Kung paano magsulat ang isang manunulat
Sulat dito, Sulat doon
Pilas dito, pilas doon
Ilang papel na ba ang nasayang at masasayang pa
Sa mga sulatin at akda niyang wala naman daw kuwenta.Ilang tinta na din ba ng ballpen ang naubos
Para lamang maisulat ang di mabilang na tula at prosa
Sa mga natapos na lathalain at nobela
Na tila hanggang imahinasyon na lamang ba.Ballpen at papel at nagsisilbing sandata
Upang maipahatid ang mabigat na nadarama
Hindi man masabi ng literal gamit ang bibig
Sa mga mapanlinlang niyang mga salita'y walang makadadaig.Sinubok na ng matinding lungkot
Puso niya'y minsan nang nabahiran ng poot
Ngunit damdamin niya'y hindi natakot
Sa pagsusulat ng tula siya'y hindi nakalimot.May pagkakataong siya'y nabigo rin sa pag-ibig
Nakaranas ng labis na sakit at pagkaligalig
Sa mga luhang sa mga mata niya'y patuloy na pumapatak
Pagsusulat ang nagbigay ng saya't halakhak.Papel ang nagsilbing panyo na pumahid ng mga luha sa mata
Ballpen ang pumawi sa sakit at pangamba
Kaya huwag sasabihing walang nararating ang pagsusulat
Pagkat kung wala ito, utak ko'y mananatiling pakalat-kalat.Pagsusulat ang naging kaagapay
Sa mga oras na ako'y nalulumbay
Sa puso't diwa kong patay
Hiwaga ng pagsusulat ang muling bumubuhay.
Kagaya ni Rizal na pinaglaban ang bayan sa pamamagitan ng pagsusulat
Siya ri'y naninindigan na ipaglaban ang kaniyang sariling opinyon at adhikain
Siya'y hindi magpapatalo sa kritisismo at panghuhusga
Bagkus pagsusulat ang magsisilbi niyang instrumento at kalakasan.Siya'y magsusulat kahit na ang kanang kamay niya'y manhid na
Siya'y patuloy na magsusulat hindi dahil sa kaya niya
Siya'y magsusulat dahil ito'y gusto niya at patuloy niyang gugustuhin
Siya'y magsusulat dahil ang pagkakaroon ng isang sikat na libro ay pangarap niyang matagal nang nais kamtin.Siya'y napapagod, kamay niya'y humihinto
Ngunit siya'y may determinasyon na hindi kailanman susuko
Patuloy na pag-iibayuhin nang sa gayon ay hindi maglaho
Siya'y magsusulat at magsusulat kahit pa siya'y mabigo.Kaya't kaibigan huwag mo naman sanang maliitin ang pagsusulat
Hindi madaling lumikha ng mga mahikang salita na magtutugma sa kaliit-liitang himaymay ng mga detalye
Hindi madaling paliparin ang isip upang mas lumawak ang imahinasyon at makalikha ng maraming salita
At lalong hindi madaling isalin ang bigat ng dibdib upang maging isang makulay na lathalain.Paano nga ba magsulat ang isang manunulat?
Ito ba'y sa pamamagitan lamang ng kapirasong pilas ng papel at ballpen?
Hindi. Dahil nalaman mo na ang kasagutan
Ito'y isang paraan, pangarap at paninindigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/185952950-288-k578355.jpg)
YOU ARE READING
The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)
PoetryIt is a poem