Faithful: 9

2.2K 41 7
                                    

Ito na pinakahihintay niyo mga chong!!!

Enjoooyy!!!

⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜

Ash

Nasa likuran niya lamang ako habang nag lalakad kami papunta sa pinakamalapit na coffee shop

(A/N: taga LU ako. Wala ako alam XD)

Habang nag lalakad ay hindi ko maiwasang mapaisip. This is the first time again in five years na niyaya niya akong lumabas, I mean, not that kind of 'lumabas', but...it still made me happy.

At least pwede ko siyang makasama, ng kaming dalawa lang, kahit sa maliit na oras lamang na iyon.

Pinag papawisan na rin ang aking kamay. Kinakabahan ako sa pag-uusapan namin. Is it really that important na kailangan niya pa akong makausap ng personal? Kumakabog ang dibdib ko, para akong mababaliw. Mababaliw sa kaiisip kung anong pag-uusapan namin.

At sana, pagbigyan na ako ng panahon na sabihin sa kanya ang totoo. I am going to tell him the truth not to destroy his relationship to Hailey, but to slowly fix things up and put them in their right places. Hindi ko ipag-kakait ang mga anak namin sa kanya. Because in the very start I was the one who deprived him the right to become their father.

Kaagad siyang huminto, at dahil doon ay hindi ako nakapag handang huminto agad kaya nabangga ako sa likuran niya.

"Stop spacing out and focus Ash.  Andito na tayo. You enter the coffee shop and find us some good place to chat while I call my secretary."

"S-sorry. S-sige, m-mauna na ako sa loob."

Nag sasalita pa lamang ako ngunit nag lakad na siya palayo. Tila ba walang kwenta sa kanya ang kahit na ano mang sasabihin ko.

Napayuko na lamang ako't pumasok na sa loob ng coffee shop. I chose a table for two near the window. Dito ay tanaw ko siya mula sa malayo habang seryosong kinakausap ang nasa kabilang linya ng phone niya.

Tinitigan ko siya, remembering every detail of his physical features. Ang daming nag bago sa kanya. For those past five years his body is even now leaner. Is he working out? Because as long as I remember noong nag sasama pa kami ay ni minsan hindi ko siya nakita, or sumama man lang sa isang gym. Although may gym naman noon sa bahay namin, but that was only used by me. Is he using it now? The question is, kung umuuwi pa ba siya doon.

Geez, why is he so handsome again? Pfft! I remember how nerdy he was before way back on our college days. Who would have thought that he's all grown up now. As if there was no nerdy stage that ever happened to him before.

I love this man....more than I can ever imagine myself loving someone like this.

Look at his creased forehead. He looks so serious yet so dead gorgeous. Such a danger in women race. Lahat ng napapatingin sa kanya ay  nahuhumaling.

Hmmp! If I can only shout that ' that man is mine!! '

I can't.....

I sighed.....

Kahit gaano ko naman kagustong angkinin siya't gawing akin ay hindi pa rin pwede. He has a girl now, at mahal niya si Hailey, I can see that, whenever they are together. And besides, I already lost that one chance to be with him....

Jeez...bakit ang sakiiit!! Dang it!

Keep yourself together Ash. Mamaya ka na umiyak. You still have to face him.

Nakayuko lamang ako all the time hanggang sa may folder na lumapag sa harapan ko. Tinignan ko kung sino ito at nakita ko si Timothy na seryosong nakatingin sa akin habang nakapamulsa ang dalawang kamay.

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon