Chapter 17

1.6K 103 11
                                    

ROYAL CLAN V.S. NOBLE CLAN

"Mabuti pa nga na ngayon natin isagawa ang duelo sa pagitan natin para maipamukha ko sa iyo na napakahina mo at maipakita sa lahat na mahina ang bagong pinuno ng Solaria Family" nangiinsulto na sabi ni Aries.

Hindi naman umimik pa si Celestine at si Aries naman ay pigil na pigil ang galit ng hindi siya pansinin ni Celestine.

"Kung ganoon isasagawa ang duelo sa pagitan niyo Celestine at Aries sa loob ng battle arena"

Naglakad na ang mga Inner Elders, Headmaster Shen at ang mga taong nakapasa sa pagsusulit kasama na dito sina Celestine papuntang battle arena. Nang makarating sila sa loob ay namangha sila sa laki ng battle arena pero akala nila ay sila lang ang tao ay nagkamali sila dahil sa mga oras na iyon ay may ginanap din na duelo sa pagitan ng dalawang estudyante ng Inner Elders.

Kung hindi ngayon araw ang eksaminasyon para makapasok sa loob ng institusyon, siguro lahat ng Inner Elders at si Headmaster Shen ay nandidito para mapanuod ang duelo ng dalawang estudyante. Legal sa institusyon ang mga ganitong duelo sa pagitan ng mga magaaral pero kailangan ng pahintulot mula kay Headmaster Shen.

Akala ng mga taong nakapasa sa eksaminasyon ay makakapanood sila ng laban sa pagitan ng dalawang estudyante mula sa institusyon ay muli silang nagkamali dahil katatapos lamang ng laban nung dumating sila sa battle arena. Naglakad naman ang mga Inner Elders at si Headmaster Shen papunta sa may pataas na bahagi kung saan madalas umupo ang mga matataas na tao tuwing nanonood ng laban.

Ang mga taong nakapasa naman ay kanya-kanyang hanap ng mauupuan. Samantala si Aries, si Aristelle at pati na rin si Celestine ay hindi na naghanap ng mauupuan. Nagtaka naman ang mga dati ng magaaral sa institusyon kung bakit nandoon ang mga baguhan dahil sa pagkakatanda nila ay hindi sila dinala ng pamunuan ng institusyon sa loob ng battle arena.

Inagaw naman ng isang Inner Elder ang atensyon ng tao sa loob ng battle arena dahil may sasabihin si Headmaster Shen.

"Sa mga dating magaaral ng institusyon na ito, alam ninyo na hindi ganun kahigpit ang pamunuan ng institusyon sa mga duelo na makakatulong na lutasin ang mga hindi pagkakaunawaan ng dalawang estudyante. Ngayon ay magiging saksi kayo sa gaganaping laban sa pagitan ni Celestine Staria at Aries Baggamond. Sa mga bagong magaaral sa institusyon na ito ay gusto kong malaman niyo ang mga batas sa duelo na ginaganap dito. Una, matatalo mo lamang ang iyong kalaban kung mawawalan ito ng malay. Pangalawa, maaari ring matalo mo ang iyong kalaban kung susuko ito at Pangatlo, kung malalaglag ito sa entablado. May panghuli pa pala, wag na wag kayong papatay ng kapwa niyo estudyante. Iyon lamang ang inyong dapat matutunan. Maaari na natin umpisahan ang duelo" mahabang litanya na sa ni Headmaster Shen.

Sinabihan naman ni Aristelle si Celestine na magiingat sa gaganaping duelo, pagtango lamang ang ginawa ni Celestine at nagpatuloy sa paglalakad kasabay si Aries. Bago pa man sila makarating sa entablado ay humarang ang isang lalaki sa harap nila at napagalaman ni Celestine na pinsan pala ito ni Aries. Hindi naman siya nagbigay interes pa at nagpatuloy sa paglalakad. Naghintay naman si Celestine ng ilang minuto bago makadating si Aries, tiningnan naman siya ni Aries ng may panguuyam na tingin. Pinatili naman ni Celestine ang walang ekspresyon niyang mukha.

"Umpisahan na ang duelo!!!" sigaw ni Headmaster Shen.

"Tatapusin ko na agad ang laban na ito sa isang tira lang" puno ng kumpyansa na sabi ni Aries. Hindi naman pinasin ni Celestine ang sinabi ni Aries.

Lumabas ang limang magic circle ni Aries, nagtaka naman ang mga manonood dahil umpisa pa lang ay inilabas na ni Aries ang kanyang mga magic circle. Unti-unti na rin nagiba ang anyo ni Aries, nagkaroon siya ng mga kaliskis at kuko ng isang dragon sa kanan niyang kamay pero sa kaliwa ay kuko lamang ang lumabas hindi kasama ang mga kaliskis, nagkaroon rin ng kaliskis ng dragon sa kaliwang parte ng mukha ni Aries. Nagkaroon din siya ng dalawang pakpak pero maliit ang nasa kanan at malaki naman ang nasa kaliwa. Sa unang tingin pa lamang ay masasabi na hindi pa perpekto ang manifestation ng dragon pero sa edad ni Aries na labing-anim ay mas talentado siya kesa sa ibang mga pinsan niya na ang tanging kayang maipalabas ay kuko at kaliskis lamang.

Battle Empress: CelestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon