Faithful: 23

2K 59 11
                                    


Ash

Buong maghapon, hanggang sa dumating sila Tita Talitha at Tito Ronaldo, hanggang sa makaalis ang nga ito kasama ang mga bata, ay hindi kami nag iimikan ni Timothy. Napansin iyon ng dalawang matanda, ngunit wala silang nagawa kundi ang tignan na lamang kaming dalawa na may pag-aalala sa mga mata.

Hindi ko maitago ang sakit habang pinagmamasdan siya ngayong mahimbing na natutulog sa kaniyang kama. Nakaupo ako ngayon sa pang-isahang higaan kung saan ko pinatulog ang kambal. I am now facing him, while staring at his peaceful face while sleeping.

Bukas ay tatanggalin na ang semento sa kaniyang paa at kamay, Tita Talitha insisted na ako na ang sumama kay Timothy kapag tatanggalin na ang semento nito. Hindi naman ako makatanggi sa hiling ni Tita Talitha. Rinig iyon ni Timothy, at hindi naman siya umangal kaya siguro ay ayos lang

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago napayuko na lamang habang pinag lalaruan ang aking mga daliri. Hindi ako makatulog, iniisip ko si Timothy, at ang nga anak namin. Tomorrow will be Monday, may pasok ang nga bata kaya hindi sila makakadalaw. Nangako naman si Tita Talitha na papalitan ako sa hapon para mag bantay kay Timothy hanggang bukas ng hapon din.

Sa umaga kasi ay ako ang inatasan ni Tito Ronald na bisitahin ang kompanya namin, our real estate before na nasali na sa Walter Empire.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan ang mga empleyado doon, bago man o hindi. Alam nila ang tungkol kay Timothy at Hailey, it would be shocking and weird if I appear there to be his wife. Hindi nga kami kasal, at hindi ko pa alam kung mangyayari pa iyon.

Muli kong ibinalik kay Timothy ang aking tingin. Akala ko ay namamalik mata lamang ako sa dilim nang makita kong kumintab ang mga mata nito. Iyon pala ay talagang nakamulat ito ngayon habang deretso ang tingin sa akin.

My heart hummered intensely realising that he is really staring at me right now with his deep set of eyes. Damn it! Nagpapasalamat ako at nakaupo ako ngayon kundi ewan ko nalang ang nangyari sa akin gayong nagsimula nang mangatog ang binti ko.

"B-bakit g-gising ka pa? "

Iyon lang ang tangi kong naitanong para lamang maibsan ang kaba ko. But it didn't help, bagkus ay mas lalo lang akong nanghina, mas lalo lamang nitong pinalakas ang pintig nang ngayon ay nag wawala ko nang puso.

"I felt someone staring at me. And I should be the one asking you that."

Hindi ko nakayanang titigan siya pabalik kaya iniyuko ko ang aking ulo, maiwasan lamang siyang titigan muli. Just like the first time, nawawala ako sa kaniyang mga mata.

"H-hindi a-ako makatulog..."

Hindi ko na alam, gusto ko sana siyang yakapin, gusto ko sana siyang makatabi sa pag tulog. Siguro doon ay makakatulog na ako ng mahimbing.

I bit my lip to stop myself from sighing in frustration. Gustong-gusto ko na siyang hawakan simula palang sa totoo lang. But there is a barrier between us. I still need to break that one to enter his world again. Pero ngayon hindi ako sigurado kung matitibag ko pa ito gayong mas lalo lamang itong tumibay sa pangatlong pag kakataon. Pero sinong nag sabing susuko ako? Hindi ako susuko, hindi ko siya susukuan. Ngayon pa bang wala nang hahadlang ay susuko pa ako? No way!

"If you cannot sleep then please let me sleep. Stop staring at me. I am not comfortable with your stares."

"G-ganoon ba? S-sige, p-pasensya ka na. H-hindi na mauulit. Matulog ka na ulit."

Tumayo ako upang ayusing ang nagulo niyang kumot. Kahit na nanginginig ay itinuloy ko pa rin. Hindi niya naman ako pinigilan sa gusto kong gawin. Iyon nga lang ay titig na titig naman ito sa akin.

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon