Fire 5

27 4 0
                                    

Kinalabit naman agad ako ni Atre.

“Nakatunga-nga ka na naman.Ano tara na?” oras na pala para umuwi.

Pinapunta lang talaga kami dito para makilala ang mga classmates namin at malaman rin ang room namin.Pagkatapos ng 2 oras pwede na umuwi.

2 oras ko palang inaalala ang katarantaduhan ni Asrion.Pagkatapos no’n di na ulit kami nagkita ni Averill,kahit pa classmate sila ni kuya sa ibang subjects.

Mabilis natapos ang araw. Kumain lang kami ni Atre ng Jollibee sa Emall.

Dahil magka-ibang direction ang bahay namin ni Atre naghiwalay na kami.

We called our driver first,saka na lamang lumabas no’ng nasa labas na ang mga ito.

We bid our goodbye’s and greet the drivers.

“Kuya Kiko, si kuya Denzel nasa bahay na?” 

Busy kasi si kuya kahit wala pa silang pasok.Nag-aadvance study kase s’ya.

Kung gaano kasipag si kuya mag-aaral kabaliktaran naman ako.

“Umuwi kaninang alas 10”

“Sige po salamat,tulog muna ako”

Kinuha ko ang earphones ko at nilagay ang buds sa tenga.I shuffled it.

Masyadong mabagal ang takbo ng sasakyan dahil sa traffic sa Colon. Alas 4 palang pero traffic na.

Quarter to 6 nang nakarating kami sa bahay.

Nagluluto pa ang mga katulong namin nang pumasok ako sa kusina para uminom ng tubig.

“Good evening po” bati ko sa kanila.

“Good evening din miss Saza.” sabay nilang bati 

Umalis agad ako at nagtungo sa kwarto. Naligo muna ako bago bumaba ulit para sa haponan.

Pagbaba ko wala panghanda sa mesa.Kaya napagpasyahan kung manoud nalang muna habang naghihintay.

NagCartoon Network ako para maaliw. Commercial break pa nung nalipat ko ang channel,buti nalang dala kl ang cellphone ko.

I opened my Facebook there are lots of notifications and requests. Nagbaka sakali akong na-aacept na ako ni Averill, but sad to say wala pa. Si Averill nalang ang hindi ko pa friend sa Facebook. Si Thalarra,Aiken at Asrion friend ko na.

Maarte talaga ‘tong si Averill.

I searched his name. I cancelled the request saka in-add ulit, baka kasi natabunan ‘yung request kaya di na-aaccept.

I opened my Instagram saka nag-instagram story ng story.

Nagpacute lang naman ako sa story ko. Ina-ayos lang ang bukok saka a lil bit fierce.

Nakatatlong palabas ako bago dumating ng sabay ang parents ko. Usually kasi di sila magkasabay dahil busy sila sa kanya kanyang trabaho.

“Hey sweetie” bati sa akin ni Papa saka ako nag-mano at humalik sa pisnge, ganon din ang ginawa ko kay Mama.

We are raised that way. Kahit na sila Mama at Papa they do that to my grandparents.Also the rest of the clan.

“Where’s your kuya,Saza?” tanong ni Mama ng hindi mahagilap si kuya.

“Nasa kwarto ata Ma, di ko pa nakita mula nang dumating ako,umuwi daw kaninang 10” paliwanag ko.

“Mas lalo atang nagkakasunduan ang kuya mo at ang panganay ng Montgomery” sabay tawa ni Papa.

As if naman may nakakatawa.Buti sana kung pinapakilala ako.

Ngumiti nalang ako ng pilit saka nagpaalam na pupuntahan si Kuya.

Magkatabi lang ang kwarto namin ni Kuya, mas mauna mo nga lang madadaanan ang kwarto kaysa sa kanya.

My door room is painted by baby blue while his is simple white.

I knocked on his door pero walang sumagot.

Pinihit ko ang door knob nagbabaka sakaling hindi naka-lock, and to my surprise, hindi nga naka lock!

Bumungad sa akin ang nakadapang natutulog na Denzel.

I’m glad na dala ko ang cellphone ko, para ma videohan ko s’ya at makunan ng litrato.

First kinunan ko muna s’ya ng litrato saka ako tumabi sa kan’ya ang nagsimulang magvideo.

“Kuya” tawag ko sa mahina ang boses.

I extended my arms more para makita kaming dalawa. I tried tickling his ears pero wala epekto.

In the end,tinapos at sinave ko na lang ito dahil hindi ako na satisfied sa pangungulit ko sa kan’ya while tulog, akala ko pa naman may pagtatawanan na ako.

Bakit kasi ang gwapo parin ng kuya ko kahit tulog? Bakit feeling ko pag-ako ang ang panget-panget ko, ang unfair lang ng buhay.

Maganda ang paggawa kay kuya, eh paano nga ba ako ginawa?Pangmabilisan­?

“Kuya Denz” pagigising ko sa kan’ya sabay yugyug.

He groaned.“ 5 more minutes Saza” nakapikit parin na sabi n’ya.

He must be really tired, hindi biro ang buhay ng isang Medicine Student.

Pinagbigyan ko nalang ito sa kahilinhan n’ya na “5 more minutes” dahil pagod s'ya.

Makalipas ang limang minuto ginising ko ulit ito.

“Last 5 minutes” sumosobra na ito ah.

“Gagu ka, naghihintay na sila Mama at Papa sa ‘tin, galing pa work ‘yon, gutom ang mga ‘yon tas 5 more minutes pa!Bangon na!Namumuro ka na!” pagtataas ko ng boses.

“Okay,okay,okay” saka ito dumilat at ngiti sa akin.

Inirapan ko lang ito at tumayo sa gilid ng kama n’ya.

Sabay kaming bumaba.When we reached the dining room, nagsorry agad si kuya sa ginawang pagpapahintay n’ya kina Mama, na konsensya ata sa sinabi ko.

Days went very fast, a month ago I was struggling in Grade 11, but look at me now, Grade 12 na sa susunod na year. At hanggang ngayon, di parin ako pinapansin ni Averill! I don't know if may galit s'ya sa akin o ayaw lang n'ya talaga sa akin!

But I swear! Hindi matatapos ang senior high school year ng hindi napapansin ni Averill!

It's either by hook or by crook!

I may not the smart type of girl, I am just hardworking, so it's kinda hard for me.But I did it, I passed all my subjects and I am one of the Honor students.

And next on the list, I'll get Averill.

Relight The FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon