Faithful: 27

2.2K 52 4
                                    


I'm back!!! Sorry po talaga!
Pero mag babalik na ako promise!

Pagkatapos nito ung second generation naman hehehehe

Enjooooy! ;*

⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜

Ash

Nakikisali lamang ako sa kanilang tawanan. Minsan at sumasali rin ako sa usapan nila. Hindi rin ko rin kasi kayang makisali sa biruan nila gayong kasama namin si ate Tiana. It feels so awkward between the both of us. Miminsan ay nahuhuli ko na lamang siyang nakatitig sa akin, saka niya iiiwas ang tingin.
Kung ganoon ay napapabuntong hininga na lamang ako sabay tungga sa beer in can na hawak ko.

Alam ko namang may mali ako. Gusto ko sana siyang makausap at makahingi ng tawad. I understand her anger. Kung ako rin siguro at may kapatid akong lalaki, tapos malalaman ko lamang na paulit-ulit siyang sinasaktan ng babaeng mahal niya, talagang magagalit ako. That's why I understand where she's coming from.

I made a promise to her and yet I broke it. Kaya tama lamang siguro na magalit ito sa ako. In fact, hindi ko rin alam kung paanong hindi galit sa akin si tita Talitha at tito Ronaldo. Ako ang naging dahilan ng aksidente ni Timothy, they should be mad at me. But they're not.

Pero nag papasalamat pa rin ako at hindi sila galit sa akin. Kung pati siguro sila galit sa akin ay hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Baka kung sakali ay hindi na nila ako palapitin kay Timothy.

I need some fresh air.

Ibinaba ko ang beer in can sa center table saka nag paalam sa kanila na mag c-cr lang ako.

Dumiretso ako sa taas kung saan may balcony at doon ako pumunta.  The cold breeze of the night touched my skin the moment I stepped out of the balcony's door. Lumapit ako sa may railings at doon isinandal ang buong bigat ko.

Tanaw ko mula dito ang pwesto nila Timothy sa may garden. Naabutan ko silang humahalakhak sa isang bagay na sinabi ni lolo Rey. I smiled while watching them smile.

He looks so carefree, so at ease, so relaxed. Ang sarap nilang panoorin gayong lahat sila ay nag tatawanan. Nakita ko pa na may iniabot si Marcus kay Timothy na isang shot ng alak ngunit tinanggihan lamang ito ni Timothy. Napahalakhak ako ng mahina. So he really follows me huh? Kumabog naman ng malakas ang puso ko dahil doon. Natutuwa sa isiping sinusunod nito ang kagustuhan ko.

Hindi nila ako kita sa pwesto ko dahil hindi nasasakop ng ilaw doon ang pwesto ko upang makita nila ako. Kaya malaya kong mapagmasdan sila mula dito.

Natutuwa na ako sa aking natatanaw nang may kumalabit sa akin mula sa likod. Sa gulat ay bigla ang pag lingon ko dito. Sa madilim, ngunit sa tulong ng buwan ay nakita ko kung sino ito.

"A-ate Tiana."

Pagtawag ko sa pangalan nito na ginantihan niya ng isang tipid na ngiti. Para akong nabato nang ngumiti ito sa akin.

Humakbang ito papalapit, at gaya ko, isinandal din nito ang sarili sa railings. Ang mga mata ay dumiretso sa garden, kung nasaan naroon lahat ng lalaki.

Pinagmasdan ko lamang siya, iniisip kung namamalik mata lamang ako kanina nang makita ko siyang ngumiti. Baka naman ay niloloko na ako ng paningin ko dahil sa dilim?

Ibinuntong hininga ko na lamang ang iniisip saka bumalik na sa aking pwesto kanina. Katulad niya, ay malaya ko ring pinagmasdan ang mga taong nasa ibaba.

Nanatili kaming ganoon ng ilang minuto. Purong katahimikan lamang at walang umiimik. Ang mga mata ko ay nanatili na kay Timothy. Hindi ko ata kayang tanggalin ang paningin ko sa kaniya. Kung bakit ba kasi napakagwapo niya? Lagi niyang nakukuha ang atensyon ko. Kahit wala siyang gawing espesyal ay tila sa kaniya lang gustong tumingin ng mga mata ko. He's perfection, no one can deny that one. May maganda ata akong nagawa noong past life ko at sa akin siya ibinigay.

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon