinding sigaw ng dragon ang kanilang narinig. Hindi tinatablan si Daichi sa sarili niyang atake pero ang mga nasa paligid niya ay halos magdugo na ang kanilang mga tenga dahil sa ingay.

Agad naman inutusan ni Patriarch Magnus ang mga myembro ng angkan na kayang gumawa ng barrier upang balutan ang entablado. Natigil naman sa pagsigaw ang mga manonood dahil natigil na ang ingay at ang matinding sakit na dulot nito. Naglapitan naman ang mga healer sa mga ito at pinagaling ang mga napinsala.

Samantala, sa loob ng entablado ay nakangising nakatingin si Daichi kay Griff na ngayon ay nakaluhod at hawak hawak ang magkabilang tenga. Dahil sa nakita ni Daichi ang paghihirap ni Griff ay lalo niya pang nilakasan ang kaniyang kapangyarihan.

"Hahahahaha, ano Griff hanggang dyan ka na lang ba?" may panglalait na sabi ni Daichi.

Nagumpisa ng magbitak-bitak ang sahig ng entablado dahil sa lakas ng ingay. Pinilit ni Griff na ikalma ang kanyang sarili at nagisip ng paraan para matalo si Daichi. Nagkukunwari siyang nasasaktan ngunit hindi naman talaga, nakahawak ang mga kamay niya sa kanyang tenga upang pagalingin ito. Naghihintay lang siya ng pagkakataon upang ibaba ni Daichi ang kanyang depensa upang maatake niya na ito.

Lumapit si Daichi sa pwesto ni Griff habang tumatawa. Ang kanilang pagitan ay may dalawang metro pa. Hindi naman maibsan ang tuwa na nadarama ni Daichi sa nakikitang paghihirap ni Griff. Dahan dahan niya na nga ibinaba ang kaniyang depensa.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon