Dasal ng Mag-aaral (salin ng Student's Prayer)

108 1 0
                                    

Dasal ng Mag-aaral

(Salin ni Christopher S. Alonzo, nirebisa)

        Bro, nagpapasalamat po ako sa pagbibigay niyo sa akin ng pagkakataong makapag-aral habang marami po sa amin ang hindi pinalad. Tulungan po ninyo akong gampanan nang buong husay ang anumang gawain. Pagpalain n'yo po ang aking isipan upang aking matimbang nang tama ang oras ng pag-aaral at paglalaro. Tulungan n'yo po akong isantabi ang mga agam-agam upang mapagtuunang pansin nang mabuti ang mga pagsusulit. Huwag n'yo po akong ipahintulot sa masasamang gawain tulad ng kadayaan, at pagsubok ng madali ngunit likong pamamaraan makamit lamang ang aking mithiin.

        Sa halip, gabayan n'yo po ako upang matanggap sa aking sarili ang katotohanang walang madaling paraan sa mga bagay-bagay. Nawa'y palagi kong pahalagahan ang mga kaalaman at gintong aral na ibinabahagi sa amin ng mga Guro, at nang sa gayon ay mapahalagahan din naman ng buong puso ang kanilang mga paghihirap at pag-aalala sa aming kapakanan.

        Gabayan po ninyo ako upang lubos na matutunan ang mga aral ng buhay- ang tahakin ang tamang daan, at mabuhay di lamang para sa aking sarili, kundi para rin sa aking kapwa.

Amen.

Mga Bungang Isip ni Christopher ZoloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon