Ano nga ba ang GAS(General Acsdemic Strand)?

172 0 0
                                    

GAS , hindi liquid o solid kung Chemistry ang pag-uusapan
Hindi rin likido na iyong ginagamit sa pagluluto gamit ang kalan
Hindi hangin na iyong nilalanghap at pangunahing kailangan
General Academic Strand ito, strand na may ipinaglalaban.

Basic? Mag-isip muna bago mo iyan sabihin
Sapagkat wala kang alam sa mga nakapaloob sa strand na ito just telling
Kung kagaya ng ibang strands todo research papers and reportings
Iba ang GAS , General ang dating.

Ang GAS ay para lang sa mga undecided? Makinig ka sa akin prend
Sadyang nais lang naming iexplore kung anong mga maaari pang i-comprehend
Ang in-ooffer kasi nitong subjects ay all-in-one
Mapa-ABM, HUMSS , STEM pinag-aaralan namin lahat ng iyan.

Thesis ? Research papers? Meron din kami niyan
Di na nga magkamayaw sa dami ng paglalagyan
Survey Research, Defense Defense
Eyebags nami'y lumalaki na rin sa stress at suspense.

Kung pagod ka na sa kaka-analyze at kakaexplain, isipn mo rin ang Graphs ng Economics na aming minememorize
Pagtaas ng supply , ng demand at ng price
Pati shortage at surplus ma problema ng mga nagpoproduce
Kailangang pag-aralan kung hindi'y grades namin ang magrereduce.

More on skills? Elective is one GAS as well!
Academics pero may sports at Arts pa din
Mafoforce maging sporty kahit di marunong sumalo ng bola o kaya magserve
Magfefeeling artist para maipasa ang sandamakmak na requirements so weird.

History and Political Matters? Pinag-aaralan din
Kulang nalang Political Science sa college ay piliin
Lahat ng terms na related sa bansa ay kakabisaduhin
Kahit pa meaning ng Politics ay hindi man lamang maexplain.

Philosophy na nakapaloob sa Humanities
Aba't may subject din ang GAS my goodness
Pagkakaiba ng Partial at Holistic Thinking
Ang subject na ito'y sobrang napaka-interesting.

Lawakan at laliman ba ng isip ang pag-uusapan?
Creative Writing ay mayroon din ang mga GASIANS
Pagsulat at tulang may sukat at tugma
Pati prosa at kwento , sa pagsusulat ay lalo kang mahuhulma.

Math! Ang pinakahate na subject at napakasupersticious
General Math, Calculus , Statistics aba pati Business Math nakakaconcious
Favorite pa rin ng Math ang GAS kahit kami'y sobra nang nacucurious
Kaya Eto, todo solve dahil high grades ay ayaw naming malose.

Reading and Writing and 21st Century
English di pa rin talaga nawawala sa aming vocabulary
Mapapasabak sa napakaraming paper works and whatsoever
Maipasa lamang ang requirements kay Ma'am at Sir.

Pagbasa at Pagsulat at Filipino sa Piling Larangan
Simbolo at patunay ng pagkamamamayan
Nalungkot nang malamang ito'y aalisin na sa talaan
Pero mas nalungkot nang malamang mas matindi pala ang sa asignatura na ito'y nakalaan.

DRRR , pangalan palang ako'y sobra nang napepressure
Idagdag pa ang mga terms nitong gumagambala sa mga utak naming pure
Earthquakes and other Disasters kailangang alamin
Ligtas daw kasi pag may alam , kaya dapat tayo ay laging aware.

Contemporary, memorization is a must mga pre
Weakness namin ang Get One Whole kapag may biglaang quiz at test
Lahat ng composers and famous personalities ay kakabisaduhin
Huwag lang mahikayat si Sir na grades namin ay pababain.

EFAPP, sa English Grammars kami rin at napapasabak
Critique , Concept at pati mini-research papers
Di man magaling sa pagsusulat at pag-aanalyze
Determinado at pursigido para grades nami'y maging nice.

Science , oo may science din kami
Earth and life and Physical Science
Pinag-aaralan pa ring matindi ng mga palaban na GASIANS
General na pati gravity at free fall ay pinag-uusapan
Yung tipong okay lang ma-fall sa kaniya kaysa grades sa Science.

Ang GAS pala ay para rin sa mga IT
Halina nama't pag-aralan ang Empowerment Technology
Ctrl C, Ctrl X keyboard shortcut sa computer ay malalanghap
Pangunahing problema ang pera at laptop.

Trends at Media Information Literacy
Naku, sa pag-aaral naman ng mga makabagong teknolohiya ay magpapakabusy
Maaaring sa pandinig ng iba iyo ay easy
Ewan ko lamang sa mga utak naming Messy.

PE, di naman nawawala at naririto pa rin
Boring daw kasi kapag walang subject na kakaiba ang dating
Naging Ballerina at Hip hop dancer alang-alang sa grade
GASIANS kasi di hahayaang made grade.

Lastly, Career Advocacy ay mayroon ang GAS
Di kagaya ng iba na may ini-Specialize
General kasi , more on explorations and explanations
Undecided? Hindi ba pwede ng nais lang namin ng hundreds of options??

General Academic Strands
Madalas ma-down pero patuloy na naninindigan
GAS lang yan, GAS ka lang
Kaibigan , sa General matuto ka namang gumalang.

Bago mo sabihing hirap ka nang pumili sa kanilang dalawa
Isipin mo naman ang aming kalagayan
Halos inexplore na namin lahat lahat ng nasa strands
Kung maaari lamang lahat ng ito piliin, why not? 😂

Bago mo sabihing cheap ang GAS
Alalahanin mo munang Multi-tasker ang nasa strand na ito na walang balak umatras
Kahit pa nga time kaya nilang imanage
Maipasa lang ang lahat ng requirements.

Walang patutunguhan?
Kami lang po naman ang Future Teacher, Engineer , Accountant at kahit na ano pa man
Madami kaming choice kaya umayos kayo jan
Hindi ito basta basta , kami rin ay nahihirapan.

Pangarap at Determinasyon ay amin ring puhunan
Baon ang lakas ng loob at tiwala na nagsisilbi ring kalakasan
Basic ang GAS? Just a piece of cake ang GAS?
Isipin mo nga paano ka makakahinga kung wala ang GAS? 🤔

Sabi ko nga hindi madaling makipagsapalaran
Bago makaakyat sa stage, research papers muna ay imamanage
Papeles muna bago diploma
Paghihirap muna bago tagumpay na malalasap.

GAS ako . Hindi basta GAS lang
Buong pusong tatayo at ipangangalandakan
GAS. Iyon bang madalas na minamaliit na strand?
Kami lang naman ang may maningning na kinabukasan.

The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)Where stories live. Discover now