Faithful: 26

2.3K 50 6
                                    


Important!!!!

My beloveds I have decided to give the second generation a shot!!! Isn't that amazing!? Yes! Mag papakahirap ulit akong mag kwento para lamang sa inyong lahat dahil mahal ko kayooooo!!!

Pagkatapos nito ay i-re-release ko na
siya ;)

Enjoooyy! ;*

️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Ash

I pulled over the car nang mamarating na kami sa garahe ng bahay nila tita Talitha. Pinatay ko na ang engine ng sasakyan saka napatingin sa labas at nakita doon si ate Tiana na tumatakbo na ngayon papunta sa amin.

Bigla ay kinabahan ako. Naalala ko ang sabi sa akin ni Freya na galit ito sa akin ngayon dahil sa ginawa kong pang-iiwan kay Timothy. Hindi ko ito masisisi. Maybe if I just had a brother or sister I'd do the same. Magagalit din ako sa taong mananakit dito. Ang hindi ko alam ngayon ay kung paano ko pakikisamahan si ate Tiana ngayong galit ito sa akin.

I sighed, well, ang gusto ko na lamang ngayon ay ang humingi ng tawad dito. It's ok kung pipiliin nitong hindi ako patawarin. Naiintindihan ko iyon.

Nagbalik ang aking isip nang may mainit na kamay ang humawak sa aking nanlalamig na kamay. Hinarap ko si Timothy at nakita kong may ngiti ito sa kaniyang mukha na tila nag sasabing magiging maayos din ang lahat. Alam nito na galit sa akin si ate Tiana. Ulit, ay napahugot ako ng malalim na hininga.

"It will be alright baby."

Hindi ako nag salita, bagkus ay nginitian ko na lamang siya.

"Kukuhanin ko lang iyong wheelchair mo sa may trunk."

Ngumiti ito saka niya dinala ang kamay ko na hawak niya sa kaniyang bibig upang halikan.

"Alright baby. I'll wait for you here. "

Ngumiti ako't saka na bumaba upang kunin ang kanyang wheelchair para makapasok na kami sa loob.

Nang makuha ko na ang wheelchair ay isinara ko na ang trunk saka nag lakad papunta sa kaniya.

Naabutan ko silang magkayakap ni ate Tiana. I halted, hindi alam kung ano ang gagawin.

Should I leave? Pero paano naman si Timothy? He needs this wheelchair. Bahala na!

Sinimulan ko ulit ang aking paglalakad and that caught both of their attention. Kinakabahan ako. Pero ang kabang iyon ay napalitan ng sakit nang hindi man lang ako nito pinansin. She just looked ay me with her cold eyes saka ulit bumalik kay Timothy.

Nang malapit na ako sa kanila ay humalik na ito sa pisngi ni Timothy. Hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

"I'll just wait for you inside brother. Dinner is ready, huwag ka sanang matagalan at baka lumamig ang niluto ko para sayo. "

Doon ay umalis na ito ng tuluyan at hindi man lang ako tinignan. Not even a single glimpse. Kumirot naman ang dibdib ko sa hindi nito pagpansin sa akin.

Ate Tiana has been my friend since from the start at ang makita siyang ganito ang trato sa akin ay nakakasakit lang ng kalooban.

"Come here.... "

Sa isang iglap ay nakakulong na ako sa mga braso ni Timothy. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang katawan. Sa ginawa ko ay mas lalong humigpit ang yakap nito sa akin.

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon