Faithful: 6

2.5K 60 9
                                    

Enjoy :)))))

⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜

Ash

At night I was busy thinking about how to tell the truth to my twins and to my friend Hailey. I don't know where to start. Hindi ko rin alam kung kanino ko unang sasabihin ang totoo.

Natatakot ako sa posibilidad na maaari akong kamuhian ng mga anak ko sa pag sisinungaling ko sa kanila. And that's the least thing I wanted to happen. Kailangan ko ang mga anak ko para mag patuloy sa buhay. Because my twins is all I ever have right now. At baka mabaliw ako kung pati sila ay lalayo sa akin.

I may even break Hailey's trust. She's my new found friend and I don't wanna loose her also.

I woke up with a bit of a headache. Kinulang na ako sa tulog sa kaiisip kung paano ko nga ba masasabi sa kanila ang totoo.

Bumangon na lamang ako at sinawalang bahala ang kumikirot kong ulo. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Wala akong schedule ngayong araw na ito. Kaya naisipan ko na lamang na lumabas. Pakiramdam ko kasi ay mababaliw ako kapag nanatili pa akong walang kasama sa bahay na ito.

I hop in my car and drove to nowhere. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Basta ang alam ko lang ay gusto ko munang huminga. That's when I found my self on a beach resort. I rented one house there upang manatili muna doon. Wala akong ni isang gamit na dala. Not that I needed that though. I just...wanted to breath for a while.

Pagkarating ko sa loob ng bahay ay agad akong nag tungo sa kwarto. I chose the house away from other, this house is nearly at the edge of the resort, katabi nito ay isang maliit na swimming pool na kalimitan lamang pinupuntahan ng mga tao dahil nga sa malayo ito. But the pool has a great view indeed.

Pag pasok ko ng kwarto ay agad kong isinuot ang bikini na nabili ko sa nadaanang shop. Bumili na rin ako ng maong shorts para pantakip pansamantala ng aking ibaba. Itinabi ko ang damit kong suot kanina. Masusuot ko pa ito bukas.

Agad ay lumabas na ako ng bahay. As I got out of the house, I was greeted by the salty wind. It is kinda refreshing. Making me want to just stay here for a little while longer.

Naghanap ako kaagad ng makakainan dahil hindi pa pala ako nang uumagahan. I nearly regretted choosing that house, dahil sa layo nito ay mahaba pa ang nilakad ko, idagdag mo pa ang init ng araw na nag padagdag sa pagod ko. Mabuti na lamang at mayroong maliit na para bang karinderya dito. I didn't care if it's not that classy, all I know is that I can smell their freaking food that makes my tummy even more angrier.

Pagka-upo ko sa isa nilang mesa ay mayroon kaagad na nag bigay serbisyo sa akin.

"Ano hong order niyo ma'am?", Sabi nito sabay abot sa akin ng maliit nilang menu.

I was so glad to read their menu. Talaga ngang karinderya lamang ito. Lahat kasi ng nasa menu ay lutong bahay, hindi tulad ng mga iba na halos mabulol ka na sa kababasa'y hindi mo pa rin alam kung anong luto ito.

"Fried rice and sunny side up egg. Tapos halo-halo for dessert and water nalang please."

"Ok po ma'am. Salamat", sabi nito habang abala na nag susulat sa maliit nitong notebook. Pagkatapos niyang mag sulat ay agad na rin siyang umalis hawak ang maliit na menu na ibinigay nito sa akin kanina.

Habang nag hihintay ay nag muni-muni muna ako sa aking paligid. Kahit maliit lang ang karinderyang ito ay makikita mo pa ring dinarayo ito ng mga tao, kahit na malayo ito sa iba. The small eatery is made out of bamboo woods. Pilipinong-pilipino ang dating. May maliliit din na light bulb na nakapalibot sa bubong nito which is made out of dried nippa leaves.

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon