Ash
"Manang pwede ko po bang makita ang sulat?"
Kinakabahan na ako. Nanlalamig na ang mga palad ko. Siguro naman ay may inilagay doon na pangalan ng ama ni Reinessa si Vannessa hindi ba? I want to know, hindi ako mapapakali kung ngayon ay hindi ko pa malalaman! Ever since that day ay bihira ko nang makita si Rein! Since hindi pa ako napupunta sa agency ay hindi ko talaga siya makikita gayong iniiwasan ata ako ng lalaking iyon.
But his possible child is in front of me! Hindi ako pwedeng mag lay-low dito at hayaang hindi niya malaman ang lahat ng ito!
Ayokong gawin sa kaniya ang ginawa ko kay Timothy kung mapapatunayan ko na anak nga niya si Nessa. I saw how broken Timothy was, and I can't afford to see my friend as broken as Timothy. Hangga't maaari, hangga't maaga pa, he needs to know that he has a child.
"Nasa kwarto ko iyon iha. At nakatago sa cabinet kung saan hindi makikita ng apo ko."
"Then do you know who's her father, Manang?"
Umiling ang matanda sa tanong ko.
"Hindi ko alam iha. Walang sinasabi sa akin noon ang anak ko. Inilihim niya sa aking ang lahat, kung hindi lang siya umuwi noon dahil sa nabuntis siya ay hindi ko pa malalaman na nabuntis siya."
Mas lalong tumitindi ang pag-hihinala ko dahil sa mga sinasabi ni manang.
"Pwede ko po bang mabasa ang sulat Manang?"
Kumunot ang noo ni Manang Leticia. Siguro ay nagtataka na kung bakit napaka agresibo ko sa bagay na tungkol dito.
Ayoko sanang makielam, pero kaibigan ko Rein. At nasa harap ko ngayon ay posibleng anak niya.
"Manang I need to know. Manang you can't hide her from her father. Ginawa ko iyon kay Timothy noon, itinago ko sa kaniya ang kambal at dahil sa ginawa ko, nasaktan ko siya ng sobra-sobra Manang. And not for long, pagka nagka-isip na si Nessa ay hahanapin niya ang ama niya. Mahirap iyon Manang."
Tumigas ang ekspresyon ni Manang Leticia. Pabalang itong tumayo at inilayo sa paningin ko si Nessa na tila ba kukunin ko ito papalayo sa kaniya.
"Hindi! Tama lamang iyon sa kaniya! Mabuti nang masaktan din siya para hindi lang ang anak ko ang nagdusa! Hindi niya alam ang hirap na dinanas ng anak ko dahil sa kaniya! Kung ilang gabi itong umiyak dahil sa kaniya! Wala siyang karapatan sa apo gayong hindi niya pinanagutan ang anak ko!"
Tumulo ang masagana nitong mga luha sa kaniyang mga mata. I can't help but to cry seeing her like this. Anong nangyari? Bakit ka naging ganinto Manang? She's vengeful. A vengeful heart is so hard to soften. Masakit ang nangyari kay Manang, naiintindihan ko iyon. Siguro nga ay hindi na dapat pa ako makielam.
Manang needs us, manang needs me. Hindi ko siya pwedeng biguin gayong hindi ko na siya nagawang tulungan noon.
"M-manang. Pasensya na po. B-baka nagkamali lang ako. A-ang mabuti pa, kumain na tayo?"
Bumuntong hininga si Manang.
"Mag papahangin na muna ako sa labas iha. Maiwan na muna kita."
Bit-bit si Nessa sa kanyang braso ay lumakad na ito papalayo sa akin. I sighed. Hindi na dapat ako mangielam pa. Pero paano kung tama ang hinala ko? Paano kung anak nga ni Rein si Nessa? Hindi ko naman pwedeng hayaang ganoon na lang iyon! His features are visible in Nessa's face! Halos lahat ay kuha sa kaniya! Mukha niya ang makikita sa unang tingin pa lamang kay Nessa. You can already tell that she's his daughter.
Kumain na ako ng tahimik. Pagkatapos kong kumain ay hinandaan ko na ng makakain ang kambal at nilagay ito sa isang tray.
Naglakad na ako pataas, sa paglalakad ko ay malalagpasan ko ang kwarto nila Manang Leticia. Huminto ako sa tapat ng pinto nito at napatitig na lamang sa nakasarang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/180226992-288-k447560.jpg)
BINABASA MO ANG
Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)
RomanceBook 2 of My Unfaithful Wife Please read the book one first before reading this one thank you!!! ******* I have hurt you so many times And I swear just come back to me And I will be Faithfully Yours Just as how I should've been before....