Faithful: 11

2.5K 55 14
                                    


At dahil matagumpay kong natapos ang exam!!! I will give you all an update!!! Yeheeeeyy!!!

Mag pupuyat ako ngayon para sa inyo!!! Mag U-UD na rin ako sa 'His Obsession' ;)

Matagal tagal na rin kasi simula noong nag ud ako doon (XD)

Pasensya naman daw at tinutukan ko muna itong Faithful ko hehehe

Well what are we all waiting for?

Let's head straight to the Update

Enjoy ;)

⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜

Ash

Ang mga luhang nag babadya lamang kanina ay ngayo'y unti-unting namalisbis sa kanyang mamula-mulang pisnge. The shock faded away as it is replaced with pain and hatred. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mga mata ngunit ang dalawang ito ang nag-uumapaw kong nakikita. Ibinaling ko sa iba ang tingin. Hindi ko masikmura ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Sumisikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Masakit makitang nasasaktan ang kaibigan mo at dahil iyon sayo.

Hindi ko intensyon ang mangyari ito. Hindi ko inaasahang ganito kaaga niya malalaman ang itinatago kong sekreto. Oo nga't alam niyang may mga anak na ako, pero hindi ko inaasahang sa ganintong paraan niya makikilala ang ama ng mga anak ko. Why wouldn't she? Fiancé niya ang ama ng mga anak mo for goodness sake Ash! Kahit na pilit mong itago ay malalaman at malalaman pa rin niya!

I sighed. Alam ko iyon, alam kong hindi maiiwasang malaman niya dahil fiancé siya ng ama ng mga anak ko. Hindi lang ako makapaniwalang ganito kaaga niyang matutuklasan ang sikreto ko.

Nilukob ako ng kaba. Paano kung sabihin niya kay Timothy? P-paano kung sabihin niya ang lahat kay Timothy? Na may anak na kami? At hindi niya iyon alam? Na anak niya ang noong itinanggi kong kanya? Ano nang gagawin ko? Maaari niyang kunin sa akin ang mga anak ko!

Nilingon ko ulit si Hailey, kumabog na naman ang dibdib ko nang makita ang intensidad at lamig sa kanyang mga mata. Humakbang ako pasulong at sa bawat hakbang ko ay ang pagka biyak ng puso ko para sa isang kaibigang maaaring mawala sa akin ngayong araw na ito.

"H-hailey....m-mag papaliwanag ako..."
Sinubukan kong abutin ang kanyang kamay ngunit marahas niya itong iwinaksi at humakbang paatras. Tila ba may malubha akong sakit at nakakahawa ito.

"Paano? Paano Ash!? Kaibigan kita! Itinuring kitang pinakamalapit kong kaibigan! Ngayon malalaman ko na ikaw iyon!? Ikaw ang babaeng walang habas siyang iniwan para sa ibang lalaki!? May anak kayo Ash bakit hindi ka nalang nanatili para man lang sa mga anak ninyo! Yet you left him for some random guy and deprived him his rights to become a father!"

Humakbang akong muli at sinubukan ko ulit siyang hawakan. Ngunit tulad kanina ay marahas niya lamang itong iwinaksi.

"H-hindi mo n-naiintindihan.... H-hailey h-hindi ko g-ginusto ang l-lahat...."


Kumunot pang lalo ang kanyang noo. The fire in her eyes blazed even more making me shiver from the intensity it is giving off. Parang ano mang oras ay sasabog na ito sa sobrang galit at prostrasyon.

Hindi ko siya masisisi sa kung ano mang iniisip niya tungkol sa akin. Sa kung ano man ang nararamdaman niya. At sa galit na ibinibigay niya. Naiintindihan ko iyong lahat dahil sa pinaka una palamang alam kong kasalanan ko ang lahat.

Patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha ko habang nag susumamong nakatingin sa kanya.

"How can you do this Ash? Hindi ko maiintindihan? Hindi mo ginusto? Bakit Ash? Sabihin mo sa akin ang lahat. Bakit? Bakit mo siya iniwan? And now you're back! Para saan pa Ash? Para ibalik siya ulit? To clame him again!? Why!? Akin na siya Ash! He's my fiancé now! At ngayon malalaman kong may anak kayo!? You disgust me!"

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon