Faithful: 15

2.8K 53 9
                                    

Examinations are done! Sa wakas at natapos din ang paghihirap ko (XD)

Anyways sorry po sa mahabang paghihintay. Update will be again regularly Saturdays, thank you for your kind cooperation. I appreciate it so much ^^

Let the wait end!

Enjoy ;)

***************

Ash

"Salamat sa araw na ito Ash. Napasaya mo nang sobra ang anak ko. Maraming maraming salamat."

Si tita Talitha habang hawak ang aking balikat. Nandito na kami ngayon sa harap ng pintuan.

Pagkatapos ng kainan kanina ay may kaunting kwentuhan pang naganap bago napagpasyahan nila Tita Talitha na umuwi na. Kasama na nilang uuwi si ate Tiana. Si Hazel naman ay kanina pa sinundo ni Ronald, isinabay na rin nila si Freya pauwi since walang mag susundo dito.

"Ako po dapat ang mag pasalamat sa inyo tita. Dahil pinatawad niyo ako at binigyan pa ng isang pag kakataon para makabawi ako sa pananakit sa anak ninyo."

Ngumiti ng malambing si Tita Talitha. Dahilan nang kung ano mang humaplos na mainit na bagay sa puso ko.

"I'm a mother Ash. Aaminin kong nagalit ako sa iyo sa ginawa mo sa anak ko. Nagagalit ako sayo kasi hindi mo siya kayang ipaglaban the way he is fighting for you before. Pero nag papasalamat ako sa iyo sa pang-iiwan mo sa kanya. I understand and at the same time, nahanap niya ang sarili niya. He was head over hills about you Ash that nothing else matters to him anymore except you. Kung hindi mo siya iniwan ay malamang wala siya ngayon sa kung nasaan man siya ngayon. Patawarin mo din sana kami ng tito Ronaldo mo iha, dahil wala kaming nagawa noon patungkol kay papa. Pero wag kang mag-alala, dahil sa oras na tumutol ulit siya ay hindi ako mangingimkim na protektaha ka at ng anak ko sa kanya. I will protect you Ash, I will protect my son's happiness."

Napaawang ang bibig ko sa lintanya ni tita Talitha. Nag init ang gilid ng aking mga mata. Nag babadyang muli ang mga luha na tumulo.

I envy her. Isa siyang mabuting ina. Tinitingala ko siya sa pagiging ina niya kay Timothy because she have made Timothy grow into something so wonderful. She's amazing and I promise myself to be like her. A mother who'll do anything to keep her sons happiness.

"Salamat po tita Talitha. Although kahit hindi niyo na kami protektahan, dahil kahit na ano pa ang mangyari, hinding-hindi ko na siya bibitawan pa tita. He's my lifeline, without him I'm lifeless."

Niyakap ako ni tita Talitha. Isang yakap ng inang nag-uumapaw sa pasasalamat. I answered her hug back with the same gratitude for having Timothy in this world. Kung hindi dahil sa kanya, walang Timothy ngayon na nag mamahal sa akin ng lubos-lubos.

"Salamat iha. Ingatan mo ang boys natin ha? We'll visit soon if we have time. Kailangan na naming bumalik sa trabaho. Take care iha."

Humiwalay ako sa yakap at pinanood silang mag lakad papalayo.

"Take care din po tita—"

"Mommy iha, call me mommy. You are my sons wife so you make yourself my daughter also. Bye!"

Napangiti ako sa sinabi ni Tita Talitha na ngayon ay hawak na sa bewang ni Tito Ronaldo na ngumiti at yumuko lamang sa akin bilang pag papaalam. Hinarap ko naman si ate Tiana na kanina pa sa gilid namin at nakikinig sa usapan namin ng kanyang ina.

"Salamat Ash. Bukas ay mag-haharap kami ni Rose tungkol sa magulang namin. Kinakabahan ako...."

"Tapos na ang pag hahanap mo ate Tiana? How come? Akala ko ba ay ipinapahanap mo pa sa private investigator mo?"

Faithfully Yours (Book 2)(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon