HAYAHAY

3 0 0
                                    

HAYAHAY

Christopher S. Alonzo
Oktubre 11, 2022

Sa umpukan ng mga pagal na puso,
Makaminsan nga ay naulinigan ko,
Mga salitang nagpakulo ng dugo -
"Matagal daw na hayahay", mga Guro!?

Sa dal'wang taon daw kasi ng Pandemya,
Nasa bahay lamang itong mga Maestra;
Kapiling ang kanilang mga pamilya,
Minsan lamang sa paaralan pumunta.

Kung ang kasinungalingang tulad nito,
Ay nagmula sa taga-Departamento,
Mga taga-sangay, o taga-Distrito....
E tila yata nabubulagan kayo!

Diba't mga utos, nanggaling sa inyo?
Inabuso ang oras sa patrabaho,
Oras nila sa tahanan, ninakaw nyo!
Sariling pamilya'y di maasikaso!

Umiiyak na, sariling mga anak,
Ang hilig nyo pang magpa-pasa ng ASAP!
IDLAR dito, WHLP, Modyul doon,
Sa araw-araw na ginawa ng Poon!

Tambak na GCs, at video conferencing,
Kahit mga estudyante'y di kapiling....
Kahit hatinggabi nga'y kumukuliling,
Computers at telepono, tumatambling.

Di na nirespeto ang kanilang oras,
Palaging puyat at walang mga lakas...
May mga nagkasakit, nagpatiwakal...
Napudpod ang kanilang estadong mental.

Akala ng lipunan, sila'y masaya,
Nguni't sila'y binaliw nitong Pandemya!
Diba't nararapat nama'y pagkalinga?
Katiting man lang na pagpapahalaga?

Ngayon kung sa tingin mo'y walang ginawa,
Kaming mga Guro nito ngang Pandemya,
Umalis ka na't baka isupalpal ko -
Sa pagmumukha mo, lahat ng IDLAR ko!

[Note: Bungang-isip mula sa tunay na pangyayari at masinsinang pag-uusap ng may akda at ng kanyang kaibigan na si G. Galang]

Mga Bungang Isip ni Christopher ZoloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon