Compensation! (a Realtalk Rant)

9 0 0
                                    

REALTALK: Clearly, wala tayo sa radar ng mga pulitiko. Why? Obviously we are not a threat to them, at napapakinabangan lang naman nila tayo minsan, kapag may election.

Another reason? We are the sort of people that society sees as the one "easily abused" simply because we act and say things always in a "noble way". Puro tayo euphemism, wala tayong iisang boses, at paiba iba tayo ng sinasabi.

Case in point; walang masama sa pagiging noble o marangal, kasi bahagi iyon ng katauhan natin. But in saying for example, na secondary lang ang salary, at serbisyo ang dapat unahin, such pronouncements accomplishes nothing.

Oo this is true, this is very true, ngunit sasabihin ng mga pulitiko, "bayani naman pala ang mga ito at kikilos nang katiting ang compensation. So let us let them be." One repercussion here is societal abuse in a subtle level because they perceive na "dahil ganito tayo at walang reklamo, e kaya naman pala natin kung ano ang mga ibabato sa atin kahit labis labis na."

REALTALK HERE. KAILANGAN NATIN NG DAGDAG NA COMPENSATION, SAHOD, PAGKALINGA, AT RESPETO BECAUSE WE DESERVE IT! Ang pagiging marangal natin mismo is exactly why we deserve it. Hindi masamang humiling ng isang himala, but we have to say it honestly, wag nang mag SUGAR COATING. HINDI NAIINTINDIHAN NG MGA PULITIKO AT NG DBM ANG SUGAR COATING NA ALAM NATIN.

Ang isang problema sa hanay natin, e walang iisang boses at pagkilos. Kapag may dumaing sa sobrang sakit, e kakastiguhin pa ng ibang mga pinuno natin. Buti na lamang at may isang pinuno o ama sa aming hanay o paaralan na kapag may karaingan, tiyak na may tapik sa balikat at mga pananalitang magtutulak sa iyo na magpatuloy sa laban.

Bilib ako sa ibang mga pinuno sa ating hanay na alam ang ating kakulangan, at ang ating mga ipinaglalaban. Bilib ako sa mga pinuno nakauunawa na tayo ay tao ring mararangal, na dapat bigyan ng karampatang parangal na di lamang nakaaangat ng kaluluwa ngunit nakabubuhay ng pamilya. Nakatutuwa ang vision ng ating Pangulo, ngunit marami pang kakaining bigas.

Oo, marami pa tayong kakaining bigas, pero sa DBM, ito ang masasabi ko:

"Hindi kami kumakain ng bigas, isinasaing muna namin; at kailangan din namin ng ulam at inumin."

#KungWalaSaRadarPalakasinAngSignal

Mga Bungang Isip ni Christopher ZoloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon