Chapter 14

1.6K 91 5
                                    

ANG PAGKAMATAY

BOOM!!!

Malakas na pagsabog dahil sa atake ng mga pinsan ni Celestine at napuno ng usok ang lugar kung saan sila nagduelo. Unti-unti nawala ang usok na dulot ng laban. Nang mawala na ng tuluyang ang usok makikita ang pagkabuwal ng ilang mga puno sa paligid kung saan tumama ang atake ng mga pinsan ni Celestine at nagkaroon din ng butas sa kinatatayuan kanina ni Celestine.

Samantala, si Celestine naman ay nakasakay sa kanyang panangga at nababalot siya ng baluti. Ang kanyang baluti na gawa sa lima niyang panangga ay tinatawag na Defense Battle Armor. Ang isa sa mga skills ni Celestine sa kanyang kapangyarihan na panangga. Higit itong mas malakas kesa Poison Thorns Armor na isa sa skills niya sa kaniyang kapangyarihan na Poison Thorns. Ang baluti ay makintab at para itong gawa sa matibay na metal. May disensyong gintong bituin sa magkabilang balikat ng baluti. Di katulad ng helmet sa kanyang Poison Thorns Armor na balot na balot ang mukha at tanging sa may mata lamang ang may butas, ang sa may Defense Battle Armor naman ay makikita ang buong mukha ni Celestine pero natatakluban ang ibabaw ng ulo, ang gilid at likod ng ulo ni Celestine ay nababalot ng baluti. Ang ibabaw naman ng helmet ay may disensyong bituin na kulay gitno.

Inaasahan na ng magpipinsan na hindi nila mapapabagsak si Celestine pero ang hindi nila inaasahan ay wala man lang itong sugat sa katawan at pati na rin kahit gasgas man lang sa baluti ay wala. Nakita naman nila ang nakangising labi ni Celestine na tila nang-aasar dahil ni hindi man lang nagkaroon ng epekto sa kanya.

Lumiwanag ang hawak ni Celestine na spear at ng mawala ang liwanag ay puno na ito ng tinik maliban na lamang sa hinahawakan ni Celestine. Kung saan hahawak si Celestine sa spear ay doon mawawala ang mga tinik at pagtinanggal naman ni Celestine ang kanyang kamay ay mupupuno ng tinik ang pinaghahawakan nito kanina.

Inihagis ni Celestine ang kanyang spear patungo sa kinaroroonan ng kanyang mga pinsan. Napakabilis ng paglipad ng spear patungo sa kanyang mga pinsan. Nagulat naman sina Daichi dahil napakabilis ng spear at hindi na nila magagawa pang makailag mula dito. Ang tangi na lamang nilang magagawa ay gumawa ng harang.

Hard Branch Dome!!

Dark Iron Shield!!

Sigaw nina Xian at Mei, gumamit sila ng skills na pangdepensa. Ang skill na ginamit ni Xian ay binalutan ng skill ni Mei.

Nakarinig naman sila ng malakas na impact sa ginawang harang nina Xian at Mei. Akala nila ay tapos na pero nagulat sila ng makarinig sila ng sunod-sunod na pagtama ng kung ano mang bagay. Kung ano man ang bagay na iyon ay unti-unti na nitong sinisira ang kanilang harang.

Nabahala naman sila kaya nagsambit din si Mytire ng isang skill para dumepensa. Ang ginamit niyang skill ay Ice Crystal Barrier!!. Tuluyan ng nasira ang harang na binuo nina Xian at Mei, ngayon nakikita na nila ang kung ano mang bagay na sumira sa kanilang ginawang harang.

Napakaraming maliliit na thorns ang tumatama ngayon sa barrier na ginawa ni Mytire. Ang mga maliliit na tinik ay nanggaling sa spear na ibinato sa kanila ni Celestine dahil sa dami ng maliliit na thorns hindi na nila makita kung nasaan si Celestine.

Nagkaroon na ng bitak ang makapal na yelo na bumabalot kila Mytire. Kung isang tinik lang ito ay hindi nito magagasgasan ang barrier na ginawa ni Mytire pero ang mga tinik ay patuloy pa rin sa paglabas mula sa spear at parang wala na itong katapusan sa dami.

Malapit ng masira ang barrier ni Mytire pero nagtaka sila ng tumigil sa pagtama ang mga tinik pero isang bumubulusok na bagay naman galing sa gilid nila ang papalapit. Ang bagay na ito ay ang punyal ni Celestine na ginamit niya kanina sa pakikipaglaban kay Mytire. Nang tumama na ang punyal sa barrier ay tuluyan na itong nasira.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon