Chris' New Normal Tech Tips Vol. 3

2 0 0
                                    

Chris' New Normal Tech Tips

Note: This contains my series of posts on New Normal Tech Tips on DepEd Tayo Sta. Rita ES Facebook Page. Hahatiin po ito sa 3 bahagi dahil sa dami ng posts, at upang hindi po maa-overwhelm ang mga bumabasa.

*** ***

Chris' New Normal Tech Tip #17:

"If something is too good to be true, it probably is."

Nakakita ka ng i5 laptop na 15k brand new sa Lazada o sa Facebook naniwala ka agad? HINDI YON TOTOO! Karamihan sa mga yan SCAM! Ang bawat item na electronics tulad nyan ay may difference lang na up to 3k up or down from a relative common market price provided na hindi luma ang mga ito. At kung luma naman ang item up to 5 years hindi pa rin ito ibebenta ng less than half the price (sa Lazada o Facebook Marketplace man) ng bagong modelo unless kakilala mo ang nagbebenta at sadyang gipit lang, may bago nang nabili, o may issue na or slight degradation ang unit.

Tip:
1. Always check the relative price.
2. Tiyakin na legit ang seller.
3. Wag mag-transact ng anumang item na higit sa 10k nang walang COD option at huwag pumayag na di bubuksan ang item pagka-deliver.
4. Never transact outside of Lazada or Shopee if the product listing originated there.

Chris' New Normal Tech Tip #18:

Alam na siguro into ng mga tech enthusiast mula pa sa nagdaang dekada, pero kung mahilig kang mag-adjust ng settings sa Windows, mayroon itong hidden "god mode" folder kung saan ang Windows ay may centralized Control Panel sa lahat ng OS settings.

Galing no? To enter this mode, mag-create ng folder at i-rename nang ganito (copy and paste it):

God Mode.{ED7BA470-8E54-465E-825C-99712043E01C}. (huwag kalimutan ang string, importante ito), magiging settings folder ito at magagawa mo nang i-adjust ang mga gusto mo. 😊

Chris' New Normal Tech Tip #19:

Nagkamali ka ba ng pindot sa Windows computer mo at may di inaasahang nangyari, o nabura?

I-Undo mo yan! Pindutin mo ang Ctrl + Z! Ito ang ultimate hot key ng mga typist sa computer, pero hindi lamang pang-typing ito. Kung may na-delete o na-move ka nang di sinasadya, pindutin ang Ctrl + Z para ibalik lahat sa dati.

Pwede mo ring pindutin ang Ctrl + Y para mag-redo. 😊

Chris' New Normal Tech Tip #20:

Nakakita ka ba ng murang flash drive o memory card sa Lazada or Shopee na 1TB or 2TB ang capacity? Tiyak na PEKE yan! Oo nga gumagana, oo nga nakakapag-save, pero malamang ang available capacity nya lang talaga ay between 1GB to 4GB, swerte mo na kung makapag-lagay ka pa ng higit 8GB of files dyan nang hindi nako-corrupt!

You may ask, meron bang totoong 2TB na flash drive? Opo, meron, at ang presyo nito ay $1,265 o ₱78,390! Hindi ₱1200 at lalong hindi ₱700!

Sa susunod na issue ay ituturo naman dito kung paano malaman o ma-testing kung tunay ba o peke ang capacity ng flash drive o memory card na nabili nyo.

Chris' New Normal Tech Tip #21:

Disclaimer: Ang DepEd Tayo Sta. Rita ES ay hindi responsable sa anumang damage o pagkawala ng files sa memory card o flash drive mo nang dahil sa hindi maayos na pagsunod sa mga hakbang na nakasulat sa ibaba. Gayundin, ang gumawa ng post ay kusang-loob na itinuro ang mga hakbang at di binayaran ng anumang developer; wala ring kaugnayan ang developer ng program na ginamit sa post tip na ito sa DepEd Tayo SRES.

Narito ang ilang hakbang upang i-test ang flash drive o memory card mo kung TOTOO ba ang capacity nito o PEKE.

METHOD 1 - Punuin mo ang flash drive ng kabuuang nakasaad na capacity nito at itesting ang bawat file kung hindi corrupted.
Ang method na ito ay time-consuming lalo na kung NAPAKALAKI ng capacity ng flash drive mo, ngunit masisiguro mo ang integrity ng memory device this way. One good way is kumuha ng malaking video file, i-rename ito as FILE, at kopyahin ng paulit-ulit (copy, paste to same directory) hanggang sa mapuno ang memory capacity ng device na tinetesting mo.

METHOD 2 - Gumamit ng computer program katulad ng FakeFlashTest
1. I-download ang program sa www.rmprepusb.com
2. TIYAKING WALANG LAMAN ANG FLASH DRIVE O MEMORY CARD MO BAGO MAGPATULOY.
3. I-run ang program. Kapag hindi lumitaw ang flash drive/memory card, lagyan ng check ang list all drives.
4. Piliin ang memory device na ite-test mo. TIYAKIN NA TAMA ANG PINILI AT HINDI ANG IBANG MEMORY DEVICE NA MAAARING NAKAKABIT PA SA COMPUTER MO.
5. Pindutin ang QUICK SIZE TEST (Destructive) at hintaying matapos ang buong proseso.
6. Kapag lumitaw ang "PASSED". Congrats, matino o original ang flash drive/memory card mo. Kapag "FAILED", e alam mo na.
(7). Maaari ring isagawa ang "Test Empty Space (Slow)". Katulad din ito ng METHOD 1, pero mas automated ang proseso. 😉

Sa puntong ito, maaari mo nang i-format at gamitin ang flash drive/memory card mo.

Chris' New Normal Tech Tip #22:

Heto ang sitwasyon, hiniling mo sa kaibigan mo na padalhan ka ng mga pictures, kaso nilagay nya lahat sa isang Microsoft Word file!

Kung tinatamad kang buksan ang Word file at nakakapagod mag-scroll down para lang hanapin ang picture na gusto mo sa napakaraming naroon, ito ang magic:

PALITAN ANG FILENAME EXTENSION MULA SA .docx AT GAWIN ITONG .zip, TAPOS BUKSAN MO ANG FILE! 😊

Makikita mo lahat ng pictures sa isa sa mga folders/directories. 😉

Chris' New Normal Tech Tip #23:

May mga charging cable ka ba na luma at malapit nang masira dahil natutunaw na ang rubber/resin covering nito? Kung wala ka pang pampalit, here is what you should do.

1. Maghanap ng non-alcoholic cleanser (maaaring oil based tulad ng tea tree oil, huwag detergent) at talcum powder (Johnsons o kahit anong baby powder).
2. Linisin muna ang rubber/resin covering gamit ang non-alcoholic cleanser. Tanggalin ang dirt residue dahil pinabibilis ng mga ito ang decomposition ng rubber o resin material.
3. Tukuyin ang malalambot at parang natutunaw na parte ng covering at dito mag-concentrate sa pagpapahid ng talcum powder. Gamit ang basahan na may pulbos, padaanan ang buong covering.

Pansamantala nitong mapipigilan ang decomposition ng resin/rubber material. Isipin nga lang na sa darating na madaling panahon, kakailanganin mo na ring maghanap ng kapalit na kable o charger.

Chris' New Normal Tech Tip #24:

Ctrl + Alt + Delete - isa ito sa pinakamahalagang shortcut key na alam dapat ng kahit sinong computer users. Ginagamit ito para instantly buksan ang Task Manager.

Kailangan mong gamitin ang Task Manager sa mga pagkakatanong may program na nag-hang o naging unresponsive.

Sa ibang pagkakataon naman magagamit mo ang Ctrl + Alt + Delete para ma-interrupt ang naka-open na program at the moment. Kapag natukoy mo na ang system process halimbawa na nagdulot ng pag-crash ng Windows mo, hindi mo na kailangan mag-restart ng PC.

Mga Bungang Isip ni Christopher ZoloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon