Chapter 5

1.8K 104 2
                                    

ANG PAGBABALIK

Makalipas ang tatlong taon na puro pagsasanay sa loob ng Heavenly Beast Forest, nalibot na ni Celestine ang halos buong kagubatan.

Nakalaban ng mga malalakas na magical beast at umiwas sa mga magical beast na sobrang lakas. May nakita siyang 100,000
years old magical beast, napakalakas nito kaya ang nagawa na lamang niya ay tumakas pero pinapangako niya sa kanyang sarili na babalikan niya ito at kakalabanin pagmay-sapat na siyang lakas para talunin ito.

Lumakas ang pangkalahatang lakas ni Celestine ang dating 9th star Silver Rank ay nagawa niya ng makatungtong sa 6th star Gold Rank. Nakakuha na rin siya ng dalawang panibagong magic circle, parehas itong 10,000 years old magical beast. Hindi ganon kadali ang naging laban, halos isang linggong sumasakit ang buong katawan niya sa pakikipaglaban sa isang 10,000 years old magical beast.

Hindi na katulad dati na mabilis ang pagtaas ng pangkalahatang lakas niya tuwing makakapag-absorb siya ng magic circle. Dalawang 10,000 years old magical beast pero ang nadagdag lang sa lakas niya ay dalawang star. Kaya sa natitirang taon, ay nagpalakas pa siya lalo hanggang marating niya ang kasalukuyang lakas niya.

May nagbago din sa itsura ni Celestine, ang dati niyang pinutol na buhok ay humuba na muli wala siyang nakikita na mga tao sa kagubatan kaya nagdesisyon siyang pahabain ulit ito, nagkahubog ang kanyang katawan pero ang kanyang hinaharap ay parang pader! Hindi man lang ito lumaki at ang mukha niya ay lalong gumanda pero mapagkakamalan pa rin siyang lalaki kung puputulin niya ulit ang buhok dahil parang siyang lalaki na may magandang mukha at payat na pangangatawan.

Ito na ang huling araw niya sa Heavenly Beast Forest at babalik na siya sa Valeria Kingdom. Uumpisahan na niya ang paglalakad pabalik sa Valeria Kingdom para makabalik siya agad.

Kakasikat pa lang ng araw ay naglalakad na siya pabalik. Gusto niya ng makita ang kanyang angkan at makakain ulit ng parang wala na bukas. Nanabik na si Celestine makita ang mga myembro ng Solaria Family, ang mga Elders at ang kanyang minamahal na ama. Ganun na din sa kaniyang ina, tatlong taon siyang hindi nakakadalaw dito.

Sa kanyang paglalakad ay may humarang sa kanyang mga kalalakihan, may suot ang mga ito ng purong itim na damit. Agad naalerto si Celestine at kinalma ang sarili na parang wala lang sa kanya ang presensya ng mga ito. Ang mga ito ay may lakas na nasa Silver Rank, ang dalawa sa mga ito ay may lakas na 6th star Silver Rank at tatlo ay may lakas na 4th star Silver Rank.

Itinago niya ang kanyang presensya upang hindi maramdaman ng mga ito ang totoo niyang lakas. Natutunan niya ito sa pakikipagsapalaran sa loob ng kagubatan dahil kung palaging nakalabas ang kanyang presensya ay aatakihin siya ng mga magical beast.

"Binibini, mukang nag-iisa ka sa mapanganib na lugar na ito" sabi ng isang lalaki na may ngisi sa labi.

"Oo, mag-isa lang ako may problema ba doon mga ginoo?" seryosong sabi ni Celestine.

"Mukhang matapang ka bata. Ibigay mo na lang sa amin yang interspatial ring na suot mo at hindi ka namin sasaktan"

"Hmmp, wala kayong karapatan na kunin ang pagmamay-ari ng ibang tao" napahalakhak naman ang mga kalalakihan.

"Kung ganoon pasensyahan na lamang tayo"

Sumugod ang lalaki matapos pahabain ang mga matatalas na kuko nito. Hindi kumilos si Celestine at hinintay na makalapit ang lalaking may lakas na 4th star Silver Rank.

Napansin naman ng lalaki na walang epekto ang kanyang pinamalas na kapangyarihan kaya medyo nainis siya at mabilis na tumakbo patungo kay Celestine. Nang makalapit na ang lalaki ay pinang-atake niya ang kanyang mga kuko.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon