Faithful: 14

2.6K 67 14
                                    


Ash

Nang umaga ding iyon ay tinawagan ko si papa. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari at ngayon nga ay pauwi na sila ng mga anak ko. I even heard their happy laughs at the background. Hindi ko rin mapigilan ang maging masaya dahil sa wakas ay makakasama ko na ulit ang mga anak ko pagkatapos ng isa't kalahating buwan. I can't wait to hug them again.

Nang maghapon ay nag pasyang umuwi si Timothy sa tinutuluyan niyang condo unit. Babalik din daw siya maya-maya lamang. Kukuha lang daw siya ng ibang gamit para dito muna manirahan ng ilang araw at saka bibisita din daw siya sa Walter Empire pati na rin sa iba pa niyang companya to check on it. The Mourewell Real Estate na dati naming kompanya ay pinag merge niya sa Walter Empire, ngayon ay sakop na din nito ang real estate world.

Wala akong ginawa kundi ang manood ng tv hanggang sa napag desisyonan ko na tawagan si ate Tiana at Freya. Ang tagal na rin simula nang huli ko silang nakita. Inimbita ko rin si Hazel, iyong girlfriend ni Ronald my before gay friend. Gusto ko kasi na makilala pa siya ng lubusan. I waited half an hour bago sila sunod-sunod na nag sidatingan.

May silang lahat na pagkain. Ate Tiana have pizza, Freya have two gallons of ice cream, while Hazel brought drinks. Para silang nag usap-usap sa kung anong dadalhin. Hindi ko na iyon pinansin bagkus ay tumayo na lamang ako upang sila ay salubungin.

"Ate! Freya, Hazel! Tuloy kayo! Pasensya na kayo kung ngayon ko lang kayo inimbita ulit na mag kita-kita. I was busy this whole month. Sa tingin ko ay titigil na ako sa pag mo-model. Gusto kong tutukan ang mga anak ko ngayong pauwi na sila. Maybe I'll just open my own café para na rin sa gastusin naming mag-iina."

Naka-upo na kami ngayo sa living room. Freya and ate Tiana chose to seat at the long sofa habang kami ni Hazel ay nakaupo sa isahang sofa.

"Babalik na ang kambal? So does that mean....", si Freya habang napatigil sa ere ang pag subo niya ng isang kutsarang ice cream.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan gayong wala naman akong ginagawang masama? But I can't kid myself na hindi ako apektado sa katotohanang alam ng mundo na fiancé ni Timothy si Hailey. Pakiramdam ko sa tuwing pumapasok iyon sa isipan ko ay isa akong kabit. At walang sino mang babae ang gugustuhing maging isang kabit!

Tumango ako sa hinuha ni Freya habang napapayuko sa tingin ni ate Tiana. Siya mismo ang nakakaalam ng mga bagay na hindi masyadong alam ni Freya, lalo na ang nalilitong si Hazel ngayon dahil ni isang impormasyon tungkol sa akin ay wala siyang alam.

"Pero paano Ash? May fiance ang kapatid ko! Anong gagawin mo? They have publicised it ilang araw palang ang nakalilipas! Ayaw kong mahusgahan ng mga tao ang mga pamangkin ko. They won't take it Ash. They will be called elligitimate children! They don't deserve that! They are Walters and they deserve the world!"

Yumuko ako at walang nasabi. Iyon din naman ang iniisip ko. Pero kaya ko pa bang bitawan si Timothy ngayong alam ko na mahal niya pa rin ako? Hindi, hindi ko na siya kaya pang bitawan. Ayokong masaktan si Hailey, pero mas lalong ayokong masaktan si Timothy. I'll make this right, I'll bring back what I have lost before. My family...

"Alam ko ate Tiana. Ayokong saktan si Hailey, ayoko nang makasakit ng iba-"

"So susukuan mo na naman ba si Timothy Ash?"

Napalingon kaming lahat kay Hazel. Siguro ngayon ay gets na niya ang ibang detalye, pero halata pa rin sa mga mata niya ang pagtataka at ang mga tanong na hindi niya isinatinig.

Ngumiti ako dito. Sa bandang kanan ko ay kita ko ang seryosong mukha ni Ate Tiana. Nag hihintay nang sagot ko sa tanong ni Hazel.

"Masasaktan si Hailey, hindi ko iyon maiiwasa. Sa sitwasyon ngayon talagang hindi ko maiiwasang may masasaktan. Pero ngayon mas pipiliin ko nang masaktan ang iba kaysa sa masaktan ko ulit si Timothy. Pagod na akong makita ang sakit sa mga mata niya. Ayoko na ulit siyang makitang mag makaawa para lang manatili ako. Pagod na akong maging takot Hazel, ngayon naman ay lalaban ako. Kahit na sino hindi ako matatakot, hindi ko na hihiwalayan pa si Timothy."

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon