Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno (Humanistic na rebisyon ni) C. Alonzo

1 0 0
                                    

Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno
(Humanistic na rebisyon ni) C. Alonzo

Ako’y kawani ng Gobyerno, tungkulin ko ang maglingkod nang tapat, mahusay, at makatao sa lahat ng pagkakataon.
Dahil dito, ako’y papasok sa tamang oras at magtatrabaho nang sapat na oras para sa aking pamilya, sa aking sarili, at para sa bayan; magsisilbi ako nang magalang at naaayon sa tamang panahon sa lahat ng nangangailangan; pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangakapan at iba pang pag-aari ng pamahalaan; magiging pantay, makatarungan, at makatao ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan; Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala;
Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan; Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol; Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan (kung kinakailangan) upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas.

Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno, at tungkulin ko ang maglingkod nang tapat, makatao, at mahusay sa bayan ko at sa panahong ito; ako at ang aking mga kapwa kawani ay labis na mahalaga sa ating lipunan, tungo sa isang maunlad, masagana at mapayapang Pilipinas, kung kaya't nararapat tumanggap ng tamang benepisyo ayon sa inilaang serbisyo.

Sa harap ninyong lahat, ako’y taos-pusong nanunumpa.

Mga Bungang Isip ni Christopher ZoloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon